one shot story( By your Side)

12 4 0
                                    

I was 6 years old noong iniwan ako ng aking ina at sumama sa lalaki niya kaya naman ang tita marie ko nalang ang nag alaga sakin at nagpaaral. Mabuti pa si tita nagawa pa akong alagaan di kagaya ng totoo kung nanay mas pinili ang kaligayahan niya kaysa alagaan ako yung papa ko naman matagal ng pumanaw dahil sa sakit na cancer sa baga, pano ba naman kasi araw araw naninigarilyo kaya ayon maagang kinuha.


Lumipas ang ilang taon ito ako ngayong 20 years old na....

Anika's P.O.V


Naalimpungatan ako sa ingay ng aking alarm clock kaya bumangon na ako at nag unat- unat at lumabas


"Hmmm another boring day na naman" bulong ko sa aking sarili


Nandito ako ngayon sa isang apartment nakatira dahil medyo malapit lang kasi dito ang kompanyang pinagtatrabahoan ko


"Anong oras na nga ba?" Tanong ko sa sarili at muntik na akong madulas sa pagmamadali ng makitang 8: 30 na


Lagot paktay ako nito masungit pa naman yung boss ko!!


Kaya wala akong sinayang na oras at dali-daling naligo

AT ATIENZA COMPANY..


"Haysss 8:50 lagot ako nito"

At hinintay na bumukas ang elevator, pero sana hindi ko nalag hinintay dahil pagbukas ay mukha agad ng boss ko ang sumalubong sakin

"Paktay" wala sa sariling saad ko ng makita kung nakatitig sakin si sir habang nakataas ang kaliwang kilay


"What time is it Ms PEREZ?" Walang emosyong tanong niya sakin at diniin pa talaga ang pagbigkas sa aking apelyido


Kaya wala sa sariling napalunok ako ng aking laway


"Ahh a-ano p-po 8:50 p-po sir" kanda utal utal kong saad


Sinong hindi mauutal sa paraang pagtitig niya para na yata akong kakatayin ng buhay


Hindi ito nagsalita at umusog nalang na para bang nagpapahiwatig na pumasok na ako sa elevator

Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na pumasok at tumabi sa kanya. Kahit na medyo natatakot ako ay nilakasan ko parin ang aking loob


Ting..


Pagbukas ng elevator ay dalidali agad akong lumabas at hinanap kaagad ang pwesto ko, si sir naman ay pumasok nadin sa office niya

Makalipas ang ilang oras ay lunch break na kaya kanya kanya na kaming lumabas para bumili ng pagkain


"Anika" tawag ng kung sino kaya lumingon ako at nakita ko ang aking mga ka team mates na si aya at jacob


By Your SideWhere stories live. Discover now