CAPITULO 33

1.6K 39 3
                                    

CLAZZO

"Mommy!" Napatingin ako sa batang tumatakbo papunta sa akin.

Kakatapos lang ng shift ko sa trabaho at itong batang 'to agad ang bumungad sa akin.

"Kaede, pawis ka na naman... Naligo ka na ba? Baka maasim ka na ha." Pagbibiro ko sa anak ko.

Kung titignan ay hindi naman talaga mukhang maasim si Kaede, sa kakinisan, kaputian, at sa ganda ng balat niya ay parang hindi pa kailanman narumihan.

"I already did, mommy... I took a shower right after I got home from school!" Tumalon pa ito sa tuwa habang kinuha mula sa aking kamay ang dala ko.

"Paamoy nga kung maasim na ang baby ko..." Lumuhod ako para magpantay kaming dalawa at inangat ang isa niyang kamay para amuyin ang kaniyang kili kili.

"Asim!" I jokingly scrunched my nose, humalakhak naman ang batang lalaki dahil sa naging reaction ko.

"I'll just take another shower mommy, I enjoyed playing with my friends po eh." Magalang nitong sabi.

Kaede is now a ten year old kid, we are residing here in uncivilized barrio in palawan. May mga tao rin naman dito pero hindi katulad sa manila.

Yes, ten years na ang nakalipas nang umalis kami ni Kaede sa manila, halos isang dekada na rin nang malugi ang company ng parents ko na noo'y ako ang nagpapatakbo.

Wala na rin akong balita sa mga nangyayari sa manila, kila Rhyle, Ely, Slora, and Lawless. Mas pinili ko kasing ilayo sa lahat si Kaede at itago ang identity niya para na rin sa kaniyang kaligtasan.

Ang daddy naman ni Kaede ay wala ring alam tungkol sa kaniya, the last time we've met was Rhyle is in the hospital and was about to labor with their twins.

It was ironic, Rhyle, Ely, and I got pregnant with twins, kaso sa akin ay isa lang ang nabuhay unfortunately, but still, I'm grateful na nandito pa rin si Kaede kasama ko.

Muli ko na naman tuloy naalala ang huling pagkikita namin ni Axel bago ko napagdesisyunan na lumayo na nang permanente.

"Hi, how are you?" Axel approached me when we exited Rhyle's private room.

Ngayong araw kasi nanganak si Rhyle at iniwan ko lang si Kaede sa yaya niya, mapagkakatiwalaan naman iyon kaya confident ako na walang mangyayaring masama sa anak ko.

"Fine, I guess..." I shortly replied.

Umuwi siya from spain dahil may kinuha sa company nila Faughn, I heard he's now working in Spain, they're currently building their branch in Spain kaya siya nandoon.

Gano'n din naman ang iba pa, Yunix and Dmeter. Hindi namin kasama si Ely dahil until now ay wala pa rin kaming contact sa isa't isa, pero ang alam ko ay muli siyang tumanggap ng projects bilang modelo. Good for her.

Dalawang araw lang ako dito sa manila dahil babalik din ako sa palawan, andoon kasi si Kaede at nangungilila na ako sa kaniya.

"Do you want go grab some coffee?" Tanong ni Axel.

Three hours na lang ay flight ko na pa-Coron palawan, hindi ko pwedeng mamissed 'yon dahil gustong gusto ko nang makita ang anak ko.

"Uhm, I don't have any spare time ahead of me, Axel. Sorry for declining your offer." I respectfully said.

Lumabas na pati si Lawless at Dmeter sa kwarto ni Rhyle. Nakakatuwa lang isipin dahil after a long time, sila pala talaga ang magkakatuluyan, niligawan ni Dmeter si Lawless at naging sila rin kalaunan.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon