Exodus and I went to Spain dahil sa trabaho niya and at the same time, for vacation nalang din. Ilang buwan din simula noong pinakilala niya ako sa mga kaibigan niyang engineers at architect.
Hindi naman sila mahirap pakisamahan pero siyempre, napri-pressure ako kahit papaano lalo na't mukhang mga seryoso sa buhay at career ang inaatupag nila. Nasanay kasi ako kay Kae na utak pumpkin, e. Kaya noong sumunod sila dito sa Spain, kinabahan kaagad ako lalo na't naglaan talaga sila ng oras para makilala pa ako.
"Come on, babe... pose ka na."
Nahihiya man, tumayo na ako sa harap ng Casa Batlló. Dinadagsa ito ng maraming turista dito sa Spain kaya medyo... nahihiya pa akong itodo yung awra ko. Mabuti nalang magaling at gwapo ang photographer ko.
"Exodus! Ipahiram mo muna sa amin si Ellisa! You promised to us, right? Paano namin siya makikilala kung buntot ka nang buntot sa kanya?" Cheska said.
Natawa ako kasi napasimangot agad si Exodus dahil sa sinabi ng kaibigan niya.
"Urgh... Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?"
Cheska pulled me. "Girls talk nga!"
"Hindi ako makikinig!"
"Exodus!"
Natawa na ako at nilingon si Dos. "Sige na... sumama ka nalang muna kina Edward. Mukhang may balak pa naman kayong puntahan dito. Kina Cheska muna ako..."
He pouted. "Hmmm... Just... update me, okay?"
Tumango ako. Walang pinalampas si Cheska at dali-dali akong hinablot papalayo kay Exodus. Tawang-tawa pa siya bago tuluyang lumapit sina Gaile, Cha and Rosemary. Parehong engineer sina Cheska, Cha at Rosemary habang si Gaile at Helga naman ay architect.
Nakangisi si Helga pero suplada niya talaga sa akin. Sabi niya, 'di raw sa hindi niya ako gusto. Hindi lang talaga siya sanay na may ibang tao sa circle of friends niya kasi wala siyang tiwala sa ibang tao. Mabait naman siya pero hindi niya ako masyado kinakausap gaya ni Cheska.
May pinuntahan pa kaming isang sagradong building. Bilib talaga ako dito sa Spain. Parang likas talagang kilala ang bansa nila dahil sa power ng structure at lupit ng architectural design. Nakakamangha.
"First boyfriend mo ba si Exodus?" tanong ni Cha.
"Uh... hindi, e."
"Pang ilan mo siya?"
"Second," I said bago ngumisi.
I just walked slowly and raised my phone to take a picture. Humagikhik sina Rosemary sa likod ko habang may tinatanaw sila sa malayo.
"Bakit kayo naghiwalay ng first boyfriend mo?" si Cheska naman ngayon ang umakbay sa akin. Agad ko siyang nilingon. Heto ba iyong pag-uusapan namin? I could feel the excitement of their stares... na para bang hinihintay nila ang sagot ko.
"Uh... malabo kasi."
"Ohhh," Cheska chuckled.
Nagdesisyon kaming mag-breakfast kaya naghanap kami ng fine restaurant. Cheska wanted to try the famous Paella Valenciana. Gusto ko rin subukan 'yon pero ang sabi ni Cheska, iba nalang daw iyong orderin namin para marami kaming matikman.
Nag-order nalang ako ng Churros kasi mukhang masarap iyong gawa nila. Pagkatapos naming mag-order, agad na napag-usapan ang tungkol sa trabaho ni Helga.
"So, what's the reason, babe?" tanong ni Cheska.
Helga sighed and looked at me. "Talagang pag-uusapan natin 'to ngayon?"
My lips parted when I realized what she just said. The girls looked at me and then Cheska, pretended that she's not interested about Helga's answer anymore. Yumuko ako at tiningnan ang aking kuko.
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
RomanceEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...