Galing sa paaralan ay galak na umuwi si Hilary na may dalang test paper, upang ipakita sa kanyang magulang ang mataas na marka. Mula sa kanilang gate ay nakita niya ang Tito at Tita nito.
"Oh, bakit ang laki ng ngiti mo?" tuwang tanong ng Tito.
Nakangiting tinaas ni Hilary ang kanyang test paper.
"Mataas po kasi nakuha kong marka. Kaya gusto ko po ipakita kay Inay."
Alanganin na pangiti ang Tita. "Mabuti naman kung ganon. Oh siya, mauna na kami ng Tito mo, nandoon na rin ang pagkain mo," aniya na pilit ang ngiti. Bago umalis ay hinaplos ng Tito nito ang kanyang buhok.
Pagkapasok sa kanilang bahay ay nakita nito ang kanyang ina.
"Inay!" tawag nito.
"Oh, bakit?" tanong ng ina na nag-aayos ng plato.
Galak na lumapit ang bata.
"Inay nakakuha po ako ng mataas na grado," sambit ni Hilary, upang matuwa ang kanyang ina.
"Hala na pakagaling naman ng anak ko, sakto nandito ang Itay mo at may dinalang pagkain sa'tin," aniya upang mawala ang kanyang ngiti.
"Inay, matagal na pong wala si Itay," malungkot niyang inilahad, upang ikinahinto ng ina nito.
Ilang minuto ay napaiyak si Hilary ng makita ang ina nitong luhaan.
"Hilary," mula sa likod ay nakita nito ang kanyang Tito at Tita.
"Isang taon ng wala ang Itay at Inay mo."
[M_K]