Prologue

6.9K 29 2
                                    

Run.

Iyon ang patuloy na bumubulong sa utak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saang direksyon ako patungo.

Isa lang ang gusto ko.

Ang makatakas.

"Where the hell are you?!"

Sigaw nung taong humahabol sa akin. Takbo lang ako ng takbo palayo, tanging ang liwanag ng buwan lang ang nagbibigay liwanag sa lugar na ito. Hindi ko magawang lumingon, natatakot akong madapa at baka maabutan ako nang taong humahabol sa akin.

Nabuhayan ako ng loob nung makita kong may paparating na sasakyan.

Iniharang ko ang katawan ko at napapikit ako sa liwanag na ibinibigay ng sasakyan habang papalapit sa akin.

Pumreno ito nang napakalakas para hindi ako mabangga.

I knocked on his window.

"What the fuck?" Sigaw nito. "Do you wanna die?!" Tanong nito at nagulat ako nung makita kung sino ito pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. Kailangan ko ng tulong niya.

"Please.. help me!" Umiiyak na sabi ko.

"What are you doing here?" Masungit na tanong niya sa akin.

"You fucking bitch, kapag nahanap kita papatayin kita!" Malakas na sigaw nung taong humahabol sa akin.

"Please help me.."

Walang pag-aalinlangang binuksan niya ang pinto at sumakay ako agad tsaka niya pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

Finally, I'm saved.

"Thank you.." hinihingal na sabi ko at hindi niya ako nilingon, deretso lang siya sa pagpapaharurot ng sasakyan at tila nang-gagalaiti sa galit.

"Thanks for saving me, Luke.."

Awakened Pleasures (R-18)Where stories live. Discover now