Chapter 12
'Hmmm...'
Palihim kong pinagmasdan ang lalaki. Ang gwapo nito at ang kinis ng balat, parang suki ni Belo. Artistahin kumbaga. Mala- Gerald Anderson na may pag Daniel Matsunaga, slim version. Ah basta, gwapo siya. Hindi ako magaling mag-describe ng features ng tao eh. Naka-sweater na white, red skinny jeans na panlalaki at white na vans shoes na may drawing na bungo. In fairness, keri niya.
Pero kahit gwapo ang itsura ng lalaki ay hindi ko pa rin ipagpapalit si Christian ko sa kanya. I just know how to appreciate beauty.
"Bago ka lang dito?" Narinig kong tanong niya. Alam kong ako ang kinakausap niya dahil wala namang ibang nakasakay sa elevator.
"Ha? Ah eh...oo..kahapon lang." Di ko ini-expect na kakausapin niya ako.
Tumango-tango ito. "Anong unit number?"
Di ako mahilig makipag-usap sa estranghero, pero mukhang magaan ang loob ko sa kanya.
"Number 6." Sagot ko.
Hindi ko inaasahan ang reaksiyon niya.
"Oh em gee! Kay papa Christian??" Halos mabingi ako ng tumili ito.
My god, Confirmed!
Medyo diskumpiyado ako pero ok lang, wala naman akong pagnanasa sa kanya. Tama nga yata sabi nila, kadalasan sa mga gwapo ay taken na o di kaya naman ay bakla. Nakaka-awa lang ang mga babaeng magnanasa dito.
Natatawang tumango na lang ako.
"Yup, kahapon lang ako lumipat. Boyfriend ko siya." Talagang ipinangalandakan kong nobyo ko si Christian. Bah, mahirap na.
Mukhang hindi naman siya naapektuhan sa sinabi ko dahil nakipag-kamay pa ito. "By the way, I'm Daniel."
In-emphasize pa nito ang pronounciation ng pangalan. Its not Dan-yel, but it's Dey-nyel. O kabog, di ba? Atleast tumama ang description ko sa pangalan niya.
Tinanggap ko ang nakalahad niyang palad. "I'm Sabrina."
"Wow, you're so pretty, sweetie. Ang swerte naman ni Papa Chris sa'yo." Pinasadahan pa nito ng tingin ang kabuuan ko. Naka-light pink blouse lang ako na may hello kitty print, short shorts at flipflops kaya alam kong walang espesyal sa itsura ko.
'Nope, ako ang maswerte sa kanya'. Gusto ko sanang sabihin. "Thank you." Iyon na lang ang nasabi ko.
"Ba't mo nga pala kilala si Christian?" Kapagkuwa'y tanong ko sa kanya.
"Oh well, halos magkakakilala lahat ng nasa floor na 'to, but I think hindi kami kilala ni papa Chris. Masyado siyang mailap lalo na sa mga ka-beauty ko." Hindi nakaligtas sa akin ang pagtikwas ng daliri nito.
Gusto ko sanang sitahin ang pag-tawag niya ng 'papa' kay Christian pero mukha naman itong harmless kaya hinayaan ko na lang. Wow ha, nagiging possessive na yata ako sa mahal ko.
Maya-maya'y may tinuro ito sa leeg ko.
"What is that? Is that a hickey?" Walang kaabog-abog na tanong nito.
Dali-dali kong tiningnan ang repleksiyon ko sa salamin. Parang namula yata sa akin ang lahat ng pwedeng mamula.
Gosh, I'm going to kill Christian later! Hindi ko alam kung kelan niya pa ito nilagay sa leeg ko dahil kagabi ay ito rin ang pinangigilan niya hanggang sa paggising kaninang umaga. Di ko mabilang kung nakailang rounds kami kagabi. I didn't expect Christian to last that long.
Nakita kong may dinukot sa bulsa si Daniel. Inilabas nito ang isang...concealer stick?
Sa halip na ma-awkward ay natawa ako.
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
General Fiction"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...