INTRO

0 0 0
                                    

HI MANONG, p'wede bang bilisan yung tricycle?! Maiintindihan ko pa sana kung matanda na yung driver pero parang nasa 30's or 40's palang naman. It's almost 6:55 and my class starts at 7:00 in the morning. Ang layo pa ng school ko! Ayaw ko pa namang malate sa first subject dahil si Levi palagi yung nag hahatid kay Ms. Silamin.

A little introduction lang, same grade level kami ni Levi which is grade 10. Adviser niya si Ms. Silamin at mukhang favorite siya nito dahil kahit saan mag punta si ma'am ay nakabuntot siya. 6'4 yung height niya and his natural light ash blonde 2b curly hair made him even more handsome. Matangos ang ilong, almond eyes yung shape tapos hazel brown yung color. Setting aside his appearance, gentleman siya sa mga stakeholders. Hindi masyado sa students dahil umiiwas siya. We're mutuals SS Facebook and he plays a lot of instruments! Meron siyang video na nag ddrums, electric guitar, guitar, piano, keyboard and flute. Academic achiever din siya at athletic.

Sinong hindi maiinlove sakaniya? Palagi siyang pinagtitinginan kapag dumadaan. Mukha ba namang future afam ang datingan.

And me? I am Heneah Nevailà. Hindi ko alam kung paano ipapakilala ang sarili ko pero makikilala niyo rin ako.

But anyways, Levi is my 10 months and still counting boyfriend. Napakagreenflag niya pero that doesn't mean na wala na siyang redflag. He's a gentleman pero halimaw magalit o mag tampo. Akala mo talaga ay maghihiwalay na.

“Neng andito na!” sigaw ng driver mula sa labas. Bumaba na ako at inabot ang bayad ko. Dang it, I'm late! 7:03 na pero siguro naman ay wala pa si Miss or on the way palang. Makakahabol pa ako.

Minadali ko ang pag lalakad at inayos ang damit ko. Inaantok pa ako at may kulang pa akong notes na hindi ko natapos kaninang madaling araw.

Habang paakyat sa hagdan ng building namin ay may nakita akong red heels na familiar sa susunod na hagdan. Binilisan ko ang pag lalakad at hindi na namalayan na madulas nga pala ang floor dito.

Nadapa ako at nabitawan ang dala kong envelope.

“Heneah Hija! Ayos ka lang ba?!” natatarantang tanong ni ma'am Silamin at binalikan ang floor kung saan ako naka luhod ngayon, pinikit ko nalamang ang mata ko dahil kita ko sa tabi ng heels niya ang sapatos ni Levi. "Akin na 'yang bag ko hijo, tulungan mo itong si Heneah." Iniluhod naman ni Levi ang isa niyang tuhod at inalalayan akong makatayo.

“Oka-”

“Ayos ka lang ba? May masakit ba? Ayan magaling yan mag hilot si Levi! Mag sabi ka lang ha, oh siya tara na at baka nagkagera na sa classroom niyo” hindi na natuloy ni Levi ang sasabihin niya dahil dire-diretso si Ma'am.

“Okay lang po ako.” Tumingin ako sa mata ni Levi, his face is serious but still it's obvious that he's worried. His eyes are filled with love as if he's staring at a goddess.

“Bakit ka ba kasi nag mamadali Heneah? Alam mo namang hindi ako nagsstart ng klase agad pag dating ko, palagi akong naghihintay para sa mga late 'di ba?” ani Ma'am Silamin.

Hindi ko na sinagot ang tanong niya at sumabay nalang sakanila. Ika-ika pa yung lakad ko dahil talagang masakit yung pagkadapa ko. Paano kaya kung may ibang nakakita pa?

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa kahihiyan, kahit na matagal na kami ni Levi ay hindi pa rin ako sanay na nakikita niya yung mga katangahan ko kapag may kasama siyang iba, buti sana kung kaming dalawa lang ang naroon baka nagtawanan pa kami.

Bago pa namin marating ang classroom ay inakbayan na ako ni Levi at kinurot ang pisngi ko. Ganon siya palagi kapag mag hihiwalay na kami, parang way of saying goodbye or ingat niya.

SamsaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon