PROLOGUE

15 1 0
                                    

R-18 - Read at your own risk!


"Grabe na pagka bad influence niyo sakin guys, mantakin mo nainom na agad tayo 1 week after mag start ang class?" I said as I drink my vodka.

"Need natin to, Eli. Nakakastress din tong 1st week natin ha!" Al said as she drinks her vodka too.

"Sus. Alcoholic ka lang talaga, Al. Tanggapin mo nalang, buti pa tong kambal mong si Val nanahimik." Patawa-tawa naman sa tabi niya si Val.

Almira at Valerie, my bffs since elementary. Ngayon ay senior high na kami.

"Shut up Eliane ha. Enjoyin mo nalang yang alak mo, nililibre kana nga binabash mo pa ako?" Natawa naman ako sa sinabi niya, gento lang talaga kami maglambingan.

"Tara sa dance floor, sobrang boring dito!" As expected to Val, malamang maghahanap nanaman yang ng bagong target.

"Una na kayo, kuha muna ako alak sa bar." Tumango silang pareho bago dumiretso sa dance floor, palusot ko lang yon. Ayoko lang talaga makisiksik sa gitna.

Hindi ko na sila makita kaya tumayo na ako at dumiretso sa bar, lagot ako neto bukas kaya susulitin ko na ngayon. It's been months since nung huling labas ko kaya naman dapat enjoyin ko nalang muna to.

"Isang vodka pa po!" Pasigaw kong saad sa bartender since masyadong malakas ang music. Dali naman niya tong ginawa kaya naman uminom lang ako ng uminom.

"Alone? Can I join you?" Halos tumayo lahat ng balahibo ko ng marinig ko yung boses na yon.

Napalingon naman ako kung sino yung bumulong sakin, halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makitang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"W-What?" Para akong natameme, sobrang ganda naman ng babaeng nasa harap ko.

"I said, are you alone and can I join you?" Mas lalo lang ata akong nabingi ng bigla siyang ngumiti sakin, pakiramdam ko bumagal pag ikot ng mundo ko.

"U-Uhm may kasama ako pero nasa dance floor sila." Hindi ako makatingin ng diretso sakanya kaya nilagok ko nalang yung natitirang alak sa baso ko.

"Samahan kita hanggang dumating sila, kanina kapa pinagtitinginan ng mga lalaki sa kabilang table. Mahirap na." Napatingin naman ako sa table na sinasabi niya and halos masuka ako ng makitang kinindatan ako nung isang lalaki na nakaupo don.

"Sorry nalang sila, im gay asf. Not interested!" Napatingin ako sakanya kaya nakita kong napatigil siya at napangiti saglit, weird.

"So di ka din straight?" Din? So I guess same kami.

"Yep, lipstick les. Ikaw?" Umorder pako uli, mukhang may makakachismisan ako ngayon.

"Pan. I see, I'm Akino Sato by the way, Aki nalang." She offered her hand so I shake it.

"Eliane Gomez, Eli nalang. Pan? What's that? Parang bibihira akong makakilala ng ganyan ha." She smiled before she drink her alcohol.

"Hmm sabihin nalang natin na di kami natingin sa gender or sexuality. Basta mahal namin, yun na yon." Napatango naman ako, may bago nanaman akong natutunan ha.

"Nice. So kumbaga sa test, all of the above kayo?" Natawa naman siya sa sinabi ko habang ako seryosong seryoso dito.

"Ganon na nga, I like you. You're witty!" Nag blush naman ako, dang lasing na ata ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Of The GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon