Chapter 1

14 0 0
                                    


Papunta sa trabaho si Jamel, pero bago pa siya tumuloy dumaan muna siya sa bahay ng kanyang nobya na si Eunice. Dalawang taon na sila magkarelasyon ni Eunice, Dalawang buwan niya ito niligawan, galing sa Maynila si Eunice, nagbakasyon ito dito sa Pagadian City, may tiyahin kasi ito dito sa Pagadian. Maganda at Maputi ito, mahaba ang kulay brown nitong buhok, balingkinitan, mapapalingon ka talaga kapag siya iyong makatagpo sa daan. Marami kalalakihan ang gusto maging nobya ito, maswerte si Jamel dahil siya ang nakatanggap ng matamis nitong Oo. May pagka suplada ito at maarte pero inintindi niya dahil mahal niya ito.

''Jamel, wala diyan si Eunice, walang tao ng tawagin ko maniningil Sana ako sa inutang niya load naku umaabot na sa 200 ang utang na load niya' 'tawag sa akin ni aling tasya.

' 'ganoon ba, ako na magbabayad sa load na inutang niya aling tasya, saan Kaya siya nag punta aling tasya sa ganitong kaaga.' 'napatanong ako at sabay kuha ng Dalawang daan sa wallet ko.

' 'Naku! Jamel, bantayan mo Iyang syota mo maganda pa naman yan baka mamaya iputan ka sa ulo, napapansin ko nitong mga araw palagi umaalis.' '

Napatingin ako sa bahay na tinitirhan ni Eunice, napakatahimik senyales na walang tao. Tumalikod nalang ako patungong trabaho.

Sumakay ito sa kanyang motor, pinagtitinginan siya ng mga tao sa dinadaanan niya at nanibago siya madalas naman siya dito,nakapagtaka lang parang ngayun Lang Nila ako nakita pumunta dito.

__

'' Good morning! Ma. '' bati ni Kristine sa kanyang Ina at halik, may kausap ito sa telepono umagang-umaga may kausap agad ito. Sabagay may business kasi sila na kanilang tinataguyod kapag may problema sa opisina expected na may tumatawag na mga HR sa kanyang mama.

'' Morning, Tin. Breakfast kana sa office na ako kakain may problema,kung ito Lang Sana business natin inatupag mo di Sana ako na stress ng ganito ka Umaga. '' napabuntong hininga ang kanyang Ina.

'' Saka na MA, malakas ka pa naman ahh. '' lambing niya sa Ina. '' at saka Alam mo naman ma na may gusto pa akong patunayan sa sarili ko na Kaya ko umunlad sa sosyedad na hindi gamit ang
negosyo niyo ni Daddy. ''

'' Hay naku! Mabuti Sana nakapag asawa kana, para naman kayo dalawa ng magiging asawa mo magpapatakbo ng negosyo na ito ng Lolo mo, dito nalang ako sa bahay mag aalaga ng magiging apo ko. '' suhestiyon ni Martel sa anak.

Napatawa naman siya, nagpaalam na ito na may halong lungkot at pagod sa mga mata. Kung ganoon Lang Sana maghanap ng mapapangasawa ginawa na niya, sa panahon kasi ngayon mahirap humanap ng lalaking totoo,binata nga may anak naman sa ibat-ibang babae,ang Iba mama's boy, gwapo nga tamad naman, kadalasan manloloko base on my friend's experience palaging luhaan katulad ng best friend niya Kyla maganda naman ang kaibigan niya, may trabaho ito may sariling bahay at sasakyan, nakuha padin lokohin ng nobyo, isang taon na magkarelasyon ang dalawa, nahuli may ibang babae ito sa isang club dito sa siyudad. Marami pang mga senaryo niya nakikita sa mga ibang kaibigan niya maswerte si Jaina, kaibigan niya pinakasalan ng nobyo nito, matapos mabuntis ngayon, happy married na ito Kasama ang kanilang seventh months na baby.

After kumain ni Tin,bumalik muna siya sa kwarto at kinuha ang kanyang car keys, may sarili na siya sasakyan para sa kanyang business na sinimulan ang '' Rare Beauty '' mga produkto pampaganda ang kanyang naisipan itayo, mahilig ang mga babae sa mga beauty products papatok ito ng masa, dahil pangunahinng pangangailangan ito ng mga babae, lalo na Kung may trabaho o pumapasok ng mga opisina sa panahon ngayon Pati mga housewife nagtatrabaho na.

Kaya bago siya mag asawa o may magustuhan man siya lalaki may pangkabuhayan siya sarili,sa panahon ngayon mahal na ang bilihin Lalo nag hirap ang mga tao mahirap, ayaw ko pagdating ng araw maghirap ang magiging mga anak ko at hindi mahirapan ang magiging asawa ko Kung meron man,sana nga meron lalaking iibigin ako ng totoo...

Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Kristine nang may nag overtake na motor pakaliwa sa kanya at bumagal ang takbo nito sa unahan at huli na para sa preno, nabundol niya ito, halos panawan siya ng ulirat ng lumipad ang lalaki sa unahan kasabay ng motor nito. Dali-Dali siya lumabas ng sasakyan at dinaluhan ito, tumigil din ang ibang motorista.

'' oh my God!Lord, sir, are you okay. '' nagpa panic niyang sambit, di Alam ang gagawin hahawakan ba ito, baka may bali itong buto sa katawan,napaungol naman ito, may suot ng helmet ang lalaki, nakapantalon, naka sapatos,Jacket at may nakasabit na bag sa dibdib. Sinubukan nito bumangon at umungol sa sakit marahil Kung may Bali ito, nakitanong naman ang ibang motorist.

'' Bulag ka ba!'' singhal ng lalaki pagkatapos nito mahubad ang helmet, galit ang mukha nito nakatingin sa kanya, sinubukan nitong tumayo at nasinghalan niya ito sa ginawa pagbangon nito.

'' wag ka nga tumayo muna! Baka may bali ka. '' Kung galit siya Mas galit ako.

'' ikaw pa Mas galit sa akin Ngayon, gayung ikaw bumundol sa akin! '' pagsusuplado nito, may itsura ang lalaki, mataas sa akin ng konti, mataas ako pero Mas mataas parin siya sa akin, halos magkadikit na ang makakapal nitong kilay.

'' pwede na kayo umalis, wala akong bali sa buto. ''lingon nito sa mga motorista at napalingon sa akin pagkatapos. "ikaw, may galos yata ako sa braso ipagamot mo' to at ipaayos mo sira ng motor ko, hindi patu bayad ng buo inutang ko pa ito.''napatango nalang ako, Kaya ko naman gawan ng paraan iyan.

" Kung ganoon, sumakay kana sa kotse ko dalhin kita sa malapit na ospital, at ipakuha ko nalang sa driver namin Iyang motor mo para ipadala sa shop." paika-ika naman itong naglakad patungo sa kotse ko.

"may iniinda pa ba kayo sakit sir?" tanong ng nurse na nag asikaso sa lalaki, hindi ko natanong ang pangalan niya baka mas lalo magalit.

"ito Lang nurse." sagot naman nito. Natapos na ito malinis ang sugat sa may braso, itong kaliwang braso napuruhan pagkabagsak niya kalsada malaki-laki rin ang sugat sanhi upang mabutas ang jacket nito hindi rin kasi kapakalan ang jacket nito. May lumapit uli nurse sa kanya may dala mga papel, humihingi ng personal data ng lalaki.

"pangalan niyo sir" tanong nung nurse.

"Vince Jamel Gosiaco" sagot ni Vince, well maganda ang pangalan suplado nga Lang.. Napatitig siya sa lalaki, bakit parang kakaiba ang feeling niya dito, kanina nung hinubad ang helmet nito akala niya matanda na ito, parang may kakaiba sa taong ito, napansin siguro nito ang titig niya Kaya napatingin din ito sa kanya, galit ang mga mata nito. Gwapong suplado.

Vince Jamel  GosiacoWhere stories live. Discover now