Chapter 51

3.3K 69 7
                                    


Raineer's PoV


Tumakbo ako palabas ng taxi pagkatapos kong makapagbayad. Pinagpipindot ko rin ang doorbell at ilang sandali pa ay lumabas ang isa sa kasambahay namin at tumakbo upang pagbuksan ako ng gate ng makita niya ako.



Agad akong tumakbo papasok ng bahay, may sinasabi ang kasambahay pero hindi ko siya pinakinggang dahil nagmamadali ako upang puntahan si Charlene.



"Babygirl?"



Tawag ko pero walang sumasagot. Una kong pinuntahan ang kwarto namin pero wala akong nadatnan, sinunod ko ang guest room baka sakaling nandoon siya pero wala rin, pati na sa kwarto ng anak namin ay wala siya.



Damn! Iniwan na ba ako ni Babygirl?!



"CHARLENE! CHARLENE!!"



Paulit-ulit kong pagtawag pero walang sumasagot.



"Sir..." napalingon ako sa tumawag na kasambahay at nilapitan siya at hinawakan sa magkabilang braso.



"NASAN SI CHARLENE?? BAKIT WALA SIYA DITO? MAGSALITA KA !!" Bulyaw ko at ang ayaw ko sa lahat ay ang hindi siya sumagot agad.



"S-Sir, nasa ho------"



"NASAAN? MAGSALITA KA!"



"Sir... A-Ano kasi... N-nong isang gabi po-----"



"ANONG NANGYARI NONG ISANG GABI?! N-NILAYASAN NA BA NIYA AKO, INIWAN NA BA NILA AKO NG ANAK KO?! NASAAN SILA, KAILANGAN KO SIYANG MAKAUSAP!! KAILANGAN KO SIYA MAKITA!!"



Hindi ko makakaya kapag tuluyan na akong iwan ni Charlene. Hindi pwede, hindi!


"Minahal kita ng totoo pero anong ginawa mo? Sinayang mo lang. Naniwala ako sa salitang 'I Love You' mo na para sa'yo ay natural lang sa katulad kong pinaglalaruan mo. Pagod na ko, Raineer. Ayoko na."



Biglang nagflashback sa akin ang mga salitang binitawan ni Charlene ng gabing yun.



" Pagod na ko, Raineer. Ayoko na."



"Pagod na ko, Raineer. Ayoko na."



" Pagod na ko, Raineer. Ayoko na."




Napabitaw ako sa kasambayan at napaupo nalang ng kusa sa sahig. Ngayon ako nagsisisi, na sana hindi ko nalang siya iniwan nong gabing yun, na sana hindi ko nalang siya sinigawan, na sana sinabi ko nalang sa kanya ang totoo.



"Ang t-nga t-nga ko!" Bulong ko sa sarili ko at hindi mapigilang maluha. Nasaktan na ako noon pero mas masakit ngayon dahil ang kalahati ng buhay ko ay nasaktan ko ng sobra at ngayon ay iniwan na ako dahil sa kat-ngahan ko.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon