CHAPTER 17

3 1 0
                                    

 chapter 17: ano nga ba talaga tayo?

CLARA'S POINT OF VIEW

After ng isang araw ay okay na ako, hindi ko alam at parang praning ito si Clyde na kahit pagtulog ko ay babantayan ako, sinusundan rin ako sa saan saan nito, mawawala lang din ako sa paningin niya akala mo naman ay mababaliw kakahanap sa akin.

FLASHBACK
CLARA'S POINT OF VIEW
Maaga akong nagising kaya maaga rin akong lumabas, nakita ko si Clyde na mahimbing pa ang tulog dahil sa ilang oras na pagbabantay niya sa akin hangang sa pagtulog ko which is nakakabother huh?

Inabutan ko si ayah Glor na nagaayos pa din sa mga bagay bagay na agad ay binati ko ito at ganoon rin siya sa akin.

"Si Brielle po?" tanong ko sa matanda "Nasa kusina at gusto raw tumulong sa pagluluto ng ulam ninyo." tumango lang ako sa kaniya at agad naman ay nagulat kami ng biglang nagbukas ng napakalakas ang pinto na ng gagaling sa kwarto ni Clyde.

Agad itong napalabas na tila ay nababaliw at may hinahanap? anong ngyari sa kaniya? bakit naman ay pawis na pawis at takot na takot ito si Mr. Chinito? first time ko siya na makita na ganito ha! 

Agad itong napatingin sa direksyon namin ni ayah Glor, ginamit nito agad ang bilis niya para mabilisan na makapunta sa harapan ko at niyakap ako na ikinadahilan ng pagkagulat ko sa kaniya..

Napatingin rin ako kay ayah Glor na tila ay bigla rin sa ginawang aksyon nito ni Clyde.

"Clyde?" tanong ko sa kaniya na ngayon ay yakap yakap ako! first time to ah!

"magsabi ka kung aalis ka, huwag mo naman ako patayin sa kaba at takot." napanguso ako sa narinig ko, ano ba ang ngyari? nanaginip ba to?

"hindi ako nanaginip, ayoko na may mangyaring masama saiyo." yakap yakap niya pa din ako na hangang ngayon ay mas namilog pa ang mga mata ko sa narinig ko sa kaniya.

Dahan dahan kong inaalis ito sa pagkayakap at ihinarap ko siya sa akin.

"okay lang ako,Clyde--" pinutol niya agad ang pananalita ko "ayokong maulit ang ngyari kahapon, akala ko kinuha ka na nila kaya please magpaalam ka sakin kung saan ka pupunta.." nahihiyang banggit niya..

"nila? sino?" nagtatakang tanong ko sa kaniya kasi wala naman akong naalala na ngyari kahapon kundi trangkaso ko lang?

CLYDE'S POINT OF VIEW
Napatingin ako sa kaniya at wala itong maalala sa ngyari kahapon, tinitingnan ko ulit ng masinsinan ito si Clara ng malaman ko ang laman ng isip nito ngunit wala akong ibang nakikita kundi sinasabi niya na walang siyang maalala at kung ano ba ang ngyayari sa akin.

Napatingin ako kay ayah Glor na ngayon ay napailing dahil alam niyang may mali din sa ngyayari.

"wala ka ba'ng maalala?" seryosong tanong ko sa kaniya na napailing na lang ito bilang wala.

Magsasalita sana ako ng biglang sumingit ang kaibigan nito na kakain na "handa na po ang umagahan ninyo.." yumuko ito bilang respeto sa amin, binalewala ko ito ganoon na din ang ginawa ko sa kanila at nagderederetsyo sa dinning room.

Naisip ko bigla ang pagyakap ko sa kaniya na baka ano na ang iniisip nito na naman sa akin.

Pagtapos kong umupo at nagsimulang kumain ay agad ko silang inaya na kumain na at nahihiya pa itong si Brielle pero agad din naman ito pumayag ng pinilit ni ayah Glor, kahit hindi ko tingnan si Clara ay naririnig ko ang thoughts nito na iniisip ay praning ako dahil biglaan ko siyang niyakap.

Nakaramdam lang talaga ako ng takot baka ay may mangyaring masama sa kaniya, inaamin ko ay hindi ko alam at bakit ganito ako, baliw na ba talaga ako?

END OF FLASHBACK
CLARA'S POINT OF VIEW

Ngayon ay nasa harapan ko ito at nagbabasa ng libro dahil ayaw niya raw na mawala ako sa paningin niya, baka daw ay may mangyari na MASAMA KAYA DAPAT SA LUGAR LANG DAW AKO KUNG SAAN MATATANAW NIYA AKO, TSE.

Tatayo nga sana ako para uminom ng tubig "hephep, saan ka naman pupunta?" pagtaas niya ng kilay sa akin "bakit ba kailangan mo na alam lagi if saan ako pupunta?" Pagtataray ko sa kaniya.

"saan.ka.pupunta?" Mariin na sinabi niya sa akin at nagtataas ng kilay niya kaya syempre wala akong nagawa kundi sabihin diba? "iinom lang, oa" irap ko sa kaniya na agad ay iniwanan ko ito.

Napa-hinga na lang ako ng malalim dahil wala dito ang lalaking iyon at hindi niya na rin ako sinusundan.

Humarap ako sa likod ko dahil tapos na akong uminom, nagulat ako ng nakatayo ito sa gilid habang nakasandal at inaantay akong matapos.

"CLYDE!" sinalungatan ko siya ng kilay habang siya ay nagtaas lang ng kilay sa akin "ano?" nagtataray ito sa akin habang tinataas ang kilay niya sa akin.

"kailan ka ba titigil sa pagsunod sa akin ha??" pagkunot ng noo ko sa kaniya habang siya ay patuloy na naglalakad patuloy sa akin "hindi ako titigil miss kakasunod sayo" naglabas itong si Mr. Chinito ng nakakainis na ngiti na ngayon ay malapit sa akin which is nakakainis.

"Gusto mo ba ako?" Biglang nalaglag ang panga nito sa akin at hindi makapaniwala ang itsyura sa sinabi ko. "Excuse me??--" pinutol ko itong si chinito sa pagsasalita "dumaan ka" suminga ito na hindi makapaniwala sa akin. 

"last warning, hahalikan kita." pagbabanta niya sa akin hangang sa naalala ko ang kwento ni Brielle sa akin kahapon ng biglang nawala ang lalaking ito kahapon.

FLASHBACK
CLARA'S POINT OF VIEW
"niyakap niyo yung isa't isa kasi masama yung bangungot mo, umiiyak ka pa nga e!"
kinotongan ako nito dahil naka-ilang ulit na ito kaka-explain sa akin.

"seryoso ba? niyakap ko talaga? as in ako nauna?" tumango ito sa akin

"ano ba talaga ang meron kayo ng Clyde na iyan ha?" pagtaas ng kilay niya sa akin..

Hindi ko rin alam kung ano ang meron samin? siguro close na tinutulungan ang isa't isa dito? hindi ko siya matawag na friend kasi ewan basta, hindi rin naman kami couple or what noh!

"walang kami, sadyang close lang" pagngiti ko sa kaniya

"sus, hindi hindi daw tapos malalaman namin na iba na pala! naku, itigil mo yan, makakagalitan ka talaga ng kuya mo at lalong ayaw na ayaw niya pa naman diyan kay Clyde." pagpapaalala niya sa akin na ay ikinatango ko lang.

"sus, hindi ko gusto yon at hindi ko rin magugustuhan."  inirapan ko ito si Brielle

"You'll never know." naglabas sa akin ng ngiti to na parang ewan, hindi naman talaga! pumuti na ang uwak pero hindi ko talaga magugustuhan iyon.

END OF FLASHBACK
CLYDE'S POINT OF VIEW
Magkalapit kaming dalawa ngayon at nagbabangayan sa mga bagay bagay.

"ako pa ngayon ang hahalikan mo? gusto mo talaga ako noh? aminin mo denial ka lang!" pagirap nito ni Clara sa akin.

"sino kaya ang binastos ako at hinawakan ang alaga ko?" Nilabasan ko ito ng ngiti na panigurado ay mapipikon ito, akala niya siguro ay kinalimutan ko na ang bagay na iyon, pwes no, Clara.

Natahimik ito at nakaramdam ng hiya kaya naman ay napaiwas ng tingin .

"NIYAKAP MO AKO NG DALAWANG BESES KAYA QUITS TAYO!" agad itong umalis at tumakbo papalayo sa akin na natawa na lang ako.

Hindi ko ba alam talaga at iba ang tama ng babaing ito sa akin, hindi ko maintindihan ang sarili ko, nababaliw ang bugso ng damdamin ko tuwing magkasama lang kami.

END OF CHAPTER 17!
THANKYOU FOR READING:)

CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon