Chapter 14

95 1 0
                                    

BUONG ARAW na hindi mapakali si Amora. Kaninang umaga pa umalis si Lime para mag-deliver ng mga order nila at hanggang ngayon na mag-a-alas-kuwatro na at wala parin siyang natatanggap na text mula rito.
Pero ang mga nadileveran ay nag confirm na sa kanila na natanggap na nila angg order. Siguro na offend ito sa sinabi niya.

Kinuha niya ang cellphone sa bag at tenext si Lime. Nang hindi ito sumagot sa text niya ay tinawagan niya na ito. Please, pick up. Hanggang sa matapos ang pag-ring ay walang sumagot.

Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali na hindi ito nakakausap kaya naman napag-desisyunan niyang puntahan ang lalaki sa opisina nito. Malapit na ang time para sunduin ang kanyang anak. Sinabihan na muna niya si Saffiya na ito na muna ang magsundo sa anak niya at siya ay may pupuntahan lang saglit.

"Hello, Miss Aguilar," bati sa kanya ng secretarya ni Lime na si Patricia ng makita siya nitong lumabas mula sa elevator.

"Hi." May munting mga ngiti sa mga labi niya na bati rito. "Nandito ba si Lime?"

"Nasa penthouse po siya ngayon. Kakatawag niya lang na masama ang pakiramdam niya."

Amora sighed in disappointment.  "Ganoon ba? Sige, puntahan ko nalang siya roon."

Akmang aalis na siya ng pigilan siya ni Patricia.

"Wait, Miss Aguilar. Paki-alagaan na muna ang pasaway na boss namin."pigil nito sa kanya. "Pasabi nalang din na magpagaling siya dahil ako ang nahihirapan sa dapat ay siya ang gagawa." Pagkasabi niyon ay naglakad ito patungo sa mesa nito.

May sakit siya? Pero kanina okay lang siya. Habang naglalakad, nag-aalala siya at baka masama na ang pakiramdam nito ng pumunta ito sa shop niya. Bakit hindi mo napansin amora?

Nag-deliver pa naman ito ng dapat ay sila ang gumagawa. Kinakabahan siya sa hindi malamang kadahilanan. Gusto niya itong makita. Gusto niyang malaman kung okay lang ba ito. Alam niyang nasigawan niya ito kanina dahil sa usaping pinaalam nito sa pamilya nito na may anak na siya. Hindi naman niya sinasadya at nadala lang siya ng damdamin niya. Takot na baka anong sabihin ng mga ito.

Nang makababa na siya mg elevator ay naglakad siya palabas ng building at agad siyang pumara ng taxi. Gusto niyang puntahan ang lalaki at e-check kung okay lang ba ito.

Hindi nagtagal agad siyang nakarating kung saan ang penthouse nito at agad na sumakay ng elevator patungo sa floor kung saan ang penthouse ng binata. Abot ang kaba niya habang hinihintay na huminto ang elevator kung saan siya bababa.

Sa lalim ng iniisip niya, hindi niya namalayan na nakarating na siya. Humugot siya ng malalim na hininga, pagkatapos ay nagmamadaling naglakad patungo sa isang pinto. Kumatok siya rito pero walang nagbubukas kaya pinihit niya ang doorknob kung bukas ba ito at nagulat pa siya ng mabuksan niya ito. Dahan-dahan siyang pumasok at hinahanap ang lalaki na gusto niyang makita.

"Lime?" Pagtawag niya sa binata. "Are you here? Where are you?"

Pero ilang sigundo na ang lumipas walang lalaki na sumagot sa kanya. Napaka-tahimik ng paligid. Kaya naman nagtaka siya.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kuwarto ng lalaki at nagbabakasakali na nandoon ito. Pagbukas niya ng pinto ng kuwarto nito ay umawang ang mga labi niya sa nakikita niya.

Nasa sahig ang mga damit nito. Mula sa gilid ng mata niya nakita niya si Lime sa kama nito. Nanginginig habang nakatalukbong ang kumot ang buo niyang katawan.

Natatarantang kumuha siya ng malaking bowl at nilagyan ng tubig at kumuha na rin siya ng maliit na towel para mapunasan ang binata at mabawasan ang init ng katawan nito.

OBS 3: Our Sweet And Sour LoveWhere stories live. Discover now