CHAPTER 19

4 1 0
                                    

chapter 19:  A slowly revealing secret

CLARA'S POINT OF VIEW

I'm still shocked after hearing that he is interested in me. why?

After what happened ay iniwanan niya ako rito at naunang pumasok sa kwarto nito, confession ba yon? or sadyang interesado lang talaga siya?

Pero hindi eh, hindi ka naman magiging interesado kung wala kang something diba? wait, gusto niya ba ko? eme, labo noh!

Pagpasok ko ng kwarto ay nakahiga na ito, hindi niya rin sinubukan na bantayan ako habang tulog ako kaya naman inihiga ko na ang sarili ko.

Sa ilang oras na nakahiga ako ay hindi ako makaramdam ng kahit ano kundi ang sinabi niya na ngayon ay nasa isip ko pa din "I don't know kung bakit ko rin inalam, siguro ay interesado talaga ako sayo kaya ay ganito ako.." 

Pinipilit ko lang kalimutan at iwasan ang pagiisip ng kahit ano dahil baka ay nababasa na naman nito ang thoughts ko, hay.

AFTER 1 MONTH
CLARA'S POINT OF VIEW
Sa loob ng mahigit isang buwan na kaming nandito ay mas lalo siyang lumalapit sa akin at mas kinikilala namin ang isa't isa, pagtapos ng gabing iyon ay hindi ko naisipang pagusapan at ganoon din siya.

Hindi ko alam pero may parte sa puso ko ang ayaw na mapagusapan ang ganoong bagay, hindi ko alam kung hindi ko ba siya gusto o type? o hindi lang talaga kaya ng puso ko na magmahal muli?

"Clara, tara na" aya nito sa akin ni Clyde.

Nakaraang araw pa kasi ito si Clyde pilit ng pilit na may pupuntahan kami, ayaw ko rin pumayag at nagdadahilan ako sa kaniya dahil gusto kong dumistansya sa kaniya, hindi ko maintindihan din kung bakit? bakit kailangan ko dumistansya kung wala naman diba? 

"Clara--" pagpipilit nito sa akin "oo na" inirapan ko ito at nauna ako sa kaniya na naglakad paalis sa harapan niya.

Nagulat naman ako ng biglang dumating ito sa harapan ko at ngiting ngiti ang mukha na akala mo naman ay bata na pinayagan mo pumunta sa isang toy store para mamili ng laruan.

"at bakit ka naman ngumingiti?" pagtaas ko ng kilay sa kaniya na naging dahilan na mas ngumiti pa ito lalo, abnormal talaga.

Pagtapos na sabihin niya sa akin na interesado siya sa akin ay wala akong ibang ginawa kundi magtaray sa kaniya at dumistansya kung kailangan.

Umiling nga itong ngiting ngiti at hinawakan ang kamay ko sabay hinila papaalis doon sa lugar niya.

Sa ilang minuto na hawak hawak nito ang kamay ko habang hinihila ako sa lugar na gusto niyang dalhin ako ay nakatingin lang ang mga mata ko sa kamay namin, why am I being  like this? why do I feel na sasabog ang puso ko?

Pagtapos niyang hawakan ang kamay ko at hilahin ako habang ay tinitingnan kami ng mga nadadaanan namin pero tila naman ay wala lang itong paki at mas hinihigpitan niya pa ang hawak niya ay dumating rin kami sa isang pinto na kulay kayumanggi ngunit walang karatula dito na kung ano ang lugar na ito.

"are you ready?" tanong nito sa akin na siya pa ang mas excited sa surpresa niya.

Tumango lang naman ako kaya agad ay binuksan niya ang pinto na agad ay ikinamangha ko.

"what the--" naputol ko ang sariling pananalita ko dahil sa pagtakip ko sa bibig kong gulat na gulat sa nakita ko.

Isa itong library na napaka-laki at napakadami ring libro, napakataas at hindi ko mabilang sa sarili ko kung ilang palapag ba ito..

Sa sobrang saya at hilig ko sa libro ay dali dali akong pumasok sa loob at tumingin sa mga libro na alam ko sa sarili ko ay kailanman ay hindi ko mauubos..

CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon