Muli kong nasilayan
Ang iyong ngiti na nagsasabi sa aking "Kaya Mo Yan"
Muli kong naramdaman
Ang mahigpit na yakap na aking nais hagkan
Sandali ka lamang nakita
Subalit puso ko'y labis ang saya
Salamat sa simpleng paalala
Na kahit wala na sa aking naniniwala ika'y andiyan pa
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga Tula
PoetryNais kong maging malaya sa aking mga tula Iba't ibang klase ng damdamin ang nais kong iparating Nawa'y inyo sanang basahin Ang mga katagang nais kong sabihin