"What happened?" tanong ko kay Kae. I was excited to lend my pasalubong pero nawala lahat ng 'yon dahil nakita kong magang-maga ang mga mata niya at tulala sa kama. I brought some presents from Spain pa naman pero naabutan ko siyang... ganito.
"Brix," she said.
Kumunot ang noo ko. "Ginugulo ka pa rin ba?"
Umiling siya.
"Kaya nga nagkakaganito ako! He's not texting anymore! Last week pa simula noong huling paalam niya!"
Wait—what? Akala ko ba...
"Iyon naman talaga ang gusto mo..."
She glared at me. Teka?! Am I missing something?
She rolled her eyes at agad na humilata sa kama. Wala talaga siyang gana kaya wala akong nagawa kundi ang manood ng movies dito sa kwarto niya. I even played our favorite romantic comedy movie pero hindi pa rin siya bumangon.
"Kae..."
She didn't answer. Ngumuso ako at naisip na ito ang unang beses na naging matamlay siya dahil kay Brix. Dahil sa isang lalaki. What happened? Bumaliktad na ba ang mundo ngayon?
Parang kailan lang nagrereklamo siya dahil pagod na siyang itakwil ito. At ngayon...
Nagising lang siya no'ng nag-order ako ng food. Patay-gutom talaga ang isang 'to. Magang-maga yung mata niyang lumapit s table para buksan iyong isang box ng chicken wings at agad na nilantakan iyon.
"Tell me... ano ba ang nangyari?"
Suminghot siya.
"Galit na galit ako, Ellisa. Okay na, e. Ilang taon din akong naging okay... okay na naman talaga! Pero noong nakita ko siya na baliw na baliw pa rin sa akin, parang may fulfillment akong naramdaman," pinunasan niya agad ang pisngi niya. "Gusto ko siyang parusahan pero pakiramdam ko... wala na siya. Hindi na siya intersado sa akin!"
"Kae... he's been chasing you for how many years... tapos ngayon," hindi ko nalang tinuloy kasi baka ma-offend at mas lalong mawalan siya ng gana.
Suminghot ulit siya.
"How did you do it?"
"Did what?"
"About Angelo. Mahal na mahal mo iyon kaya paano mo nakalimutan?"
I was taken back by her question. Sumama ang tingin niya sa akin nang hindi ako nakasagot. I'm surprised! Napalunok muna ako bago siya sinagot.
"Uh... inisip kong hindi siya ang lalaki na nararapat sa akin," I said without blinking my eyes.
She looked awful. Hindi na nga nakatulong ang sinabi ko, mas lalo pa siyang nawalan ng gana. My mind was elsewhere. Naisip ko ring... ilang buwan ang nakakalipas simula noong mawala sa isip ko si Angelo. Maybe I already mastered the art of letting go?
I blamed myself why Angelo didn't love me... or whatever. Nasaktan ako, oo... pero dahil sa sinabi niya at sa kinikilos noong huli naming pagkikita, alam kong may pagkakamali ako.
I tolerated him.
Just to keep him pero naging kapalit no'n ang pagkawala ng respeto at worth sa sarili ko.
I was so lazy to find myself because I'm tired of loving him. At hindi maganda iyon.
I freed my self from that stupid attachment. Matagal ko na dapat ginawa. He was so selfish and liar... and I looked so naive just because I loved him.
Hindi madali pero nakayanan ko. I need to. That's why I'm having a life now. Pero may parte pa rin sa akin ang gulong-gulo ako.
Ways? Paano ko nga ba nagawa iyon?
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
Lãng mạnEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...