⚜️Bella⚜️
Nandito pa din kaming dalawa ni Ken sa supermarket at salamat naman natapos na siyang punoin yung dalawang malaking cart.
Napagod na kami ni shadow kakaikot sa loob at pakikipagtalo sa kanya. Sigurado ako magagalit na naman si Alia sa kanya sa dami ng pinamili niya.
Paano ba naman kase imbes na maliliit na sachet yung nasa listahan ,nasa gallon yung binibili niya. Ganun ba talaga yun mga mayayaman mag grocery. Lahat by box walang paisa isa?
Pag dating namin sa counter ng cashier dun ko na realize na pang mayayaman nga talaga itong mall na to. Lahat ng nakapila kase sa mga counter ng cashier puro malalaking cart at punong puno din ng groceries. Yun iba nga tig apat or limang malalaking cart na.
Pwede na silang magtayo ng Sari Sari Store sa dami ng pinamili nila. Ang layo talaga ng agwat namin mahihirap sa kanilang mayayaman. Kahit sa pag grocery sobrang layo, samin kase ni lolo luxury na yun makakalahati ka ng maliit na basket sa tindahan.
" Bells, wait here. I'll get you a chair " paalam ni Kendrick sakin
" Ha, wag na. Okay lang ako Ken sanay naman ako tumayo or mag-antay. "
" No. I will not let you stand while waiting in line. Just wait here. "
" Okay lang talaga ako Ken. Wag kana mag-abala. "
" No." tapos umalis na siya.
Hindi talaga nagpapatalo ang isang yun. Ini-offeran naman kami ng cashier na mauna na daw kaming i punch pero tumangi si Ken. May nakapila na kase at ayaw niyang gamitin yun pagka may-ari niya ng mall para maabala yun ibang tao.
First come First Serve nga daw dapat kahit sino pa yun.
Nakakabilib nga si Ken, hindi ko inaakala na fair pala siyang tao. Akala kase namin dati ni Alia kagaya lang siya ng mga aroganteng mayayaman na ginagamit ang estado nila sa lipunan sa lahat ng pagkakataon.
Pero hindi ganun si Kendrick.
Mabuti talaga siyang tao kahit sobrang yaman ng pamilya niya hindi niya yun ginagamit sa pang-aabuso.
* Girl! I think dricky is here inside the mall. I saw his car sa VIP parking kanina *
Narinig kong may kausap yun nasa cashier 5. Napaligon ako sa kanya kase iba yun pananalita niya.
Para kase siyang may accent. At medyo maarte yung pagsasalita niya.
May kausap siya sa phone mukhang naka video call.
Maganda siya para nga siyang model sa magazine sa suot niya at ang taas ng sandals niya.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST
RomancePROLOUGE: Do you know what the most terrifying aspect of life is? Ito yun katotohan sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat. Pwedeng masaya ka ngayon pero bukas hindi na. Pwede din buhay ka ngayon pero bukas pinaglalamayan kana. What are you scare...