Kabanata 9

2K 29 2
                                    

I brushed my hair in frustration while looking down at my paper. Wala 'to sa pinag-aralan kahapon ah?

Sunod sunod na naman ang binibigay samin ngayong nalalapit na ang first quarter ng second semester. Abala ang lahat, lalo akong pinagpapawisan na dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa blankong papel na hawak.

Kinalabit ko si Aileen na nasa aking gilid at sinubukang mangopya pero nakatanggap lang ako ng kurot sakanya. Wala akong nagawa kundi pwersahang paganahin ang utak para may maisagot.

"Parang wala akong matandaan na ganong topic natin?" simangot ko kila Aileen pagkalabas namin ng room.

Inirapan niya ako. "Hindi ka kase nakikinig. Palagi kang lutang kaya hindi mo alam."

Natahimik naman ako at napatango tango na parang sinasang-ayunan na tama ito sa sinabi.

Aminado naman akong lutang ako this past few days. Sinong hindi magiging lutang? ng dahil sa ginawa ng alipunga na 'yon ay hindi ako pinatulog ng konsensya ko.

Pakiramdam ko ay malaki ang kasalanan ko kay Dalton dahil sa nangyari. Kahit kung tutuusin ay si Zillex ang gumawa biktima lang ako!

My lips parted as Zillex lips moved to mine. It was slow and sensual kiss that made my knees tremble.

Malaki ang mata kong nakatingin sakanya habang nakapikit naman ito. Ang kamay niya ay nakapirmi sa aking bewang habang ang kaliwa ay nakahawak sa aking panga.

I could taste the wine on his lips. He held my chin to open my lips so he can stick his tongue inside of me.

Napakapit ako sa damit niya at mas lalong nanghina sa mapanuksong halik na ginagawa niya. Kung hindi ako nakakapit sakanya ay malamang bumagsak na ako ng humiwalay siya.

Habol namin parehas ang hininga habang nakatingin sa isa't isa. Parehas nakaawang ang aming labi at namumula dahil sa pinagsaluhan kanikanina lang.

"What–"

Hindi ko maproseso ang sasabihin dahil sa panghihina at gulat sa nangyari. His jaw tick as he tried to lowered his head again pero agad natigil iyon ng narinig namin ang pagkalabog sa kotseng kinasasandalan ko.

"Hoy! kung balak niyong gumawa ng milagro h'wag sa tapat ng kotse ko!" sigaw ng tao mula sa kotse.

Napatalon ako sa gulat at malakas na naitulak si Zillex na nasa harapan ko. Umakyat ang init sa aking pisngi hanggang sa aking leeg dahil sa kahihiyan.

May tao 'don! tapos doon pa talaga kami naghalikan ni Zillex!

Ngumisi si Zillex sakin kaya agad ko siyang tiningnan ng masama bago mabilis ang lakad na tinalikuran siya. Narinig ko pa ang halakhak niya hanggang sa tuluyan na akong makalayo.

Simula 'non ay hindi na ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko kapag malapit siya sa akin.

Umaakto siya ng normal na para bang walang nangyari. And it irritates me.

How can he act like that? na parang hindi kami naghalikan na parang normal lang na gawin niya 'yon.

It sounds crazy to think dahil gawain ko ang bagay na humalik ng taong kakakilala ko lang at umakto na parang walang nangyari. 

Ga'non pala ang pakiramdam? ngayon alam ko na kung bakit kinaiinisan ako ng mga lalaking pagkatapos kong akitin ay iniiwan ko sa ere. 

Ngayon ako ang nakaranas parang gusto ko nalang manabunot ng kahit sinong makita ko. It feels weird, wala akong pakialam kahit gawin sakin ang bagay na 'yon. Pero bakit iba ang epekto sakin ngayong si Zillex ang gumagawa 'non ngayon.

Their Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon