Bakit Hindi?

1.9K 99 16
                                    


Aminin man o itanggi, minsan ka ng napatingala sa langit at nagtanong, "Lord, y u do dis?" Maaring hindi eksakto, ngunit bahagyang magkatulad.

Bakit may digmaan?

Bakit hindi ka peymus?

√ Bakit ang hirap maging masaya?

Bakit hindi ka crush ng crush mo?

Maraming bakit, paano, sino o kelan. Mga tanong na baka wala namang sagot. At kapag punong puno ka na, themesong ng buhay mo ang 'Natutulog Ba Ang Diyos?'.

√ Hindi ka Niya pinakinggan.

√ Busy Siya.

√ Naligaw ang karterong may dala ng sulat Niya para sa'yo.

√ Baka mahina lang ang boses mo o coño much kaya 'di n'ya maintindihan.

√ Alam mo na ang sagot, nagtanong ka pa.

Hindi ito kababawan. Sinasalamin ang karamihan sa atin, well, 'yun ay aking pananaw. Ibig sabihin, hindi pala 'karamihan', kundi 'iilan', kabilang na ang mga taong nakilala. Sorry, assuming.

Ang mga sumusunod na pahina ay binubo ng iba't-ibang himutok at pagtataka - minsan mababaw, minsan may malalim. May pang nobela, mayroon din namang parang text lang. Tanong ng paslit, matanda, babae, lalaki o nasa kalagitnaan. Hindi ka Diyos pero maari kang sumagot sa sandamakmak na tanong, malay mo, may hugot ka pala.

Teka... bakit mo nga ba babasahin ang akdang tulad nito? Walang poging gangsters, bilyonaryong may labing anim na abs o babaeng nakakasilaw ang ganda.

Pero ang mas dapat mong sagutin, bakit hindi?

Ellena Odde ♥

Dear Lord, Why Do Birds Suddenly Appear?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon