CLAZZO
Nakarating sa akin ang balita na umalis na raw pa-Australia si Axel, hinatid siya ng mga co-leaders niya.
"You'll be fine, Axel..." Bulong ko sa kawalan.
Medyo nagkakaroon na ako ng baby bump kasabay ang pagtaba ko, hindi na rin ako pwedeng magpakita kahit kanino dahil paniguradong may magsasabi agad kay Axel kapag nakita nila ang kalagayan ko.
Also, marami ng investors ang nag withdraw mula sa company namin, binenta na namin sa Cienfuego group ang mga long term asset namin para mabayaran ang kabuuang utang na tax, hindi na natuloy ang kaso dahil nga nakapagbayad na kasama ang interest.
Sa kabila no'n, kinailangan na naming isara ang lahat ng mga negosyo namin, kailangan naming magbawas ng tauhan, at higit sa lahat ay wala na kaming nagawa kundi hayaang malugi ang kumpanya.
Kapag kasi pinilit ko pang isalba ang kumpanya ay mas lalo lang kaming malulubog sa utang, mas malaking problema iyon.
"Ilang buwan na lang manganganak ka na..." It was Lawless.
Nakapag ipon naman ako ng malaking pera at iyon ang ginamit ko para makabili ng kahit maliit na bahay lang na malayo sa syudad at dito ako ngayon nakatira.
Hindi na kasi ako pwedeng manirahan sa village dahil nga malalaman nila at hindi pa ako handa para do'n.
Wala na rin kaming balita kay Ely, nang umalis si Axel ay siya namang pag alis din ni Yunix ng bansa para doon tuparin ang pangarap niya.
"Ah oo, mabigat na nga itong tiyan ko..." Natawa ako habang hinahaplos ang tiyan ko.
Naka recover na si Slora mula sa nangyari at nakakapag trabaho na rin kahit papaano, si Rhyle naman ay hindi na critical ang lagay, balita ko ay nai-transfer na raw siya regular na kwarto na ikinaginhawa naman ng puso ko.
"May balak ka bang umalis ng bansa paglabas ni Kaede?" Tanong ni Lawless.
"Pinag-isipan ko na rin 'yan at balak kong manirahan lang din sa Palawan, wala naman kasi akong kamag anak sa ibang bansa at paniguradong mahihirapan akong mag adjust, may property ako sa palawan at paniguradong magagamit namin iyon ni Kaede." I replied.
Planado na kasi ang lahat, hindi pa nakakalabas si Kaede sa sinapupunan ko ay may insurance na siya. Life, health, and education insurance para kung sakali ay may magagamit siyang pera.
"Hihiwalay ka na ba talaga sa Organisasyon natin?" Tanong muli ni Lawless.
"Kailangan eh, tsaka... You guys better off without me, alam kong kaya niyong patakbuhin ang Wagon empire nang wala ako." I smiled.
"You'll always be a part of Wagons, Tifanie. Without you, the organization would be empty."
Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy na sa pag aayos ng gamit, bumili na kasi kami ng mga gamit ni baby at ngayong araw din namin malalaman ang gender ni baby.
Nang maayos na ang lahat ay inalalayan niya na ako papunta sa kaniyang kotse, mula sa Wagon Village ay hinatid ni Lawless ang Lamborghini Urus ko at ang bagong bago kong kotse na Ferrari Purosangue, both of those cars are SUV. Ang mga supercars, bigbikes, at iba pang kotse ko ay iniwan ko na sa Wagon Village, kailangan ko lang kasi ng four seaters and four doors na sasakyan dahil lagi ko nang kasama ang anak ko at mga gamit niya.
But for now, hindi muna ako hinahayaan ni Lawless na mag drive, delikado na kasi dahil six months na ang anak ko pero ngayon pa lang namin malalaman ang gender niya.
Nilagay ni Lawless ang mga gamit naming dalawa ni baby sa backseat habang inalalayan niya ako paupo sa passenger seat at sinuotan ng seatbelt, passenger princess talaga ako ni Lawless ever since nalaman niyang buntis ako.
BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
RomansIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...