Akala ko, Hindi pala (One Shot Story) by jhemaiyxxs

3 0 0
                                    


Akala ko, Hindi Pala




Pa.isa..dalawa...akong lumalakad sa kuridor ng bahay namin at dahang dahan nilalapat ang sapatos sa sahig upang huwag itong lumikha ng tunog.

"Iiwan kona lang ito dito bukas babalik uli ako, Dome. " sa baritonong boses nito.

Humahaba na ang leeg ko mula sa itaas ng hagdan at natatakpan lang ako ng mesa at may porselana doon habang tanaw ang ibaba ng salas.

"Sige ba, babalik ka uli bukas dito?" Nag high five silang dalawa  bago umalis ang kausap ni kuya Dome sa paningin ko.

Mas lalo lang akong tumingkayad pababa ang tingin upang sundan ng tingin ang papalabas na bulto sa pintuan namin hanggan sa lumabas din ang anino nito sa pinto kasabay ng lalaking umalis na sa bahay.

Napasimangot ako habang nakasandal sa pader dahil hindi ko man lang nakausap siya kahit sandali ayan tuloy nakaalis na ng bahay hindi man lang kami nagkatinginan ng mata sa isa't isa.

Natatakot kasi ako kapag tinititigan niya ako at hindi ko kayang ibuka ang bibig ko para lang kausapin siya at magsimula ng usapan.

"Teka lang, bakit ko naman iyon gagawin. e, kahit titigan niya ako para na akong matutunaw sa titig niya palang?" Umiling iling ako at sinapak ko na ang pisngi ko dahil nababaliw na naman ako kakaisip sa kanya.

"Hay... Sayang talaga" napapadyak ako sa sahig.

"Anong ginagawa mo dyan? Ano na naman yang ginagawa mo nagiingay ka na naman ba? " sabay batok sa akin ni kuya Dome.

"Aray, Bakit ba ang hilig mong mangbatok?" Napasimangot ako ng pinikot niya ang tainga ko.

"Bumalik kana sa loob ng kuwarto mo at magaral doon. Ta-tamad tamad ka na naman" kinurot niya ako sa tagiliran kaya napatakbo na ako sa loob ng kuwarto ko.

Kinabukasan ganoon parin ang ginagawa ko sinundan ko na naman siya sa eskuelahan.

Patungo sila sa gymnasium para sa tryouts ng mga basketball player.

Nakapasok sila doon pero may guard na sa labas ng gym dahil bawal ang ibang estudyante na hindi kasali sa sports fest.

Lumiko ako at nagtago sa trashcan at nagiisip kung ano ang pwedeng gawin doon hanggan sa hindi ko namalayan kinain na ang oras ko hindi na ako nakapasok sa last subjects ko sa hapon.

"Saan ka galing? Napatalon ako ng may nagsalita sa likod ko.

Dali-dali akong tumayo doon at kunot noo niya akong tinitingnan.

"What are you doing here?" He asked again.

Tulala akong tinitingnan siya dahil kinakausap niya ako. Totoo ba ito? Hindi ba ako na nanaginip?

"kung totoo nga ito? At kinakausap mo ako?" Sinapak ko na ang pisngi ko.

"Aray" napapikit ako dahil—

"Totoo nga? Kinakausap mo ako?"  Umiling siya at may tiningnan sa labas ng bakuna ng gym.

"Tsk. Go outside your brother is looking at you. Uuwi na kayo!" He said sabay ayus ng duffel bag sa kanyang balikat.

Tinalikuran niya ako agad bago pa ako makapagsalita.

Umuga ako roon dahil kahit nakatalikod siyang naglalakad nakakaagaw pansin parin siya sa mga estudyante.

"Palamore"

I read his surname breathlessly while it's printed on his varsity shirt back. It's coloured black and red.

"Kanina pa kita hinahanap" umangat ako doon dahil pinikot na naman ako ni kuya.

"Kuya, aray ang sakit" sumigaw ako sa sakit at hawak-hawak ang tainga kong pinikot niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akala ko, Hindi Pala (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon