"Ano na naman kayang klaseng lalaki ang ipinarereto ni Mama sa akin" sabi niya habang naglalagay ng hikaw at finishing touches sa make-up.
Haine Jin, 19, half-korean, 3'6 at NBSB!
"Ma, I gotta go!" kisses her cheeks.
"Enjoy anak!"
"Okay" she lifelessly replied.
Pumayag lang naman siya sa blind date na ito dahil sa parents niya lalong-lalo na sa kanyang Mama Maika. Siya lang naman ang nag-iisang anak ng Chairman ng Jin Group at bilang tagapagmana ay pinapaaral siya sa isang prestihiyosong eskwelahan at binibigay ang lahat ng gusto.
Hindi siya yung tipikal na anak mayaman na maarte at mata-pobre.Sa katunayan nga ay ayaw niya sa mga parties at mamahaling gamit. Mas gusto ang simple at payak na pamumuhay. Ayaw sa mga plastic na tao na nakikipagkaibigan lang dahil sa pera. Hindi naman niya pera iyon pero yun na nga anak para siya ng mga ito.
Sa ngayon may pitong 5 star hotel ang pamilya niya at iba pang klase ng business sa fashion industry at balang-araw siya ang magmamanage nito. Sabi pa ng Mama niya na kailangan na daw niyang magkalovelife.Kaya ngayon off to go! Wala din naman siyang gagawin, so why not?
Sa Crimson Hotel ang venue ng blind date niya.
HAINE'S POV
I was wearing a red cocktail dress with a black ribbon at the waist and gold lining.White pump shoes and a gold purse.
Lumilinga ako sa paligid at hinahanap ang table no. 08, yung no, ng table "naming" sabi ni Mama. Actually si Mama talaga ang naghanda ng lahat pati na nitong reservations.
'Gotcha' nasa sa isip ko.
I make my way and see a man already sitting in it.I can't see his face for he is facing me his back.
"Ummmm, excuse me?, are you Mr. Connor?"
Tumayo yung lalaki at inalok ako na umupo. Hinila niya yung silya at naupo na rin ako. Hindi man lang ngumiti.Tssshh..sayang gwapo pa naman.
"Yes,Miss Jin. I'm Mr. Connor,Kazuma Connor" he offered me a handshake.
Hmmmm, not bad, gentleman din pala. Pwede na rin. Let's see...
He was wearing a black Armani suit with a blue necktie and I must say it suits very well to him. Fine skin and freshly shaved face and his black hair is quite messy but still it's cool. He really is from a prominent family. Well, lahat naman ata ng ipinakilala ni Mama sa akin ay galing sa mga mayayamang pamilya. Ang iba nga ay anak ng mga kaibigan niya at so far wala pa akong nagugustuhan kahit isa sa kanila.
I know they have the looks but they are so formal and boring. Some are so straightforward towards liking me and I certainly don't like that.
"Ehemmm" clears throat.
"Uhhh..excuse me for my rudeness" Nakita niya siguro ang pagtitig ko sa kanya kanina.
"It's okay Miss Jin"
"No just call me Haine" smiles.
"Ahh,okay Haine, you can also call me Kazuma"
Tinawag na niya ang waiter at tinanong ako kung ano ang gusto ko.Sabi ko siya na lang ang bahala.
"So, is this your first time to have a blind date, Haine?"
"No, I have been throught this, a lot actually"
"I see"
"Ikaw, pano ka ba napapayag sa ganito? Sa tingin ko kasi isa kang busy na tao at parang walang panahon sa date-date?"
Tumawa siya ng mahina at biglang sumeryoso.
'Patay tayo diyan Haine,kaw kasi hindi mo man lang pinigilan yang baba mo' sabi ng isip ko.
"Ah, ano" ninenerbiyos na ako.
Buti na lang dumating yung order naming at ten-nen! Save by the bell. Iiwasan ko na magsalita ng dire-diretso. Mapapahamak pa ako ng tuluyan.
Inilapag nang waiter ang order namin at nagsimula na kaming kumain.Tahimik at hindi na kami nag-usap pa. Tunog na lang ng kubyertos, pinggan at ng banda sa hotel ang maririnig.
Panay ang ang nakaw ko ng tingin sa kaniya at parang galit pa rin ata. Ang moody naman. Wala na Ma, humanap ka na ng bago. Huhay!
Malapit na kaming matapos ay hindi pa rin siya kumikibo. Ano ba tong napasok ko. Hindi ko na kaya pa ang katahimikan, kailangan mag-sorry na ako. Iinom muna ako ng tubig. Haine FIGHTING!!!
"Uhmmmm, Kazuma. Sorry" sabi ko sabay yuko ng ulo.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ito nagsalita.
"Sorry na oh, Hindi ko naman sinasadya yun. It was just a harmless comment and didn't meant to offend you or whatsoever"
Hindi pa rin siya kumibo at ng hindi ko na mapigilan ay iniangat ko na ang ulo ko at tiningnan siya.
"BWAHAHAHAHAHA" :D :D
Aiiie,,tumawa lang.pssshhh..Ano bang nakakatawa dun.
"Oi, Kazuma"... sabi kong mahina. "oi,pinagtitinginan na tayo ng tao."
Tawa-tawa pa rin siya ng tawa.
"Hoy! Kazuma! Tumigil ka na nga!"
Tumigil na siya sa pagtawa.Napakalakas kasi ang boses ko buti nandiyan yung banda at hindi tuluyang nabulabog ang lahat.
Nagsukatan lang kami ng tingin at halatang hindi pa siya tapos tumawa.
"Haine, did I already tell you that you are so beautiful tonight?" seryoso niyang sabi sa akin.
Napataas ang kilay ko dun ng wala sa oras.
I guess this will be a long night.

BINABASA MO ANG
My FIRST..
Teen FictionIn just one year he let me experienced a lot of my first times. I thought we would be together but then again he let me taste my first heartbreak. It took me by surprise and decided to just forget about him. But after 6 months, he came in front of...