AshleyPOV
Hindi kaya nanaginip lang ako?
Dalawang araw na ang lumipas simula ng nagkita kami.Kina-umagahan nun ay bumalik ako sa Coffee shop ngunit isang linggo raw itong magsasara dahil sa parating na bagong taon.Pero nahawakan ko siya,niyakap at nakausap impossibleng nananaginip lang ako.
Pero,Paano kung imahenasyon ko lang ang lahat dahil subrang na-mi-miss ko na s'ya?
"Kumain kana ba ash?" Nabaling ang tingin ko kay mama ng lumabas ito sa kaniyang kwarto,magkatabi lang kasi ang kwarto nito sa kusina.
"H-hindi pa,aalis ako ngayon baka sa labas na ako kakain " sagot ko naman at nag-iwas ng tingin.Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa,at kung bakit hindi ko siya magawang titigan ng matagal.
"Lalabas ka ulit? Sinabi ko naman sayo ,baka guni-guni mo lang ang lahat at baka hindi totoong si kevin~"
" Hindi! " Putol ko sa sinasabi niya." Hindi ako baliw para gawin 'yon sa sarili ko, nakita ko siya nayakap at nakausap.Sapat na 'yon para maniwala akong bumalik na si Kevin "
Walang pagdadalawang isip akong lumabas at iniwan si mama sa loob habang tinatawag ako.Napalingon ako sa bawat sulok ng lugar at nakitang wala masyadong tao at napakatahimik ng paligid.
Naglakad ako papuntang bus stop upang bumalik ulit sa coffee shop,at nagbabakasakali kung nandoon ba si Kevin.
Nang nakasakay na ako ay nakatuon lamang ang aking tingin sa labas at naraanan namin ang isang malaking campus.Sa hindi inaasahang pangyayari ay aksidenteng nahagip ng aking mata si Kevin na may kausap na babae.Agad akong bumaba at nagtungo sa direksyon nila.
"Siga na ken,alis nako " wika ng babae bago umalis.
"Ken?" Tanong ko na tama lang upang marinig ni Kevin.
"A-ash i-kaw pala.Kanina kapa ba ?" Utal-utal niyang tanong bago lumapit sakin.
"Bago lang" sagot ko naman na napako ang tingin sa babaeng naglalakad papalayo. " Bakit ken tawag niya sayo?"
"Ahh siya ba,si Maddie 'yun .Ewan ko nga rin kung bakit ken tawag niya sa'kin " paliwanag naman niya na pinaniwalaan ko.Kahit kaylangan ay hindi nagsisinungaling si Kevin sakin kaya may tiwala ako sa Kahit ano mang sabihin." Halika sama ka sakin " sabay hila sa kamay ko palapit sa motor niya.Isinuot niya sa akin ang isang helmet .
"Bakit hindi ka nagpakita ng dalawang araw? " Tanong ko at tumingin naman siya sa akin .
"Namiss mo ba ako?" Saad niya at ngumuso sabay pisil sa mukha ko.
"Shempre,bakit naman hindi.ang akala ko hindi nanaman kiya makikita" wika ko naman,
"Nagpatulong kasi sakin si Maddie na maglipat ng condo, Sorry hindi ko nasabi "hinalikan niya ako sa noo at pinaandar niya ang motor at umalis kami sa lugar na iyon.
♕♕♕
Tumigil kami sa tabi ng dagat at naupo sa mga malaking bato.
"Hintayin nating maghapon, maganda ang sunset dito" wika pa niya.Ang ganda ng kaniyang singkit na mata kapag naka ngiti siya.
"Kaylan mopa nagustuhan ang sunset? Hindi ba masgusto mong mag-hiking tayo at mag-camping doon.Gustong gusto mo nga ang tunog ng mga insekto sa gabi." Saad ko at diretso lamang ang tingin sa mga alon sa dagat."Ang sabi mo no'ng huli nating camping ay pampatulog mo ang tunog ng insekto,natawa pa nga ako ng sinabi mo 'yon "
Naramdaman kong isinuot sa akin ni Kevin ang kaniyang jacket at hinawakan ang aking kamay.
"Bakit hindi mo makalimutan si Kevin? Limang taon na ang lumipas ngunit kung makapagsalita ka parang noong nakalipas na araw pa 'yan nangyari " nabaling naman ng tingin ko sa kaniya.
"Bakit naman kita kakalimutan? Ikaw lang ang laman ng memorya ko " saad ko at isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat." Tama ka nga limang taon na ang lumipas ,ni hindi ko man lang naisip kung may girlfriend kana o pamilya, maiintindihan ko naman kung meron na .Pero pwede bang akin ka muna sa oras na'to ?" Naramdaman kong tumawa siya at hinaplos ang aking buhok.
"Baliw ka ba ? Syempre ikaw lang ang mahal ni Kevin...ikaw lang ang mahal ko " Saad niya at patuloy na hinaplos ang aking buhok.
" Gusto mo bang mag-camping tayo ngayong paparating na bagong taon ?" Tanong niya at tumango-tango ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako,naramdaman ko nalang na tinatapik-tapik niya ang pisngi ko dahilan para magising ako.
"Ang cute mo naman matulog"saad niya at ngumiti.
Ang sarap sa pakiramdam na sa paggising ko palang ay siya na agad ang nakikita ko.
Ilang minuto ang lumipas at kita na namin ang magandang kulay ng dagat.Palubog na ang araw at mas nagiging malamig na ang paligid.
Sa kabila ng malamig na hangin ay dama ko naman ang init ng yakap sa akin ni Kevin.
Kapag kasama ko s'ya ay napakabilis ng takbo ng oras,halos hindi ko masulit ang isang araw na kasama siya.
♕♕♕
"Pumasok ka muna sa bahay,dito ka nalang maghaponan " pilit ko kay kevin ng ihatid niya ako pauwi.
"W-wag na okay lang ako" tangi niya ngunit hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"Bakit? May asawa kabang naghihintay sayo?" Tanong ko habang naka nguso.
"Sinabi ko naman sayo..,okay okay sige pagbibigyan na kita "pagsang-ayon niya, " park muna ako "
Pumasok naman ako sa loob at hinintay na sumunod sa akin si Kevin.
"Sino 'yong naghatid sayo?" Tanong ni lola na naka upo sa sofa malapit sa bintana.
"Si Kevin ho ,niyaya ko siyang dito na maghaponan at pumayag naman siya" sagot ko at tumuloy sa kusina at nadatnang nagluluto si mama.
" Tama ba ang narinig kong Dito siya maghahaponan ?" Tanong ni Lola na sumunod sa akin,tumango naman ako ." Dyos ko po ! " Gulat na sagot ni lola ,ang reaksyon niya kagabi ay maslumala pa sa reaksyon niya ngayon .
"Lola naman,hindi ka magiging artista sa pagiging OA mo "
"Ash" sita ni mama sa akin.
Iniwan ko sila at bumalik sa sala ,nakita kong pumasok si Kevin kaya nilapitan ko ito .
"Halika 'andon sila sa kusina,ayaw kasi maniwala ni lola na nandito ka " saad ko naman na nabalot ng saya ang emosyon.
Hinawakan ko ang kamay ni Kevin at dinala siya sa kusina.Nakita kong nakatalikod si lola habang umiinom ng tubig ganoon din si mama habang nagluluto .
"La,Ma si Kevin po "saad ko at humarap naman agad sila.
"SUSMARYOSEP!! " Gulat na reaksyon ni lola at nahulog pa ang basong hawak niya.Ngunit hindi naman ganoon ang reaksyon ni mama.
"I-ikaw pala ken ~este Kevin" bati ni mama.
"Magandang gabi iho " bati rin ni Lola at ngumiti ito .
Naupo na kaming lahat at sabay na Kumain halos naging tahimik ang pagsasalo na iyon kung hindi nagtanong Tanong si mama.
"Kumusta kana ?"
"Okay naman po "
Isang nakakailang na tingin lang ang naramdaman ko sa pagitan nina mama,lola at Kevin.Siguro ay gulat parin sila ng makita si Kevin.Pero masaya parin ako dahil napatunayan ko sa kanila na totoo si Kevin.