Chapter 1- First Week

84 5 10
                                    

"HONG KONG!!! SA WAKAS MAKAKAPUNTA NA AKO SA HONG KONG", sigaw ni Mama


Pagkatapos ng ilang beses kong pagsasali sa Saturday Trainings, sa wakas ay makakasali na ako sa International Math Contests. YESS!!!

"Pasalamat ka matalino ako", pabiro kong sinabi


"Proud na proud ako sa iyo anak" aniya


"Pinalaking mabuti ehh", sabay ngiti ko

Mahilig talaga kaming magbolahan ni Mama.

Napakasaya nung araw na yun. "I'm one of the best" ; yan ang iniisip ko nung nasa stage na ako kasama ng ibang passers. Naalala ko ulit si Frances; ang dahilan kung bakit ako sumasali kada taon.

Grade 6 ako nung pumasa na ako. Ang galing ko talaga! Nagtapos na ako ng elementary noong taong 2013 at naging Valedictorian pa. Mas lalong naging proud parents ko siyempre. Anak ba naman na matalino, talented, at gwapo, sino bang magulang ang hindi matutuwa? Plano ko rin na lumipat na ng School para maging isang scholar. Lumipat ako sa Lotuswell Academy of Science. Lahat ng estudyante doon ay mga scholar katulad ko. Lotuswell Academy of Science; bata pa lang ako ay plano kong mag-aral ng high school ditto. Buti naman at pumasa ako sa entrance exam.

First Day of School, late ako, galling!

6:45 am ang assembly at 7 am na ako nakapasok. Nagmadali akong pumasok. Naligaw pa nga ako kahit panglimang beses na akong pumasok dito. Marami rin pala ang na-late. Nakapila na ang mga estudyante at may mga teachers na sa stage. Tinulungan ako ng mga officers para mahanap ang section ko. Pagtapos ng Morning Assembly ay binigyan ang mga freshmen ng tour sa School Campus. Sa pila ay napansin ko na ang mga kaklase ko at mukhang ako lang ang wala pang kakilala.

Pagkatapos naming libutin ang buong campus ay pumunta na kami sa aming first class of the day. Masaya naman ang araw na iyon. Natapos naman ang araw na nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan.


"Par, ano nga ulit mga assignments para bukas?", tanong ni Sander


"Mga notebooks lang per subject and iba pang school materials lang", sinagot ko


Siya ang pinakamalapit na kaibigan ko sa klase, parehas kasi kaming mahilig maglaro ng basketball at mukhang pareho kaming desidido mag-aral dito sa Lotuswell.

"Diba may journal pa tayo sa Literature?", sabi ni Niko, isa ko pang malapit na kaibigan

Siya naman ang tumulong sa akin noong id picture taking naming. Pilay ang kanang wrist ko at siya ang umalalay sa akin kapag kailangan kong tumayo (ang hirap tumayo kapag naka-indian sit ka tas may pilay ka).

"Ahh oo nga pala", sigaw ni Sander


"Sige guys mauuna na akong umuwi", sabi naman ni Mike at umalis


"Bye na rin guys", sinabi ko at umalis na rin

Ako, Sander, Niko at Mike; yan ang barkada ko ngayong taon. Mababait at matatalino sila. Napaka-good influence nila kaya mukhang mabubuti silang mga kaibigan.

As expected, talagang mahirap mag-aral dito sa Lotuswell. Napakaraming tasks at assignments kaya puyat ako araw-araw. Pero kahit mahirap, masaya naman. Kahit hectic ang schedule, mukhang kinakaya pa rin naming ngumiti araw-araw.

Worth WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon