KABS 5

60 0 0
                                    

Chapter 5

Di na ako bumalik for the last class. Magmumukha lang akong ewan dun. Kaya eto ako nagsesenti sa garden ng school.

*sigh

11 days nalang pala at mag-mamonthsary na kami.

At ayun. As usual. Eto nanaman ako. Umaasang kahit man lang un alam niya.

Ung mga past monthsaries kasi halos iumpog ko na sa utak niya na monthsary namin.

Naalala ko si ate.

Ate Anicah.

Kung nandito siguro si ate sa Pinas…sila ngayon. Kung nandito siguro si ate…masaya siya ngayon. Kung nandito siguro si ate…..hindi siya nagkakaganyan ngayon.

Si ate. Lagi nalang si ate.

Mahal siya ni Keen.

Mahal siya ni Travis.

Mahal siya nila mo—nila Mr. and Mrs. Del Rosario.

Mahal siya ng lahat.

Nanlabo ung paningin ko. Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako. Para siguro akong baliw sa mata ng mga nakakakita sakin ngayon noh? Umiiyak…naka-indian sit sa damuhan…hinahablot ung damo…

Kung ako ba siya…mamahalin ba ako ni Keen? *sniff* *hablot* Kung ako ba siya…mapapansin na ako nila ‘mom’ and ‘dad’? *sniff* *hablot* Kung ako ba siya…best friend ko parin sa Travis? *sniff* *hablot*  Kung ako ba siya…ako kaya ang nasa States ngayon? *sniff* *hablot* Kung ako ba siya…kakaibiganin na ako ng mga tao? *sniff* *hablot* Kung ako ba siya…

“Alam mo para kang tanga jan.”

Ung boses na un…

Lumingon ako.

Tiningnan ko nalang siya habang pinapagpagan niya ung uupuan niyang pwesto na medjo malayo sakin. Narealize kong bitbit niya ung bag niya at pati ung bag ko.

Walang nagsasalita samin.

Nakatingin lang siya sa malayo.

Ako, pinupunasan ung mga luha ko. Pati, eew. Ung sipon ko. Tapos pinagpagan ko narin ung kamay ko. May damo damo pa at mabuhangin. Kakahiya.

Tumingin ulit ako sa kanya.

Ganda talaga ng pilikmata niya. Pati ung mata niya. Tapos ang labi niya…hmpf. Naalala ko lang ung kanina. Naramdaman ko nanaman ung sakit at umaapaw nanaman ang luha sa mga mata ko. Binaling ko nalang ung tingin ko sa pisngi nya. Ang kinis. Mamulamula. Ung tipong maputi tapos pagnaarawan, namumula. Ang gwapo talaga niya.

“Like what you’re seeing?”

Yes.

>//<

>//<

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nakasmirk siya.

Uminit tuloy mukha ko.

Keenan…kung akin ka lang talaga….

“Alam mo, Alex…di ko talaga alam kung bakit ka nagtiyatiyaga sakin pero…salamat.” Nakatingin lang siya sakin. “Alam mo naman diba na sinusubukan ko? Alam mo yan diba?”

Subukan mo pa. Kasi kung sinusubukan mo na sa lagay na yan…palpak ka. Siya parin ang mahal mo at pinaparamdam mong siya lang ang mamahalin mo.

Di nalang ako umimik. Tinititigan ko lang ang mukha niya. Lagi ko tong ginagawa…ung parang minememorize ko ang bawat parte ng mukha niya…bawat corner…Kasi alam kong maghihiwalay din kami at ung memory lang ng mukha niya ang panghahawakan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon