Para sa may asawa, kapatid, anak, kamag-anak at kaibigan na OFW. At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa gaya ng mga OFW. Nais rin nilang ibahagi sa inyo ang natanggap nilang email na ito.Magagamit nyo daw ito upang makatulong na mas lalong maintindihan ng bawa't isa ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW.Tiyak na may maiintindihan at may mapupulot kayong aral sa babaguhin kong email na ito…. (babaguhin ko sa porma ng kwento…dadagdagan ng ibang detalya na alam ko, lilinawan, papa-gandahin at gagawing kwela at kakatwa!)
Isa ako sa maraming Pilipinong lumilisan sa Pilipinas hindi dahil mahirap ang bansang ito at para magtrabaho.. Umaalis ako sa iisang dahilan,, dahilan para magsaliksik sa buhay ng mga pinoy sa ibang bansa.. Layunin ko na matunghayan ang buhay ng mga kababayan natin doon lalo na ang napakaraming OFW..
(sandali tayong sumilip sa natunghayan ko!!..)
Hindi mayaman ang OFW. Akala ng nakararami na 'pag OFW o nasa abroad ang isang pilipino ay mayaman na. Hindi totoo ang mga akala. Ang regular na isang OFW ay kumikita 20K to 30K per month depende sa lokasyon (yan ang sabi nila!). Marami ang nasa abroad 20-30 years na, pero wala pa ring ipon o naitatabi para sa kanilang kinabukasan.. Malaki ang pangangailangan kaya karamihan sa bawat Pilipino ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin at mga buhay na alagain kaya umaalis ang iba sa Pinas. Madalas.. 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa gastusin ng pamilya, tuition ng anak at iba pang bagay na kailangang suportahan ng tulong pinansyal.. Hindi madali maging isang OFW.. Kailangan nilang tipirin ang kanilang sarili hangga't kaya. Oo!! tama ang iba,, masarap ang pagkain sa abroad, pero madalas.. paksiw, adobo at itlog (hindi kasi ito mabilis mapanis) lang ang kanilang pagkain sa isang linggo minsan ito lang talaga ang kakainin nila sa buong isang buwan nang walang palitan para makatipid at makaipon. Mas okay na sila na lang ang magutom at kumalam ang sikmura kaysa gutumin ang pamilya..
Matibay ang mga OFW.. Kahit tumatanda sila!! Sa paglalakbay ko, marami na rin akong nakitang panot at kalbo na, may iba kahit may sakit na tuloy pa din para sa pamilya. Walang pagpipilian at wala ring aasahan ang kanilang mahal sa buhay kung hindi sila gagalaw, kailangan isapalaran ang buhay. Pero kahit anong pagpapakahirap at pagpapakapagod nila, sablay pa rin kung minsan. Masakit pa kung hindi rin matino ang sinusuportahang pamilya sa pilipinas; ang mga anak nabubuhay pa sa masamang bisyo,, lasengero/lasengera, sugarol, basagulero, nabuntis/nakabuntis. Ang asawa may gf/bf may kinakasamang iba luluong pa sa droga; ang mga kapatid nakuntento na lang na umasa at laman ng kalsada. Lahat ng mahahalagang bagay na naiwan; bahay, lupa mga kasangkapan at mga bagay napapakinabangan pa nanganganib ng maibenta. Yan ang madalas na nangyayari.. At kung sakaling uuwi na ang mga hirap na OFW, kailangan may baon/pasalubong o kahit konting pangbigay, kasi maraming kamag-anak ang sumusundo’t sumasalubong sa airport may mga naghihintay din probinsya. Kilala naman pag Pinoy di ba?? Umasa kang sisiraan ka kapag di mo nabigyan.. Well,, hindi naman lahat ay ganoon pero sigurado ako na karamihan sa mga OFW ay may mga kamag-anak na ganon..Pasensya lang ang kailangan..