Chapter 2

6 0 0
                                    


Naisaayos na ni Kristine ang problema niya Kay Vince, binigyan niya ito ng cellphone number niya para kapag may kailangan pa ito tawagan lang siya nito. Lumipas ang dalawang linggo wala naman siya tawag na natanggap nito malamang wala na problema ito, naayos naman ang motor nito binigyan niya pa ito ng pera pagkalabas nila sa ospital nang araw na iyon, ngunit tumanggi ito sapat na napagamot ang sugat nito at napaayos ang motor, na ayon dito ito ang ginagamit sa pang araw-araw na trabaho nito sa siyudad, nalaman niya isa itong construction worker, na bagong itinayo malapit sa sikat na gasolinahan sa siyudad. Well marangal na trabaho naman iyong ganoon trabaho bakit iyon ang trabaho na napili nito, mabigat at mahirap ang ganoon trabaho at saka mainit pa, lalo na ngayon tag init ang panahon.

"Anu iniisip niyo maam?" nabigla ako sa tanong ni Gelai, nakasuot ito ng Maxi dress may slit sa gilid, nakalugay ang buhok nito. Si Gelai kanang kamay ko sa negosyo ko.

"Wala naman, may nakalimutan Lang ako sa bahay" pagsisinungaling ko.

"May date kayo ng boyfriend mo Ngayon?" tinititigan ko siya Mula ulo hanggang paa.

"Bakit ang Ganda mo Ngayon?" nagpa cute naman si Gelai parang kilig na kilig sa sinabi ko, at may hinala ako.

"Baka pwede maka cash advance Ma'am.. Hehe may pang date mamaya" Tama ang hinala ko,wala naman problema masipag si Gelai maaasahan sa trabaho.

"Magkano?" sabay kuha ko sa bag at wallet, nagbilang ako limang libo, iyon kasi kadalasan cash advance nito, Sana Lang pakasalan ito ng boyfriend malapit nang isang taon relasyon nito, dalawang beses ko pa nakita ang nobyo ni Gelai.Nasa Misamis Occidental ang boyfriend nito naka destino Kaya madalang ko Kung makita.

"Salamat. Maam! Mag boyfriend kana kasi, para kilig to the bones ma'am hehe he" hagik-ik nito. Bigla naman pumasok sa isip ko si Vince, may asawa na siguro yung tao, hula ko nasa trenta na iyon basi sa physic niya, baka may anak narin, bakit parang nanghinayang ako. Na love at first sight yata ako sa kanya, may mga naging crush naman ako noon, bakit iba iyong kay Vince?

"Oyyy Ma'am! Tulala ka diyan, baka mamaya may boyfriend kana ah di molang sinasabi sa akin." himig tampo naman nito. Hayyss

"Wala gel.. Crush Lang siguro ito." Napa O naman ang bibig nito, nagulat malamang sa confession ko, Ngayon kulang din na share sa iba na may gusto ako sa lalaki, ginagawa ko kasi pribado ang buhay ko, ayaw ko pag usapan ng ibang tao ang mga kaganapan sa akin, ako iyong tipo di na mag e-explain sa side ko.

"Sino naman ang maswerte lalaking 'yan ma'am, naku sa gandang mong Yan ma'am malamang gusto ka rin nun, saan kayo nagkakilala Ma'am?" sinabi ko sa kanya ang nangyari at nabigla si Gelai bakit di niya Alam na may ganoon ng nangyari sa buhay ko, nakabundol ako ng motor,sinabi ko na ayaw ko mag e-explain ng side ko, parang nagsisi ako na sinabihan ko siya may crush akong lalaki, hindi ko na sinabi isang construction worker, hindi sa ikinahiya ko siya, ayaw ko Lang pinag usapan ang pribado ng buhay ko, baka anung masabi ng iba.

___

Gabi nang makauwi ako, nakita ko sa sakyan ni mama, nauna na siyang makauwi, kadalasan siya naman talaga ang mauna. Wala ang papa, isang linggo na si papa sa manila, may kapatid kasi siya doon.Si tita Eldany bunsong kapatid ni papa dinalaw ni papa, bago panganak kasi ito sa panganay, limang taon na itong kasal sa asawa, isang engineer, matagal bago nabuntis at Ngayon nga bagong panganak, sa tuwa ni papa pumunta Manila agad, hindi sumama si mama, walang maiwan sa negosyo.

"Magandang Gabi ma'am!" bati ng katulong namin na si ate Marta. Pinagbuksan ako ng pinto.

Tumango ako. Pagod kasi ako, parang lalagnatin ako, busy kami ngayong linggo dahil sa auditing patapos na kasi ang buwan,mag o-audit kasi akong tuwing tapos ng buwan, Kung magkano ang sales ko. Narinig ko si mama may kausap sa sala. Napatingin naman silang dalawa ng kausap niyang bisita. Isang maganda at kutis porcelana ang babae, sa tantiya ko nasa trenta na ito, baby face, nakalugay ang kulay brown nito buhok.

"Tin, anak bakit mukhang Pagod na Pagod ka,magdinner kana, nauna na kami ni Eunice, by the way Eunice, this is Kristine anak ko." pagpakilala ni mama. Sexy. Itong Eunice na ito. Kahit Naka Jeans, white T-shirt at sneakers shoes Lang ito. Nakipagkamay naman ito sa kanya.

" Hi. Ang Ganda mo naman. "puri nito sa kanya. Binitawan niya na ang kamay nito, malambot din parang walang trabaho.

" Hi. "tipid Kong ngiti."

"Naku, maganda talaga si Tin, only daughter ko Lang Yan Eunice. At saka 22 palang ito Mas Bata sayo. At napaka anti-social. Hirap kumbinsihan sa mga gatherings, ilag pa sa mga lalaki, wala pa akong nakikita na may kasama itong boyfriend, baka hindi na makapag asawa. "palatak ni mama. Hindi ko kasi kailangman sinabi ni mama na may crush ako dati, pinaghihinalaan niya ako baka tomboy ako, babae ang gusto ko, natawa nalang ako ng maalala ko iyon paratang niya.

" Baka mayroon na madam, sabi mo nga anti - social iyan yong tipo ng tao na ma secreto, ayaw pag-usapan ng mga tao"sagot ni Eunice. May taman din ang isang ito. Matalino, marunong kumilatis ng tao.

Naka tulog ako agad sa pagod, hindi ko alam Kung anong oras na umuwi ang bisita ni mama. Kagabi kulang din nakita si Eunice, baka Isa sa mga empleyado ni mama. Wala naman masama Kung dalhin ni mama ang mga empleyado sa bahay, halos lahat naman ng empleyado namin nakapunta na dito sa bahay, tuwing kaarawan ni mama, pero kakaiba kagabi, hindi nagdadala si mama ng empleyado na isang tao lang. Baka anak ng kaibigan ni mama?Pero kilala ko naman ang mga anak ng kaibigan ni mama?Baka may importante pinag usapan Lang.

Umalis na si mama nang bumaba ako. Tanhali na rin kasi akong nagising,nagtext ako ni Gelai bukas na ako papasok.Nagutom tuloy ako, wala akong maayos na dinner kagabi, dahil narin sa pagod at antok. Kumuha ako ng tasa sa cabinit to brew some coffee and toasted bread. Sunod-sunod ang ngyuya ko sa bread gutom pala talaga ako.Nakaupo ako sa round table namin sa kusina, nakita ko dumaan si ate Marta dala-dala ang walang laman basket nang labahan. Tinawag ko siya.

"Ate Marta, Kilala niyo ba ang bisita ni mama kagabi, Ngayon kulang nakita ang bisita niya kagabi?"lumapit naman sa mesa si ate Marta, tinitingnan niya Yung nasa mesa bago nakasagot sa tanong ko.

" Ah. Ma'am pangatlong beses na po Yun bisita niya dito sa bahay niyo. Magkakilala siguro sila ng mama mo, nung unang beses siya pumunta dito, nakita ko siya titig na titig sa mga letrato mo, parang sinusuri ka niya eh, tapos nagtanong-tanong tungkol sa iyo."sagot nito na parang iniisip pa nitong mga eksena naganap sa araw na iyon.Nagpasalamat nalang ako Kay ate Marta at nagpatuloy ito sa ginagawa.

Ang weird. Kakilala siguro ni mama
Matanong ko mamaya pag uwi ni mama.


Vince Jamel  GosiacoWhere stories live. Discover now