Warning: This chapter contains scenes that could trigger anxiety or evoke past traumatic experiences. Read at your own risk.
‧͙⁺˚*・༓☾ CHAPTER 25 ☽༓・*˚⁺‧͙
Year 2010:
At the age of sixteen, I feel like I am the biggest failure in my family.
At the age of sixteen, everyone sees me as someone who destroys everything I touch.
At the age of sixteen, I think I haven't done anything right and everything I do will end up destroying my life.
At the age of sixteen, even breathing feels like a big sin.
Sa edad din na labing-anim, dito ko napagtanto na kapag may problema ka, sarilihin mo lang. Walang makikinig sa'yo. Wala silang pakialam.
Kahit ang sarili mong mga magulang, imbes na pakinggan ka o ang tanungin kung ayos ka lang, mas paniniwalaan pa nila ang mga bulong-bulungan.
"Puro lang problema ang binigay mo sa akin, Akira Menaide!" sabi ni Master. Halos umusok ang butas ng ilong ng nanay ko kasi ako na naman ang pinag-uusapan dito sa compound. Pumapanting ang mga tainga niya, kumukulo ang dugo niya, at naririndi siya sa balitang kalat na sa mga kapitbahay.
"Problema ko rin ang sarili ko," sagot ko pabalik. Natawa ako nang pagak kahit gusto kong umiyak. "Problema ko kung bakit n'yo pa ako isinilang sa punyetang mundo na 'to! Sana fetus pa lang ako, ipinalaglag n'yo na ako—"
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Mabilis na gumapang ang hapdi sa aking mukha. Sigurado rin akong namula ang balat ko't nagmarka ang kamay niya. Pinigilan ko ang umiyak dahil magmumukha lang akong kawawa.
Napabaling ako sa kaliwa ko dahil sa sampal niya at nakita ko si Kudos na sumisilip mula sa kuwarto nila ni kuya. May sinisipsip siyang chocolate drink na bagong uwi ni Bossing kasama ang bagong sapatos. Naglalaro kasi sila ng mga pinsan ko ng basketball sa barangay court pero sira na ang lumang sapatos niya.
Labing-tatlong taong gulang pa lang siya, pero alam na niya ang mga gusto niya sa buhay. Gusto niya maging isang varsity player kapag nag-college at ang maging isang engineer. May ilang taon pa siya sa high school pero alam na niya ang kukunin niyang kurso.
Samantalang ako napilitan lang mag-enroll sa nursing dahil ayun ang pinapakuha sa akin ni Tita Minerva dahil siya ang nagpapaaral sa aming magkapatid. Nursing din ang kinukuha ngayon ng pinsan kong si Ezra. Graduate din ng nursing si Tita Mara.
Ilang buwan pa lang akong nag-aaral, ayoko na. Hindi ako masaya sa kursong 'to. Magsisisi lang ako kapag gumraduate ako tapos tatambay lang naman. Mas lalo lang sasama ang loob sa akin ng pamilya ko. Kaya ilang linggo na akong hindi pumapasok.
Tumawag ang isang teacher ko kay Master. Kaya nalaman niyang nagbubulakbol lang ako.
Hindi lang naman pag-aaral ng nursing ang pinoproblema ko ngayon.
Gusto ko muna huminto sa pag-aaral. Ayoko munang mag-aral dahil hindi ko nga maintindihan ang sarili ko. Siguro mababaw sa iba, pero ang hirap kasi na miski sarili mo kinakalaban ka. Masyado na nga akong pabigat sa mga magulang ko, tapos ang sarili hindi ko pa maintindihan.
Magsasayang lang sila ng pera sa akin tapos magbubulakbol lang ako.
Hindi ko alam ang gusto ko.
Ano ba ang pangarap ko?
Noong bata ako, pangarap ko ang maging artista. Ang mag-audition sa Starstruck o PBB. Kaso aanhin ko ang ganda ko kung wala naman akong talent sa pag-arte? Wala akong kakaibang talento na maaaring ipagmalaki. Hindi ako magaling sumayaw. Marunong ako kumanta, pero madalas wala sa tono. Hindi rin ako matalino.
BINABASA MO ANG
Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)
General Fiction[ Pereseo Series #3 ] Akira Menaide Pereseo got pregnant before her graduation. She made a promise to herself that she would raise Brandon alone without the aid of her family. But as Brandon grows up, he seeks what she can't provide. He's eager to b...