Bakit Kasi Best Friend Ko Pa?!

519 15 9
                                    

Siya,ayun,ito,pero bat ikaw?

Ikaw lang ang aking natatanaw

Mula pa sa malayo

Ikaw na ang tinibok ng aking puso

Pero BEST FRIEND kita

Sa mata mo at sa mata ng iba

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pero alam mo bang nasususgatan ang puso ko?

Gusto sana kitang batukan at sabihing:

"Ikaw itong nahihirapan pero bakit ako yung nasasaktan?!"

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

"Bakit ba ako na lang palagi ang mali?,ako na lang palagi ang may kasalanan?,ako na lang palagi ang nagpaparaya?,at ako na lang parati ang nasasaktan?Bakit ganun hah?!Bakit parati na lang ako ako ako?!Hindi ba pwedeng siya naman?Sagutin mo nga ako Dyer!"Hep,hep,hep.Di ko yan girlfriend.Siya lang naman ang BEST FRIEND ko na si Raish.

Hay.Heto na naman siya,umiiyak sa harapan ng best friend niya.Palagi naman siyang ganito kapag lumalapit siya sa akin eh!Minsan umiiyak,minsan naman tulala lang.Kung pwede ko lang sanang ilatag ang kamao ko sa mukha ng kumag na boyprend nitong best friend ko eh ginawa ko na matagal na!Pero hindi pwede.Syempre bilang best friend ay nasasaktan rin ako sa tuwing nakikita ko si Raish na umiiyak.Kaya nga heto ako,sumasalo sa kanya sa tuwing kailngan niya ako,sa tuwing nararamdaman niya na ako lang ang kakampi niya.

Tumabi ako sa kanya.

"Bakit ikaw na lang palagi?Kasi ayaw ng boyfriend mong maghandle ng problema,ayaw niyang maging tanga sa harap ng mga kaibigan niya,at mas lalaong ayaw niyang makita siyang nagkakandarapa maayos lang ang mga problema niyo.Para mas maintindihan mo,duwag siyang harapin lahat."sagot ko sa tanong ni Raish.Ipinatong naman niya yung ulo niya sa balikat ko at hinawakan rin niya yung braso ko."Alam mo Raish,may choice ka naman eh.Pwedeng ayusin mo na naman ulit yan o hiwalayan mo na siya.Ikaw na lang palagi ang nasasaktan,nagpaparaya,at ikaw na lang parati ang umeeffort na ayusin ang mga problema niyo.Narealize mo ba na dapat siya ang gumagawa at nagdaramdam ng lahat ng iyan?"

Tumingin ako sa kanya para alamin ang sagot niya pero wala.Sabi na nga ba eh.Salita lang ako ng salita rito tapos sa huli wala rin.Ganyan niya ba talaga kamahal yung ungag na yun?Andito naman yung best friend niya ah.Handang sumalo,handang mag-advice,at handang punasan yung mga luha na tumutulo mula sa mga mata niya.Bakit kasi pinili-pili niya pa yung lalaking yun na walang ibang ginawa kundi saktan siya?Bakit yun pa?Bakit hindi yung ibang lalaki diyan?Ano ba ang meron sa lalaking yun na wala sa iba?

Gusto kong itanong lahat ng mga iyan sa kanya pero baka umiyak pa siya lalo.

Tinignan ko ulit siya.Hay.Tulog na naman siya.Ganun ba talaga ako kaboring mag-advice?

"Alam mo Raish,may mahal akong tao na alam kong hindi niya masusuklian ayung pagmamahal sa kanya kasi may mahal siyang iba,may pinili siyang iba.Sana nga balang araw ay makilala mo rin kung sino siya."sabi ko sa kanya.

Ganyan ako mag-open sa best friend ko.Kwento kwento rin kahit tulog siya.Nararamdaman ko kasi na kahit tulog siya ay nakikinig naman yung puso niya.Siguro nga nasasaktan ako sa mga nangyayari sa buhay niya pero mas nasasaktan ako sa tuwing tinitiis niya lahat ng sakit,sa tuwing nahihirapan siya,samantalang yung boyfriend niya ay nagpapakasaya kasama ng mga kaibigan niya.

Bakit Kasi Best Friend Ko Pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon