[CAHAYA'S POV]
Nakarating ako sa building ng opisina n'ya, nginitian ko lang ang guard dahil kilala naman n'ya ako. Mag tutuloy-tuloy na sana ako sa loob ng opisina n'ya, kaso ay hinarang ako ng isang babae. Kung 'di ako nagkakamali, bago n'ya atang secretary ‘to. Napataas ang isa kong kilay sa ginawa n'ya.
“I'm sorry, Ms. You can't just barge in. May I ask if you have an schedule with Atty. Natividad?”
“None. But tell him that it's me, Cahaya. And please hurry up. I still have a class to attend to. “ Walang ganang sagot ko sa kan'ya, napansin ko naman na nawala ang kunot ng noo n'ya at nginitian ako. Weird.
“Ah eh kapatid po ba kayo ni attorney? Wait po” what? Kapatid? balak ko pa sanang sumagot kaso mabilis n'yang tinungo ang lamesa n'ya at may tinawagan. Tinignan naman n'ya ako at sinenyasan na mag antay lang.
“Sir, hinihintay po kayo ng kapatid n'yo…..Cahaya po name…..” tss, kapatid my ass.
“Ma'am, pahintay nalang po, palabas na raw po siya” I just shrugged at her. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at madaling lumabas ang taong nagpapagulo lagi ng isip ko
“Hon, sorry to keep you waiting” sabi n'ya nang tawirin ang pagitan namin, pati na rin ang pagitan ng aming mga labi. I heard a gasp from someone and I smirked. Yes, bitch. This man is mine.
Ako na ang humiwalay saamin.
“It's fine, hindi naman gano'n katagal”
“Let's go, saan mo gustong kumain?” Aya n'ya bago hawakan ang baywang ko
“Yung malapit lang sa school para ‘di hassle later”
“Noted. Hannah, cancel mo na yung lunch meeting ko with the client. Iparesched mo nalang after lunch” baling n'ya sa secretary n'ya.
“O-o-opo a-attorney” nakayukong tugon nito, bumitaw ako sa pagkakahawak n'ya at nilapitan ang secretary n'ya,
“Ayos lang ‘yon. Mag lu-lunch lang kami ni kuya” bulong ko sa kan'ya at tumawa. Nilapitan ko na ulit si Caius at gumayak na kami papuntang elevator.
“What did you say to her?” Usosyo naman nitong isa,
“Nothing, Hon. It's a code between girls” I reached for his hands and intertwined it with mine. He smiled at my gestures, and kisses our hands
“oh-kay”
“Marami kang kailangang ipaliwanag sa'kin, Caius.” Ngiti lang ang sinagot n'ya saakin.
Lumabas na kami ng elevator at tinungo ang sasakyan n'ya sa parking lot. As soon as we entered his car, His lips lightly graze mine, I put my hands on his nape, prompting him to draw nearer, intensifying our kiss. Nang maramdaman ko na naglilibot ang kamay n'ya ay humiwalay na ‘ko. We both laughed after that
“Sorry, sorry. I just missed you so much" sabi n'ya at pinaandar na ang sasakyan
“Bata pa po ako kuya~” biro ko habang tumatawa, halata naman na hindi n'ya nagustuhan ang biro ko at kunot-noo habang nag ddrive.
“Itigil mo ‘yan Cahaya o gagawa tayo ng bata ora mismo rito” naiinis na sabi nito hahahahaha pikon.
Umupo na agad kami nang makarating sa restaurant, at agad na lumapit saamin ang waiter para kuhanin ang aming order. I need to go back to school immediately dahil may class pa ako sa Introduction to law and legal research
“How's your first day?” Basag n'ya sa katahimikan. Naks. Parang tatay lang ah?
“Good. Wala naman masyadong ginawa, more on introductions” kibit-balikat kong sagot
“That's great. How about boys?” tanong n'ya habang nakataas ang isang kilay
“Wala naman. As if naman may papansin saakin”
“Hmm hindi gan'yan ang report ni Crysanthos” oo nga pala. Itatanong ko sa kan'ya ‘yan.
“Nga pala, how come na naging prof ko si Crys? Utos mo ba ‘yon para bantayan ako, Caius?”
“I just offered him a job” kibit-balikat na sagot nito, ikinainis ko naman iyon
“A job?! He has a job in your firm!” giit ko
“Okay. Fine. I did tell him to take the job so I have an eyes inside of your school. Let's not fight about it, Hon” halata sa mga mata n'ya ang pagod at inabot ang kamay ko. Kaya lang ay uminit ang ulo ko sa narinig ko.
“Naririnig mo ba ang sarili mo? Para bantayan ako? Caius naman! Alam mong ayoko na sinasakal ako!” Kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko at binawi ko ang mga kamay ko sa kan'ya
“Sinasakal? I just want to protect what's mine, Cahaya. And you are mine.” Mababang tono nito pero ramdam ang diin. Napalunok ako.
“I know my boundaries and I am not that type of girl, Caius. Parang ang baba naman ng tingin mo sa'kin” naalarma naman s'ya sa sinabi ko, sasagot pa sana pero dumating na ang order namin. Walang imik kaming kumakain at ramdam ko na tinatapunan n'ya ako ng tingin. Pero hindi ko s'ya nililingon at patuloy lang sa pag kain.
Nang matapos ay madali akong nag-ayos.
“Thank you for the food. I'll go ahead. May klase pa ako” tumayo na agad ako para bumalik sa building nila at kuhain ang sasakyan ko. Kaso naabutan n'ya naman ako.
“Hon, please, let's talk about it. Sumakay ka na, sumabay ka na sa'kin papuntang office” walang kibo akong pumasok sa sasakyan n'ya, sinunod ko na lang kaysa magtalo pa kami rito. Hindi nag tagal ay pinaandar n'ya na ang sasakyan
“Ginusto rin ni Crys ‘yon dahil sa kaibigan mo. Okay? Hindi dahil pinilit ko siya. I just gave him an idea and he immediately agreed with it, that's it. Kung aayawan n'ya naman ay hindi ko s'ya pipilitin" paliwanag n'ya
“Kahit na! You can't change the fact that the idea was frim you, Caius.”
“Forgive me. Hanggang doon lang ‘yon, I swear. Please, let's not fight over it” aniya at inabot ang isang kamay ko.
“Ayoko ng mauulit ‘to, Atty. Caius Dane Natividad”
“Opo, Mrs. Cahaya Vivienne Natividad” shit ang rupok ko tinawag ka lang na Natividad ay todo ngiti ka na gaga ka Cahaya!
Mabilis kaming nakarating sa parking lot sa building nila, bago ako tuluyang bumaba ay humabol pa ng halik ang loko.
“See you at home, later, wife”

BINABASA MO ANG
A Legal Love
Non-Fiction"A Legal Love" explores the delicate balance between matters of the heart and the pursuit of justice.