Agartha's POV
Nagising ako ng maramdamang naninikip ang dibdib ko, habol hininga akong napabangon sa higaan at napahawak sa dibdib.
"Huh? B-Buhay pa ako?" Saad ko sa sarili.
Napalingon ako sa may pinto ng bigla 'yong bumukas, doon ang taong pumasok ay nabitawan ang bitbit nitong bag.
Pero mas lalo akong nagulat ng makilala ko kung sino ang taong 'yon. "Etha!" Gulat na sigaw ni tita, naramdaman ko naman ang panunubig ng mata ko at unti unti itong nanlalabo.
"T-Tita--"
Tumakbo ito papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit "Jusko naman, buti at nagising ka na"
Nalito naman ako sa sinabi niya. "P-Po?"
Hinarap niya ako na may luha sa mata. "Isang buwan ka ng tulog! Akala ko ay magagaya ka sa papa mo, mabuti naman"
"Po? Ano po bang pinagsasabi niyo tita?" Nalilitong tanong ko, ano bang tungkol kay papa? Bakit bigla na lang nasali si papa?
"A-Apo?" Napalingon ako sa likod ni tita ng marinig ang boses ni lola.
Doon, nakita ko si lola na umiiyak din. Ano bang nangyayari? Dapat patay na ako, diba? P-Panaginip lang ba lahat? Imposible, ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko.
"Apo, gising ka na nga!" Masayang saad ni lola at hinagkan ako, ngumiti naman si tita habang nakatingin samin ni lola.
"A-Ano po bang nangyayari? Wala akong maintindihan" nalilitong tanong ko.
Nagkatinginan naman sina lola at tita, sa paraan ng titig nila ay mukhang nagkakaintindihan sila. "Apo, naalala mo ba ang sinabi ng mama mo sayo tungkol sa papa mo?"
Ano namang tungkol doon? I still remember it, I asked mom kung nasaan si papa, dahil since I'm born I never saw my father.
Ang sabi ni mama ay iniwan kami ni papa, kaya naman ay lumaki akong may kaunting galit kay papa. Nong sinabi 'yon ni mama sakin, I saw her pain on her eyes.
Tumango ako sa tanong ni lola. "Bakit niyo po natanong, la?"
"Ang papa mo, hindi niya talaga kayo iniwan ng mama mo" saad naman ni tita na nagpakunot sa noo ko.
"Apo, namatay ang papa mo dahil sa isang sakit" saad naman ni lola, sakit? Anong klaseng sakit? "Tinawag 'yong Eternal Sleep ng mga doctor, ang papa mo ang kauna unahang nagpakunsulta ng ganung sakit kaya naman ay walang gamot na naibigay angmga doctor"
"A-Ano? May ganung sakit ba?"
"Kahit kami ay hindi makapaniwala, pero ang sabi ng papa mo ay namana niya siguro ito sa kaniyang lolo sa tuhod" dagdag pa ni tita.
"Isang buwan kang tulog, natakot kami na baka magaya ka sa papa mo" saad ni lola. "Halos pitong taon natulog ang papa mo hanggang sa inanunsiyo ng mga doktor na tumigil sa pagtibok ang puso ng papa mo"
Now I remember, when I was 9 years old, madalas na umalis si mama para pumunta sa hospital. Akala ko ay nagtatrabaho lang si mama doon kaya hindi na ako sumasama dahil baka makaabala lang ako sa kaniya.
Kung ganun, pumupunta si mama doon para bisitahin si papa, bakit inilihim ni mama sakin ang tungkol kay papa? Bakit siya nagsinungaling?
Napatingin ako sa paligid ng makitang hindi pamilyar ang kwartong 'to, now I remember, ako lang mag isa sa apartment.
"Lola, paano niyo nga pala ako kinuha sa apartment? Nasaan tayo ngayon?"
"Nasa bahay kita, apo. Naalala mo ba na dadalawin natin ang puntod ng mama mo? Tinawagan ka namin pero ayaw mong sumagot kaya naman ay tinawagan namin ang linya ng apartment na tinutuluyan mo" huminto muna si lola bago nagpatuloy ulit. "Pero ang sabi ay dalawang araw ka ng hindi lumalabas ng kwarto kaya naisipan na nilang buksan ang kwarto mo dahil nag aalala na kami sayo"
BINABASA MO ANG
I Am The Duke's Hated Daughter
FantasiaShe is a girl who was reincarnated inside a novel written by her mother. Her soul ended up in the body of her favorite villainess who had a tragic life and died on her birthday. Can she escape her death? Since waking up in Agatha's body, her first g...