He's My HEART BREAKER (One shot)

99 1 4
                                    

"Kumain ka ba ng Asukal? Ang tamis kasi ng Ngiti mo eh!"

"Taxi ka ba? Habang Tumatagal napapamahal ako"

"Pedicab ka ba? Pedicabang maging Girlfriend?"

------------------------------------------------------------------------------------

sa mga Banat/Pick-up Lines na yan nagsimula ang Buhay ni Gracia Paler. Simpleng Babae, Mabait at Maganda. Marahil ay isa siya sa mga Sikat sa kanilang School. Hindi dahil sa kanyang mga nagawa kundi sa mga Manliligaw nya. Manliligaw nya sa Ethan Ocampo. Gwapo at Matipunong Lalake. every Girl's Dream nga sa School nila. pero wala siyang Pakealam kung ganun man siya Kagusto ng mga babae. He loves Gracia. halos isang taon na nga siya nanliligaw sa Dalaga.

Siguro alam naman na natin yung salitang M.U? 

Magulong Ugnayan.

Magulong Kausap.

Masyadong Under.

Malanding Ugnayan.

Msarap Upakan.

No... It means MUTUAL UNDERSTANDING :DDD (Ginugulo ko lang kayo!)

Walang Commitment . yan ang nilalarawan ng mga magkaM.U. Tama M.U lang sila Gracia & Ethan. You want to Know why ?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Di ko pinangarap ang magkaroon ng Maraming, Gwapo at Mayamang Manliligaw. Ang gusto ko lang eh yung lalaking Magmamahal sa akin ng tunay at panghabang Buhay!

NBSB nga ako eh! siguro naman sa Mundong toh mabibilang na lang kaming mga NBSB. hindi ibig sabihin na NBSB ka ay panget ka at walang manliligaw. It simply means na you're not yet Ready to Commit into a Relationship at Pwede na rin sabihing 'Im just waiting for the right guy'.

Hindi naman sa may pag ka-choosy ako, besides im so lucky to have Ethan as my suitor. pero sa isang taon na pangliligaw nya sa akin ay never ako nagpakita ng sign na sasagutin ko siya. OO na-fall na ko kay Ethan.  sino nga ba ang hindi mahuhulog dito, napaka-sweet, Gwapo at mayaman. at pag siya pa humirit ng pick-up lines, sus ang daming nababaliw sa kilig!! 

May paninindigan kasi si ako na hindi ako papasok sa Isang relasyon hanggang hindi pa ko Handa. ang Gusto ko lang ay You'll be my First & my Last. at nirerespeto naman ito ni Ethan. ang dapat lang niya gawin ay maghintay! 

"Patay na ba ko ? CAUSE I SEE AN ANGEL & HEAVEN RIGHT BEFORE MY EYES'  - Ethan

Nagbigay ng Killer smile at sweet voice ang binata habang nagsasabi ng banat sa dalaga.

"Ewan ko sayo. tigilan mo nga yan" Di maalis kay Gracia ang talis sa mga ngiti. siguro ay Kinikilig sya everytime na ganyan nalang ang salubong ni Ethan. 

"Mabilis ka siguro sa mga Puzzles noh ?Kasi kakasimula pa lang ng araw ko, binuo mo na" - Ethan

"gracia, kelan mo ba ako sasagutin? Di mo ba nakikita na Sincere ako? ikaw ang buhay ko? ikaw lang ang babaeng mamahalin ko na kahit ipagtabuyan ako di pa rin lulubayan. ikaw ang Pangarap ko. I'm eVery girl's dream. pero promise sayo lang ako. akin ka lang. maghihintay ako! " Ethan Continued.

"Ang Drama mo, kung mahal mo talaga ako kayo mong maghintay. oo gusto kita. pero this is not the right time. i think im not yet Ready kaya, Please?" Sabi ng Dalaga. 

OO naisip ko na lagi nalang ganito ang mga sinasabi ni Ethan. pero kinikilig pa rin ako pag naririnig ko siya. 

Di namin matago ang ka-sweetan sa isa't-isa. Yung tipong parang kami. siguro ay maraming naiinis at naiingit sa akin. may mga naiingit at nagbibigay ng Advice na sagutin ko na ito kaso Im Just Smiling pag binabanggit ang mga yun at sasabihing "Mahal niya ako, kahit anong Mangyari, hihintayin nya ako". 

He's My HEART BREAKER (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon