CRACKLINGS na panis! Tama ba ang narinig niyang sinabi ng lalaki bago niya ito iwan kahapon? Seriously he called her Wifey? Damn that man! Hindi niya dapat ginawa iyon.
"What? A-anong sabi mo? A deal with your boss, para lang sa malaking halaga ng pera? My god, Cruzette. You're being unreasonable. Nagiisip ka ba o hindi? " malakas na bulyaw ni Coleen sa kanya ng sagutin ang tawag nito.
Marahas siyang napabuga ng hangin.
"I know you're against this, Coleen. Pero ito na lang talaga ang choice na meron ako. Besides you know that I need money. " konsula niya sa kaibigan.
Napailing-iling ang kausap saka marahas na nasapo ang noo.
"Ewan ko sayo, Cruzette. Kapag bumangon mula sa hukay sina Tita Jacinta, kasalanan mo yon. Alam mo namang ayaw na ayaw nilang nadedehado ka. Are you even listening? "
Pinatirik niya ang mga mata.
"Alam ko naman yon, Coleen. Pero wala lang talaga akong maisip na ibang paraan. Tsaka kahit pa sabihin nating bayad na kami ng upa at ng tuition fee ni Zaphierra. Paano naman sa mga susunod na buwan. Nagegets mo naman ako diba? " muli ay konsula niya rito.
Marahas na napabuga ang kausap.
"Fine, bahala ka! Malaki kana at may sarili ka na ring isip. Pero huwag mo lang kalimutan na pinagsabihan kita. " matigas ang boses nito pagkatapos ay binabaan siya ng tawag.
Marahas siyang napabuntong-hininga.
Siguro nga labag sa loob niya ang naging desisyon kahapon. Pero iyon na lang kasi ang nakikita niyang paraan. Mahal niya ang nakababatang-kapatid labag sa loob niya ang magsinungaling rito ay wala na siyang paki alam, para sa ikakabuti nito ay handa siyang lunikin ang sariling pride.
Mabilis niyang pinahid ang luha sa pisnge na bigla na lang kumawala sa kanyang mga mata nang marinig ang boses ng nakakababatang kapatid na si Zaphierra.
"Good morning ate. Oh, okay ka lang ba mukha ka yatang problemado? " pabungad na tanong nito kapagkuwan.
Sinubukan niyang ngumiti at itago ang guilt na nararamdaman.
Tumango siya.
Kinuha niya ang perang pinagusapan nila ng amo ng hapon ding iyon. 500 Million is enough to finally start a brand new life, iyon lang at kapalit niyon ang pride at dignidad niya.
𝘕𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨𝘥𝘦𝘴𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰. Pinal na sabi niya sa isip.
Pumihit siya at hinarap ang nakababatang kapatid. Pilit pa rin ang ngiting nasa labi niya.
"Oh, Zaphierra. Magalmusal kana at paniguradong patunta na rito si Ivy para sunduin ka. " pagpapalusot niya para maitago ang isiping bumabagabag sa isip niya.
Ang buong akala niya'y tuluyan ng nakalimutan ng nakakababatang kapatid ang tanong nito pero nagkamali siya.
"S-sigurado ka bang ayos ka lang ate? Halata namang may kung anong bumabagabag sayo e. " kapagkuwan ay sabi nito.
Pababa ito ng hagdan ng mga oras na iyon.
Umiling siya.
"At nagtanong ka pa kung ayaw mo naman palang maniwala. Sinabi ko na sayo, wala akong problema. Isa pa, nakikinig ka ba sa'akin? Ang sabi ko magalmusal kana at papunta na rito si Ivy. " matigas ang boses na sabi niya.
Napatango-tango ito pagkatapos ay tinaasan siya ng kilay.
"Opo, ate. Ito na nga eh. Kakain na. Ikaw ate baka gusto mo na rin akong sabayang magalmusal. Siya nga pala, ate. Please huwag mo ng gagamitin ang motor na iyon. Sinabi ko naman na sayong sira na iyon diba. "Kapagkuwan ay sabi nito.
BINABASA MO ANG
Deceivable Temptation Series 1: The Great Seductress
RomanceSynopsis: Creed Draviane Becker a ruthless, cold-blooded and overwhelming businessman. After the death of his girlfriend, Maureen in an unwanted accident. He lost his trust to everyone. The perfect world he had became useless and miserable. Para s...