6. "Read how eyes dictates it"

11 0 0
                                    


Pran's P.O.V

Hindi lang ako ang nagulat sa salitang pabigla-biglang binitawan ng babaeng ito, kundi maging ang buong grupo.

"Yes! You are, diba? You flirted with me that day! so you know phi Pat?"   Inulit nya na naman ang salitang iyan. Wala akong ibang nararamdaman kundi kahihiyan. Hanggang dito ba naman?

Malalim kong nailunok ang laway habang nakatingin kay Pat na sya ding nagulat. Ayokong pati sya ay masamain ito.

"N-no!"   Mabilis kong pagsagot.
"Anong no? Yes you do! Ikaw nga 'yon"   She said firmly.

"I mean, I am not flirting with you that day"  maingat kong sagot para maklaro ang lahat.

"Nga naman! Kung makikipag flirt na nga lang sya ng babae sure akong pipili sya ng walang saltik sa ulo"  sumabat itong si Wai na mas ginatungan lang ang sitwasyon. Siniko ko sya kaagad.

"Excuse me? Baka ikaw! Ikaw yung may saltik. I remember, you are the reason why I went back home that day and didn't find Phi Pat. You are that arrogant, ill mouthed guy na sumira ng araw ko"   bumalik ang galit nya kay Wai.

I touched Wai's arm signaling him not to argue back, it will just make everything worse. Ba't ba sya nakikipag away sa babae?

"Uhm! Okay! Ganito, unang-una...kung ano man yang conflict nyo ni Wai, can we just settle it calmly? I am sure he didn't intend to harm nor to offend you. Second, I am not trying to flirt with you that day, okay? You completely misunderstood me."     

Hindi na ako nakatiis sa palitan ng mga salitang mapupunta lang sa malalang hindi pagkakaintindihan. Agad din namang umawat si Pat at syang hinawakan ang balikat ng babae para mapaatras ito ng dahan dahan. Nagtinginan sila habang unti unti ding naging maamo ang mukha ng babae sa paglapit ni Pat sa kanya.

Huminga nalang ako ng malalim dahil sa bilis ng pagsulpot nya rito.

"I am so sorry everyone, ganito lang talaga ang anak ko. Sometimes she have a bad temper, pasensya na. Kung ano mang meron or diskusyong kasama si Nana, sana maayos nalang ito!"     Sumali na si Mr. Pittipong at ngayon pa naklarong anak nya ang babaeng ito.

Umayos kami ng tayo ni Wai. Ngayon alam kong wala ng planong sumagot itong si Wai sa anak nya.  Hindi narin naman nagsalita ang babae.

"It's okay uncle, I can handle it here. Maaayos din namin 'to"  Pat said to give him assurance at he just nodded.

Bigla namang tinawag si Mr. Pittipong ng iba pa nyang kasama doon sa loob ng hall.

"Paano ba yan Pat, dito muna itong si Nana ha! Meron pa kaming kailangan pag-uusapan sa loob. Help me in taking care of her, Pat"   tumango naman si Pat sa pakiusap nya.   "Don't worry uncle, I can take care of it."

Tinapik naman ni mr. Pittipong si Pat habang ngumisi na may ginhawa sa mukha nito.  "Thank you, Pat. Don't let her cause any trouble, okay?"    Mahinang habilin nito bago umalis.

Nang naiwan kami dito ay tsaka naman huminga itong tiyan ni Wai dahil sa pagtayo ng matuwid na may pagpigil hininga. Ayan na naman ang tinginan nilang hindi mo mawari kung sino ang aso at sino ang pusa.

"Okay! Ba't di muna kaya tayo magpalamig? Ano sa tingin nyo?"    Pat initiated as he is trying to maintain the situation in hold.  "O-oo nga! ano Wai? Tara?"   Dugtong ko at inakbayan ang kaibigan ko.

Ngunit pareho sila ng babae na hindi nagsasalita, kaya pareho din kaming namomroblema ni Pat.  "Ano? Tara?"  Pag-uulit ko sa kanya at pasimple lang syang tumatango.

"Okay phi! As long as I am not near to him"  sagot nag babae sa kabila at tumango din si Pat. "Sige sige, tara!" 

Naghiwa-hiwalay din kami sa wakas ng direksyon at sinamahan ko ang mga kaibigan ko papalayo, ganoon din sa kabilang grupo habang napasama sa kanila ang babae.

Behind those liesWhere stories live. Discover now