Fool's Gold | Dear Chester

276 19 3
                                    

Play the video before reading

You have a new message from Chester Rodriguez

Binalik ko sa aking bulsa ang cellphone ko ng makita ko ang notifications ko. Kinakabahan ako dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya.

Eto na ba yung kinakatakot ko?

Napabugtong hininga nalang ako at sumalampak sa may sofa. Andito ako ngayon sa apartment ng kaibigan ko.

Tinanggal ko ang aking salamin at minasahe ang aking mga mata. Inalala ko ang panahon na nakilala ko siya.

--

Ang boring naman. Ano 'bang pwede kong gawin?

"Hoy Andy nakabusangot ka nanaman diyan. Kaya walang nanliligaw sayo e. Ano bang problema mo ha?" Sita sakin ni Cassie.

"Wala. Bored lang ako. Bakit ba kasi hanggang May pa ang pasok natin ha? Leche naman oh."

"Ewan ko sayo e kung mag-aral ka nalang kaya diyan kesa magreklamo? Edi may mapapala ka pa."

Hindi naman na ako sumagot at binuklat na yung notebook ko. Alam ko naman na kasi yung mga nakasulat diyan e. Nakakatamad lang na basahin ng paulit-ulit. In short: nakaka-bobo.

Kinuha ko nalang yung cellphone ko at kinausap ang mga kaibigan ko na taga-ibang unibersidad. Nakakamiss na e. Lalo na't hindi naman iisa ang pinapasukan namin.

Nakipag-usap lang ako ng nakipag-usap hanggang sa nakilala ko siya--si Chester Rodriguez. Hindi ko siya gaanong kakilala. Sa totoo lang pangalan lang ang alam ko sakaniya pero shet ang gaan ng loob ko 'nung nakapag-usap kami. Kakaiba sa feeling.

Hindi dun nagtapos ang pag-uusap namin ni Chester. Nasundan pa 'to ng ilang araw ng pag-uusap hanggang sa naramdaman ko nalang na gusto ko na pala siya.

Me: Hoy may sasabihin ako sayo!

Panimula ng chat ko sakaniya. Shet heto na. Aamin na po ako sa crush ko. First time 'to noh!

Chester: Oh ano yon? Maka-hoy ka naman parang utusan mo lang ako ah. Haha.

Me: May sasabihin kasi ako! 'Wag mo akong tatawan ha? Kasi shet ngayon ko lang 'to magagawa in my 17 years of existence. Crush kasi kita. Shet lang diba.

Pagkasend ko ng message na 'yon hindi ko na hinintay yung reply niya at agad na in-off yung wifi ng phone ko. Ayokong mareject. Masakit kasi ata yun. Ewan. Bahala na nga.

Pinalipas ko ang apat na oras bago ko i-on ulit yung wifi. Nanood ako ng k-drama sa laptop, nakinig ng music, kumain at natulog. Kinakabhan kasi talaga ako. Ano nalang ang sasabihin niya? Impossible naman kasing magkagusto siya sa tulad ko diba? Pala-mura, brusko, mas lalaki pa sa tunay na lalaki at higit sa lahat, hindi marunong mag-ayos ng sarili.

Napa-sign of the cross muna ako bago ko i-on ang wifi at halos malula ako sa nakita ko. 7 new messages lang naman ang tumambad sa akin mula kay Chester! Shet. I can't believe it.

Nanginginig pa ako ng buksan ko yung message niya at halos tumalon mula sa rib cage ko palabas ang puso ko dahil sa kilig.

Chester: Ows? Baka niloloko mo lang ako ha?

Huy Andy sumagot na naman!

Hello? Andy buhay ka pa ba?

Andy gusto rin kita. Shit. Ayan umamin narin ako.

Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon