Chapter 15

78 1 0
                                    

KINABUKASAN maayos na ang pakiramdam ni Lime. Saka Late na rin siya nagising. Ang unang pumasok sa isip niya ay puntahan si Amora hindi ang kumain ng branch niya. Gusto niyang puntahan ang dalaga at ipaliwanag dito ang ginawa niya. Agad siyang lumabas ng penthouse niya. Pagkatapos ay sumakay sa sasakyan niya. Pinaharurot niya ito patungo sa apartment ng dalaga.

Nag-aalangan pa siyang mag-doorbell sa pinto ng apartment ng dalaga. Huminga siya ng malalim saka niya pinindot ito. Ilang sigundo siyang naghintay bago bumukas ito at niluwa ang mukha ng ginang na matagal na niyang kilala. Naguguluhan pa itong nakatingin sa kanya pero pinapasok pa rin siya nito sa loob.

"Anong ginagawa mo rito, Lime?"nagtataka nitong tanong sa kanya.

"Binibisita ko ho si Amora," sagot niya at ngumiti para itago ang kaba na nararamdaman.

"Ang galing mo na mag-tagalog."sabi nito na nakangiti. "Parang dati nagpapaturo ka pa sa akin ng mga tagalog words. Ay tika nga, kailan pa kayo naging close ng anak ko?"

"Matagal na ho."sabi niya habang napakamot sa batok niya.

"May hindi ba ako alam?"

"We're friends."

"Friend?" Tumalim ang mata nito sa kanya. "Alam ko na ang likaw ng bituka mo. Alam kong hindi lang friend. May anak na ang anak ko, hindi na siya tulad ng mga babaeng gusto mo. Huwag ang anak ko, Lime"

"I'm staying nana,"aniya sa mahinahong boses.

Tinitigan siya nito na parang hindi ang nana na nakilala niya. "Subukan mong gawing collection ang anak ko at tatanggalan kita ng pagkalalaki."

Natakot naman si Lime at napahawak sa ibaba niya kung saan ang pagkalalaki. Sa takot niya sa ginang ay agad siya naglakad patungo sa isang kuwarto na tinuro sa kanya.

Nang buksan niya ang pinto ay nakita niya ang mag-ina na nakahiga sa kama. May binda sa nuo ang anak nito habang yakap ni Amora. Pakiramdam niya parang may sumakal sa puso niya ng makita ang mukha ng dalaga na parang pagod na pagod.

Gusto niyang lapitan si Amora at haplusin ang nangungunot nitong mukha.

Sumandal siya sa gilid ng nakabukas na pinto at natigilan ng makitang nakatingin na pala sa kanya si Amora. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito habang dahan-dahan na umupo sa kama.

Tumayo ito at nilagyan ng unan ang gilid ng anak nito bago lumapit sa kanya.
"What are you doing here?"nagtataka nitong tanong sa kanya.

"I'm visiting you."sagot niya.

"Not today." Mahina nitong sabi.

"By BTS. I know that babe."pilosopo niyang sabi. " Not today, dahil tomorrow na natin gagawin."

Inirapan siya nito. "Shut up. Hindi mo na naman napigilan ang bunganga mo at kung ano nalang lumalabas. Nandito si mama papaalala ko lang."

"What happened to him?"tanong niya habang nakatingin sa anak ng nito.

"Naitulak ng anak ng customer at natama ang nuo sa gilid ng mesa." Sagot ni Amora habang nakatingin sa anak nito. Akala niya hindi ito sasagot sa kanya. Parang walang nangyari sa kanila kahapon dahil akala niya sasalubungin siya ng sigaw nito.

Napatingin siya sa mukha ng bata. Parang kahawig niya ito noong bata pa siya. Pero imposibling sa kanya ang bata dahil ang laki na ito ng may mangyari sa kanila ng dalaga.

Tumingin siya sa dalaga na nakatingin sa anak nito. Lumapit siya rito at yumakap mula sa likuran saka hinalikan ang leeg nito. "I'm sorry, ganda. Sorry, sa mga sinabi ko. I try lang naman ang ganoong iksina. Hindi po iyon totoo. Hindi kita ipagpapalit sa iba. Ikaw lang palagi."sabi niya habang masuyong hinahalik-halikan ang leeg nito. "Sorry rin at nasigawan kita. Hindi ko po sinasadya."

OBS 3: Our Sweet And Sour LoveWhere stories live. Discover now