Chapter 2

0 0 0
                                    

"Oi bata, nandyan ba ang mommy mo?"

Nang marinig iyon, biglang isinara ng bata ang pintuan sa mismong tapat ng mukha ng lalaki.

Habang nakasmirk, napatingin ang bata sa kanyang katabi na may kapareho niyang ekspresyon at mukha.

"Boys! Sino yung nagdoorbell?" Isang pambabaeng boses ang narinig mula sa kusina.

"Salesman lang ma!" Sagot ng twins habang ngumingiti na para bang may ginawa na kabulastugan.

Nagdoorbell na naman.

"Napakapersitent naman ng salesman na yun." Sabi niya habang sumisilip sa twins na nasa doorway.

Muling nagring ang doorbell.

Habang nakasimangot, naglakad hiya patungo sa front door. "Alam mo, hindi namin gusto-"

"Sigurado ka?" Sabi ng boses sa likod ng isang malaking bouquet ng flowers.

"Michael, ikaw pala." Sabi niya ng nakangiti habang kinukuha yung bouquet.

"Wag kang masyadong masurprise Nathalie, lalabas tayo ngayong gabi, diba?" Sabi ng lalaki habang nakangiti.

"Syempre naman, naaalala ko. Halika, pasok." Sabi ni Nathalie, habang pinapasok ang lalaki bago binigyan ng makahulugang tingin ang kambal na ngayo'y nakasimangot na sa isa't isa. "Sasabihan ko lang si Mona ng ilang instructions, tapos pwede na tayong umalis."

"Walang problema, take your time."

"Where are you taking mom?"

Napatingin sa baba ang lalaki at ngumiti sa kambal.

"Hi there, kayo pala yung palaging kwinekwento ni Nathalie sa akin. Ako si Mi-"

"Hindi mo sinagot ang tanong." Sabi ng isa sa kambal.

Nakangiti pa rin, binigyan niya sila ng apologetic look. "Sorry dun. Manonood lang kami ng movie sa cinema."

"What movie?" Sabay na tanong ng kambal.

"Well, hindi yung type ng movie na dapat malaman ng mga 5 year olds tulad niyo." Sagot niya.

Dahil dun, nagtinginan ang dalawa.

"Naaalala mo nung last time na nanood ng movie si Mom kasama yung lalaking yun? Ano ba yung pangalan niya... Tim ba yun?" Tanong niya na para bang silang dalawa lang ng kambal niya.

"Oo, masyadong nadala si Mom na para bang nabaliw siya nung pag-uwi niya. Akala ko gagawin niya rin sa kanya yung ginawa niya kay Dad." Sagot ng isa na ganun rin din ang inasta.

"A-anong ginawa niya sa tatay niyo?" Tanong ni Michael na may halong takot.

Hinarap siya ng kambal at sumagot. "Pinatay niya."

Kahit nag-aalangan siya kung maniniwala ba siya o hindi, namutla pa rin siya.

"Nakikita mo yang litrato na yan?" Sabi ng isa sa kambal habang tinuturo yung frame na nakasabit sa dingding na nasa likod ni Michael. "Siya. Siya ang tatay namin."

"Nakakalungkot talaga ang araw na yun." Sabi naman ng isa.

Ang kambal na nasa kaliwa ay tumango naman bilang pagsang-ayon. "Hindi nga kami makapagluksa ng tahimik dahil sa pabalik-balik ang mga pulis dito. Palagi nilang tinatanong kung ano ba talaga ang totoong nangyari."

"Pero syempre hindi nila nalaman," sabi naman nung nasa kanan. "Dahil tinulungan namin si Mom."

"Oo, tinago pa nga namin yung ginamit niya sa pagpatay sa tatay namin..."

"....para makasigurado kami na hindi siya mahuhuli."

"Alam mo minsan, ginagamit pa rin niya yun kapag may mga maling lalaki na nakakapunta dito sa bahay."

"Nasa amin pa nga ngayon eh."

"...eto 'oh." Sabi ng isa sa mga kambal pagkatapos ay hinugot niya mula sa kanyang likod ang isang hand gun at ipinakita kay Michael na mukhang kahit ilang sandali nalang ay mahihimatay na.

Biglang nanlaki ang mga mata ng lalaki ng makita ang baril sa kamay ng bata na may dugo na tumutulo mula sa hawakan.

"Sa-sabihin niyo sa mama n-niyo na ta-tatawagan ko s-siya. Nakalimutan ko na may emergency... thing pala ako na pupuntahan," sabi niya habang umaakmang tumakbo palabas ng bahay.

Nagtitigan ang kambal habang ngumingiti sa isa't isa.

"Eh? Nasan na si Michael?"

"Umalis po siya." Sagot nila sa kanilang mama na kakabalik lamang habang pilit na tinago ang kasiyahan sa kanilang boses.

"Huh? May sinabi ba siya?" Tanong niya habang nagsususpetiya sa kanyang kambal.

"Opo, sabi niya tatawagan ka nalang niya po....."

"Dahil may emergency thing po siya na dapat puntahan."

Napabuntong hininga nalang si Nathalie, si Michael ang ikatlong lalaki na bigla nala siyang iniwan. Only, ito ang worst dahil ni hindi pa nga sila nagkaroon ng first date ay iniwan na siya nito.

Pero may feeling siya na ang dahilan kung bakit biglang nawawala ang mga lalaki na ni walang pasabi sa kanya ay dahil sa dalawa na napakamischievous na mga bata na kilala niya.

"Gusto niyo ng ice cream?" Nakakuha naman siya ng malalaking ngiti ng masabi niya yun.

"Yes, please!" Sigaw nila habang yumakap, tig isa sila ng binti.

Kahit alam niya na silang dalawa ang rason kung bakit siya iniiwasan ng mga lalaki, hindi niya ito ininda. Sa kanilang dalawa lang siya interesado. Ang kanyang dalawa makukulit na anak, si Kahlil at Kristian.

"Eh? Bakit natabingi yung frame?" Nasabi niya ang kanyang inisip. Imposible naman kung ang kanyang mga anak ang nakasagi nito, ang current height nila hindi pa nga nakakalagpas sa tuhod niya.

"Tinignan yan ng lalaki kanina..."

"...nakita namin na hinawakan niya kasi curious siya kung sino ba yung nasa litrato."

Pinigil ng dalawa na tumawa nung maalala nila yung mukha ni Michael nung natamaan niya yung dingding sa frame mismo dahil sa takot nung makita niya yung laruang baril.

Tinignan ni Nathalie yun lalaki sa litrato na nasa edad na 30 nung kinunan nito. "Namimiss ko na siya," sinabi niya habang inaayos ang frame.

"Namimiss na rin namin si Lolo!" Sabi ni Kahlil at Kristian.

Tinignan pa niya ulit ang litrato ni Ivan Cervantes at pagkatapos nun ay pinapunta na niya ang kambal sa kusina.

"Kahlil, bakit may ketchup stain sa likod ng pants mo?"

___________________

Author's Note:

Antok. Sorry. Hindi maganda ang kwento. Judge me. I know, I know. The kids are too intelligent for their age but I'll just leave them like that. Hindi ko gusto na mga pabebe dito sa story na ito. xD

May rason kung bakit sila ganun, okay? Basahin niyo yung mga susunod na chapter kung gusto niyong malaman.

Vote? Comment? Please don't do anything out of your will, please.

Posted: 7/4/15

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lies and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon