Chapter Fourteen

71 2 0
                                    

NAGISING si Cruzette nang maramdamang may liwanag na tumatama sa mukha niya. Kinusot niya ang mga mata at nagunat ng mga braso.

Kapagkuwan ay dahan-dahan siyang bumangon mula sa kinahihiligang kama. Napangiwi siya ng maramdaman ang kaunting pagkirot sa kanyang sentido.

Damn! Alam na niyang hindi siya sanay sa paginum-inum dahil kundi kape at milo, chucky lang talaga ang trip niya, pero hayun ginawa niya pa rin.

Marahas siyang napabuga ng hangin pagkatapos ay sapo ang ulong humakbang pababa ng hagdan. Nasa second floor ang kwarto niya kaya dapat lang na humawak siya sa reling ng hagdan kung ayaw niyang mahulog at mabukulan dahil sa kalutangan niya.

Tatlong hakbang na lang at malapit na siya sa ibaba nang marinig niya ang hindi pamilyar na boses. Nasa baba iyon, sa hinuha niya kausap nito ang nakababata niyang kapatid na si Zaphierra.

Napangiwi siya.

𝘈𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘴𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘺𝘰𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘶𝘭𝘪𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘬𝘰? 𝘑𝘶𝘴𝘬𝘰 𝘱𝘰! 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘣𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘵𝘪𝘵𝘪𝘨𝘪𝘭?

"Uhm so kailan ba uuwi rito ang ate mo? Hindi ba dapat kagabi pa siya nakauwi. " rinig niyang sabi ng taong nasa ibaba.

Nanatili lang si Cruzette sa hagdan, habang palihim na pinakikinggan ang paguusap ng dalawa.

Nakahinga siya ng maluwag ng maalalang nagmana nga pala sa kanya ang nakakabantang kapatid. Just like her Zaphierra is quite good in lying too. Well she never tolerated her younger sister for lying pero ngayon lang iyon. At kasalan iyon ng baliw niyang boss na si Creed. At gagawin talaga nito ang lahat para lang makuha ang gusto nito sa kanya.

𝘈𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘸 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯! 𝘐 𝘩𝘢𝘵𝘦 𝘩𝘪𝘮!

"Ang ate ko? Ah. Iyon lang, pasensya kana pero hindi ko alam e. Saka matanong ko lang. A-ano bang kailangan mo sa ate ko? " kapagkuwan ay tanong ni Zaphierra sa pangahas na lalaking bigla na lang na napadpad sa apartment nila.

Napatango-tango ang lalaki.

"Ah iyon ba, w-wala naman. " tiimbagang na sabi nito.

Nagtaas ng kilay ang kapatid niyang si Zaphierra.

"Mhm. 'Yon naman pala eh. Wala ka naman palang kailangan sa ate ko. Sige alis kana, bago ko pa tawagan ang boyfriend ng ate ko. Mafia boss pa naman iyon. " nanunuyang sabi ni Zaphierra sa lalaking nasa ibaba.

Napailing-iling ang lalaki.

"M-may boyfriend ang ate mo? Ang lukong iyon ang sabi n'ya sakin wala. " the man mumbled.

Napalatak ng tawa si Zaphierra.

"And who's this loko-loko you're talking about? Kakilala ba siya ng ate ko." tanong ni Zaphierra pagkatapos ay pinatirik ang mga mata.

Sasagot na sana ang pangahas na lalaki ng magring ang cellphone nito. As usual sinagot iyon ni Rafael.

"Hoy, Creed! Loko ka. Ang sabi mo sakin walang boyfriend ang babaeng yon. Siraulo ka ba? Did you want me to be in trouble? Gusto mo bang ipatorture ako ni Vera? Bahala ka na nga sa buhay mo! Goodbye. " iritadong sabi ng lalaki sa lalaking kausap nito bago ito pinatayan ng tawag.

Marahas na napabuga ang hindi kilalang lalaki.

"I'm sorry Miss. I-I didn't mean to harass anyone here ang kaibigan ko kasing yon. He told me to talk to your sister. Si Creed, si Creed iyong kaibigan ko. " the man exclaimed.

Deceivable Temptation Series 1:  The Great SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon