PANIMULA

21 0 0
                                    


Copyright © 2015 by Migz Lagado

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher/writer, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. For permission requests, write to the publisher at migzzobel@gmail.com.

......................

Nakipagsayaw ka na ba at umuwi ng madaling araw galing sayawan? Minsan ba'y naranasan mo ng tumayo ang balahibo habang kayo ay nasa daan? Paano kung may ibang nilalang kayong nakasalubong? Paano kung ang bangongot ay isang katotohanan pala na ang tanging patunay lamang ay ang iyong putik sa mga paa?

Ang kuwentong ito ay hango sa totoong karanasan ng isang kabataang galing probinsya kagaya  mo.

....................................

Litong lito si Mike kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kanila. Hindi pwedeng isang panaginip lamang ang lahat. Hindi pwedeng ang lahat ng nangyari ay bunga lamang ng kanyang malikot na isipan. Umaagos ang mga luha nito habang pinagmamasdan ang kanyang putikang paa.

"Hindi pwedeng ganito! Hindi pwedeng wala akong matandaan. Hindi pwedeng panaginip lamang ang lahat ng nangyari! Hindi pwedeng nanaginip lamang ako habang ang mga kaibigan ko ay.....pabalik kami galing sayawan."  Nanlulumong wika nito sa sarili habang kinakagat kagat ang kanyang kuko sa kamay.

Habang nasa ganoong sitwasyon ang lalaki ay narinig na naman nito ang pamilyar na tunog. Kung saan at kanino nanggaling ay hindi matukoy. Ang tanging alam niya lang  ito ay hudyat upang matulog na naman.

"Andito na naman ang tunog! Ahhhh! Tama na! Tamana! Ahhhh!" Sinasabi niya ito  sarili habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang taenga habang unti unting pumipikit ang kanyang mga mata.

Lumuluha ang binata kahit nakapikit ang kanyang dalawang mata.

PutikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon