Doubts
Diretcho lang ang lakad ko. Hindi ko siya tiningnan o pinansin man lang. Parang ulap na nasa langit sa isang tipikal na araw at nag-lalakad ka sa kalsada...hindi mo titingnan, hindi mo titingalain.
Walang emosyon akong nag-lakad palapit sa pinto ngunit nang dalawang hakbang nalang ang lapit ko dito ay bigla niyang hinarang ang isa niyang binti. Sa tangkad niya ay umabot ito sa aking bewang.
Hindi ko pa rin siya tiningnan at umamba akong hahawakan ang binti niya para alisin ito sa pag-kakaharang pero hinuli niya pa ang palapulsuhan ko.
Marahas akong bumuntong hininga.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa iritableng tono tapos ay iritable siyang tiningnan.
Binaba niya ang kanyang binti ngunit hindi niya pinakawalan ang kamay ko. Hawak niya ako habang ang isa niyang kamay ay nasa bulsa.
Sinuri niya ang mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin. Napunta iyon sa matipuno niyang dibdib nakalitaw mula sa dalawang nakabukas na butones ng kanyang polo.
"I wanna see your face. Isn't it a little unfair that you only get to see mine?"
Nabalik ako sa wisyo nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Oo. At dahil sayo ay pumalya nanaman ako.
Inirapan ko siya.
"Tanungin mo muna ako kung gusto ko bang makita yang mukha mo." Masungit kong sinabi pero ngumiti lang siya.
Nakita ko ang mga ngipin niyang perkto dahil nilapat niya doon ang dulo ng kanyang dila.
"Tell me the truth. Ayaw mo ba akong makita hmm?" Aniya at gwapong kinagat ang labi habang inaangat ang kilay.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakasagot agad. Tuloy ay mas malo siyang ngumisi. Sa inis ko ay marahas kong inagaw ang kamay ko.
"Wala ka bang ibang gagawin kundi ang guluhin ang buhay ko?" Sarkastiko kong sinabi at humalukipkip.
Lumipas ang ilang segundo bago siya tumingin sa malayo. Unti-unting nawala ang ngisi sa kanyang labi. Hindi mapigilang kumabog ng dibdib ko dahil ramdam nito ang biglang pag-babago ng kanyang asta.
Nag-igting ang panga niya bago ako muling tiningnan.
"Anong buhay, Umi?" Seryoso niyang tanong pero wala akong maisasagot. Bukod sa kung anong alam niya tungkol sakin ay wala na akong maidadagdag pa.
At isa pa, bakit ko ba siya kailangang sagutin?
Hindi ko na pinansin ang tanong niya. Muli akong humakbang ngunit hinarang niya ang sarili niya. Kinailangan ko pang tumingala para labanan ang mga titig niya.
"Blowing off people's fire from afar? Is that what you call life, huh?" Sambit niya na parang dismayado. Pinaganda niya lang kahit pwede niyang sabihing, "kumitil ng tao".
Tiningnan niya ako na tila hinuhukay niya ang buong pag-katao ko. Na para bang nakita niya ito kaya nag-karoon siya ng karapatang husgahan ako.
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kinaya ang bigat ng titig niya.
"Hindi mo ako maiintindihan." Sambit ko dahil iyon ang totoo. Para sa mga taong hindi mulat sa gawain ko, mahirap para sa kanila na maintindihan kung bakit ganitong buhay ang tinahak ko.
"Then help me understand." Napapaos niyang sinabi.
Nang ibalik ko ang paningin ko sa kanya ay pumungay na ang kanyang mga mata. Ayan nanaman siya, nag-babago nanaman ang asta. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guwang sa tiyan. Hindi ako sanay na ganoon ang Cloud na nasa harap ko. Sanay ako sa mga ngisi niya, sa kayabangan niya.
BINABASA MO ANG
Played to Love You
AcciónShe's a silent assassin, she plays with other people's lives. He's a hot gambling crackerjack, he plays with money. But when life starts to play, it will never be easy. She's paid to kill him but he's not yet done playing. All of a sudden, both o...