Chapter 4

3.2K 36 2
                                    

"Hey, stop crying." Natatawang sabi niya nung muli siyang makalabas galing CR. Nag-bihis siya agad after ng nangyari at ako ay nandito pa rin sa sahig, nang-hihina at patuloy na umiiyak. "Hey.." tawag niya ulit sa akin. "It's just a dick, okay?" Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya.

"Will you please stop? They might think na may ginagawa akong masama sayo kapag may makarinig." Pag-rereklamo niya at akmang itatayo niya ako pero tinabig ko ang kamay niya at napa-atras naman siya at tinaas ang dalawang kamay niya. "Okay fine." Sabi nito.

"Kaya ko tumayo." Pagsusungit ko at tumayo habang nag-pupunas ng luha.

"You're over reacting."

"Hindi mo kasi ako gets. Gusto ko yung unang 'ganyan' na makikita ko ay sa magiging asawa ko at makakasama ko habang buhay. Pero wala na.. Wala na." Muli akong umiyak at napabuntong hininga naman siya.

"Eh di asawahin mo ko." Nakangising sabi niya.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya. Hindi nakakatuwa ang biro niya.

"M-mas mabuti pang maging matandang dalaga na lang ako kaysa mapangasawa ka no!" Sabi ko at natawa siya.

"Wow, parang lugi ka pa ah?"

"Lugi talaga!" Dinampot ko ang bag ko.

"I think sinadya mong hilahin ang tuwalya ko. Gusto mo pa ulit makita?"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ulit siya.

"Hmp!" Tanging sagot ko at tinapakan ang paa niya.

"Ouch! Are you crazy?"

Nilagpasan ko siya at lumabas ng kuwarto niya. Narinig ko pa ang mahinang pag-tawa niya.

Nakakainis!

Hanggang sa makauwi ako ay hindi maalis sa utak ko ang nakita ko.

Ganun pala ang itsura nun in real life?

'Kulay pink yung dulo.. Ang cute-'

"Waaaaaaaaaah!" Tili ko dito sa ibabaw ng kama ko at nagpagulong gulong. "Ano ba 'tong iniisip ko? Ang dumi dumi ko! Ang dumi dumi ko! Patawarin niyo po ako!" Parang baliw na sigaw ko dito at di ako mapakali.

"Eh di asawahin mo ko."

Muling bumalik sa isipan ko ang sinabi niya at nagpa-ulit ulit na iyon sa tainga ko.

"In your face! Never! Never! Hinding hindi ako mag-aasawa ng lalaking ganun ang ugali!" Sabi ko sa sarili ko.

Nag-vibrate ang phone ko at nakita kong may nag-text dito.

From: +639*********

It's just a dick okay? A very huge one. Right?

Kung nag-mumura lang ako ay napamura na ako dahil sa text na ito. I'm sure na si Luke ito. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Ang lakas niya mang-asar!

'Paano mo nakuha ang number ko?' reply ko.

Agad naman akong naka-receive ng reply mula sa kanya.

'Ask my dick. :)'

"Waaaaaaah! Nakakainis siya! Nakakainis!"

Hindi ko na siya nireplyan at pinakalma na lang ang sarili ko.

Walang gana akong pumasok kinabukasan. Ayoko siyang makita pero mukhang malabo yun.

Habang nag-lalakad ako papunta sa una kong klase ay nakita ko si Travis sa labas ng classroom.

Awakened Pleasures (R-18)Where stories live. Discover now