Chapter 2

1.8K 24 4
                                    

E dedicate ko ito kay ate denka kasi nung una nagproblema ako dahil may pagkapervert din kasi ang utak ko. Natatakot talaga ako dahil kung tingnan mo ang mga friends ko ay inosenteng-inosente talaga ang kanilang mga utak samantalang ako.. Hayyy! Tapos heto at nahanap ko siya, then dun ko na accept sa sarili ko na ganito talaga ang nature ko. So yeaaah! \m/

*

________________________________________♥

O_O

Pangbabae talaga yung boses nya! Hindi ako nagkakamali. Nakatunganga lang ako sa kanya ng siguro ay nahimasmasan siya.

"Pumiyok lang ako" sabi niya at pumormal.

"Hindi naman ako nagtanong ah." sabi ko naman. Di ako dapat pala nagpadala sa karisma ng isang 'to. Bakla pa naman tsaka meron naman akong Delbert. Naku ang flirt ko talaga, meron na nga akong Delbert e ito naglalandi pa ako sa ibang lalaki--este bakla. 

Kailangan ko ng simulan ang misyon ko para matapos na agad at magkakasama na kami ng Delbert my loves ko! Aweeee

Namula naman si bakla. Tse, may pamumula pang nalalaman. 

Magsasalita na naman sana ito pero inunahan na niya.

"Sabihin mo nga, bakla ka ba?"

*TOGSH*

Itinulak niya ako pahiga sa kama at nauntog naman daw yung ulo ko mabuti nalang malambot. 

"Ang lakas ng boses mo! Babae ka pa naman. Oo, bakla ako. Di na ako makakadeny sa'yo sunce nasabi ko na akin yung eye shadow."

Tumayo na ito may kinuha sa drawer na kung ano man iyon ay di niya alam.

"Pwede mo namang sabihin na sa girlfriend mo yan ah na naiwan lang"

Humarap na ito sa kanya. "Useless. Magtatanong kalang naman kay Dad kung may girlfriend talaga ako. Anyway, wag mong ipagsabi itong sekreto ko sa iba ha?"

Wow! Demanding! Di man lang marunong makiusap tong bakla.

"Alam ba ito ng Daddy mo? Ang sekreto mo?"

"Hindi"

"Aw okay. Sasabihin ko sa kanya." Lalabas na sana siya sa kuwarto pero pinigilan siya nito.

"Oh please please please. Wag mong sabihin ito kahit kanino. Nagmamakaawa ako sa iyo. Hilingin mo ang lahat wag lang ang aking mga make-up at pera." Natawa naman siya sa mukha nito na parang isang bata na kelangang-kelangan ang tulong dahil nawawala ang kanyang little doll.

Pero nagtaka siya, naiintindihan niya na ayaw nitong makuhaan kahit isang kapiraso ng make up nito lalo na at nagtatago ito sa totoong gender nito. Pero kung pera, okay lang naman siguro dahil may ama naman ito na sumusuporta dito. At sa narinig niya kay Del ay sinusupurtahan naman ito ng ama sa kahit na anong gusto nito. Well, except sa pagiging bakla.

"Wag kang mag-alala, wala naman talaga akong plano na sabihin yan sa papa mo. Pero matanong ko lang, bakit di pwede pera? Well, di naman talaga ako hihingi ng kapalit pero curious lang ako." 

*sighs*

"Total alam mo naman ang darkest and biggest secret ko at dito ka na daw titira sabi ng Papa at sa tingin ko mapagkakatiwalaan naman kita, e sasabihin ko nalang sa'yo" sabi nito sabay hila sa akong kamay at umupo kami sa kama.

Hinawakan niya ang kamay ko habang sabi "I may work for company but the money doesn't go through with me. It's through Dad. Siya lang ang nagbibigay sa akin kapag may kailangan ako. Sa totoo nga lang hirap akong bumili ng mga make-up ko. Sa totoo nga lang, gusto ko nang sabihin kay Papa na bakla ako kaso alam ko naman na di niya ako matatanggap"

Habang sinasabi niya yun nakikita at nararamdaman ko ang lungkot niya. Alam ko din ang pakiramdam na di ka matanggap, actually sobra pa nga.

Tapos may namumuong luha na sa kanyang mga mata.

"Bakit di mo subukang sabihin?" tanong ko.

"Bakit ko naman susubukan e alam ko naman na di niya ako matatanggap. Dahil simula nung bata ako inilalayo niya ako sa pagiging bakla pero ito na ako e!" Tapos may kinuha ito sa bedside table na tissue at nagpunas ng luha.

Sobra naman makapunas ang isang 'to. Kabog pa ang donya sa kaartehang magpunas ng luha.

Pagkatapos nitong magpunas ay tumayo na ito. "Anyway, okay lang sa akin na matulog ka dito at least may makakausap na rin ako at masasabihan ng aking mga crushes." Sabi nito habang may hinahanap sa drawer nito.

"Ano ba yang hinahanap mo?" tanong ko kasi parang naiinis na siya e. 

"Tekaa.. tekaa.. Yish! Ito na! Sige magpapalit na ako!" Sabi niya sa akin na nakasmile pa habang papunta sa banyo. Anong magpapalit?

Tapos tiningnan ko yung kamay niya na may hawak na..........

NAPKIN?!

O_____________O

______________________________________________________

A N :

Sorry kung minsan lang ako magupdate sana mapagsensyahan ninyo ako. Anyway, SALAMAT! =D

Seducing a GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon