Chapter 30: Azunes
"You sure you're okay?"
Nabaling ang tingin ko kay Kazuki ng bigla itong bumulong. Tumango naman ako bilang sagot. Papunta kaming Azunes ngayon, ayon sa mapa na ginawa ni Fana, nasa Azunes ang isa sa mga Sunstone.
Ang Sunstone naman na nakuha namin dito sa Dreris ay nasa Solstice na. Si Seika mismo ang pumunta dito sa Dreris para makuha ang babae at kasabay nito ang pag-kuha niya sa Sunstone para ma-kolekta, bago namin mai-bigay sa Hari. Kaya ngayon kailangan namin ituloy ang paghahanap sa iba pang Sunstone.
"Haruka! Tayo na!" agad nalipat ang tingin ko kay Kura ng sumigaw ito.
Kasabay ng pag-kapit niya sa braso ko ay ang pag-kapit din ni Fuma sa kabila. Malakas akong napabuntong-hininga sa inakto nila, "May bag akong dala." I informed.
"Umalis ka diyan Fuma! May bag si Haruka!"
"Mas umalis ka, Kura. Sa kanan niya inilalagay ang bag niya!"
"Let's go!"
Agad kaming napatingin sa harap ng mag-salita si Kazuki. Napakunot naman ang noo ko ng makitang bitbit na niya ang bag ko at umunang umalis sa silid. Tila nakita naman ito nina Kura at Fuma dahil sabay pa silang napasinghap. Ngunit kalaunan ay sumunod na kay Kazuki papalabas.
Ibinalik namin ang susi ng silid na tinutuyan namin at lumabas sa Mirage. Bumalik naman ang sigla ng mga taong nandito na tila walang nangyari kagabi. Mas mabuti na rin 'yon. Ngunit kapansin-pansin parin ang isang gusaling nawala.
"Talaga bang ayos lang ang sugat mo, Haruka?"
Nabaling ang tingin ko kay Kura ng bigla itong mag-tanong. Tanging tango lang ang isinagot ko. Mabuti nalang at unti-unting humuhilom ang sugat at nakakalakad na ako.
Agad naghanap ng karwaheng masasakyan ni Kazuki na mag-hahatid sa amin sa Azunes. Hindi ko alam kung ilang oras ang tatagalin bago kami makarating sa bayan ng Azunes. Pero sana naman... sana wala ng gulo ang magaganap.
Hindi rin naman nag-tagal at agad silang nakahanap. Agad kaming sumakay dito at nag-simula namang magpatakbo ang kutserong nag-mamaneho.
"What kind of city is Azunes is?"
Nabaling naman ang tingin nila sa akin.
"I've never been in that city." Kura replied.
"Same as her." segunda naman ni Fuma.
"It is a remote city." matipid na saad ni Kazuki.
Napakunot ang noo nila Kura. "Remote?" sabay pa nilang saad ni Fuma.
"Yes." sagot ni Kazuki sa kanila.
Tumango naman sina Kura at Fuma at muling nag-usap habang tinuon ko ang pansin sa labas para tumingin sa mga tanawin. Unti-unti na kaming lumalayo sa Dreris, nawala na ang maingay na paligid at napalitan ng seryoso. Hindi ko alam kung anong bayan ang madadaanan namin o kung meron man, ngunit ayaw ko ng mag-tanong pa.
Patago akong tumitingin kay Kazuki. Hindi ko pa rin siya nakaka-usap simula 'non. Hindi ko alam ang nararamdaman niya ngayon.
"Haruka! Look! Dadaan tayo sa city ng Legion." malakas na ani ni Kura sa akin.
Legion? One of the city of Sentinels?
Sinunod ko naman ang tinuro niya at mula dito kitang-kita ang bayang sinasabi niyang Legion. May nakalagay na Legion sa itaas bago ka makakapasok sa bayan nito. Tanaw na tanaw naman ang magagarbong gusali na halos malula ka sa laki.
BINABASA MO ANG
Verdentia Empire: Endless Rebirth
FantasyIn the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the capital and criticised by the nobles and royalty. Among them is Haruka. Unlike other people from their...