For You.

27 1 1
                                    

Shem Keziah Point of View

"Haaay salamat natapos din ang lintek na supply and demand na iyan! Nakukurta na utak ko sa hayup na accounting na iyan!" sabi ni Maica nung nakalabas na ng room namin ang prof namin.

Totoo naman. Nakakasakit ng ulo ang mga accounting. Vacant na kami. Inayos ko na ang gamit ko dahil pakiramdam ko ay kailangan ko ng malamig na malamig na inumin dahil pati ata ang loob ng katawan ko ay drain na.

Aktong ihahakbang ko na ang paa ko palabas ng pinto ay bumungad saken si Kemuel. Pakiramdam ko nga ay kanina pa siya naghihintay dito sa labas ng classroom namin.

"Kain na tayo Shem..." nakangiti at napakalambing na boses ni Kemuel kasunod ng pagkuha niya sa bag ko.

"Teka bespren ako ni Shem! Kasama ako!" singit naman ni Maica.

"Syempre naman kasama ka Maica" sabi naman ni Kosh na kasama ni Kemuel.

Sabay sabay na kaming naglakad papunta dito sa cafeteria. Katulad ng dati napakaraming estudyante na halata namang nag-uubos lang ng oras dahil sa mahabang vacant time. 

"Awww! Napakagentleman naman talaga" puna ni Kosh kay Kemuel nung inayos ni Kemuel ang upuan ko. Nakakakilig naman tong lalakeng to. Lalo tuloy lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Tuwing gabi hindi sya pumapalya sa paggoodnight ganun din sa umaga may pa-goodmorning. Sinusundo ako sa bahay at inihahatid din niya ako. Hindi ko nga alam kung ano ang lagay namin pero sigurado ako masaya ako kapag kasama ko si Kemuel.

"Kaya ko! Hindi ako lumpo!" sita ni Maica kay Kosh nung aktong hihilahin ni Kosh ang uupuan ni Maica dahilan para magtawanan kaming lahat.

 Umorder na kami ng pagkain. Gusto nga ni Kemuel na siya magbayad ng inorder ko pero inunahan ko na siya. Palagi kasing siya ang nagbabayad ng inoorder kong pagkain kaya ang unfair naman para sa kanya kung palaging siya, diba? 

"Nga pala, may laban ulit kami mamaya ng basketball. Support mo ulit ako ha.." sabi sakin ni Kemuel habang nakain kami. Nilagyan niya nga ako ng vegetable salad sa plato ko eh.

"Oo naman. Hindi na ako magpapahatid kay Kuya Ron mamaya. Alam ko nanaman ang papunta sa court eh"

"Susunduin kita" -Kemuel.

"Manunuod din kami tol. Supportahan ka rin namin. Matagal tagal na huling panuod ko ng laban mo eh" dugtong naman ni Kosh at sinag-ayunan naman iyon ni Maica.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa biglang natuon ang atensyon nitong katabi kong si Kemuel sa taong naglalakad sa harapan ng bleachers.

"Anong ginagawa ni Eevan dito? Ang alam ko sa ibang university siya nag-aaral" narinig kong reaksyong tanong ni Kemuel sa nasa harapan nyang si Kosh.

"Wow! Tangkagwapo naman ng lalakeng yan! Tingnan nyo oh - pinagpupulutan na siya ng mga babaeng hito!" tukoy ni Maica sa mga nakaupong babae sa bleachers na halatang namamangha sa taong dumaan sa harapan nila.

"Diba tol team nila ang makakalaban nyo mamaya?" tanong na paninigurado ni Kosh.

"Oo pre. Pero bakit andito siya?" takang tanong naman ni Kemuel.

"Baka may susunduin lang yan o baka may kaibigan dito. Kayo naman. Ipagpatuloy na natin tong kinakain natin. Sayang ang vacant time" sabat ko dahil pati ako hindi rin makakain dahil sa kanila.

"Eto pa Shem oh.. Aba hindi pwedeng hindi kainin tong vegetable salad.. Alam mo bang nagpapakahirap ang mga magsasaka para lang may maipakain satin" pangungunsensya ni Kemuel.

"E bakit palaging sinasabi ng nanay ko na sya ang nahihirapan para lang may maipakain samin e hindi naman sya magsasaka!" gigil na sabat ni Maica dahilan para mapatawa ng malakas si Kosh pati na rin ako.

Langya talaga tong si Maica. Pati iyon naisip pa rin. Kaya ang saya kasama ng babaeng to e. Galing mambasag.

"Hi! Shem, right?" bigla kong narinig sa gilid na bahagi ng kinauupuan ko dahilan para dahan dahan akong mapalingon dito.

"Shaks! Tanginaaaaa ang gwapoooo talagaaaaa!" reaksyon ni Maica.

"Yes po. Why kuya?" malumanay kong sagot na patanong sa kanya.

"I came here to perso-"

"Kuya Eevan! Anong ginagawa mo dito?" hindi na naituloy nung lalakeng lumapit saken ang dapat na sasabihin niya nung biglang may tumawag sa kanyang babae. Kapatid siguro. Medyo magkahawig silang dalawa eh.

"Ohhh I see.. Kaya pala.." sabi nung babae nung makalapit na at napatingin saken.

"Hi Shem! I'm Zyrille" malambing at nakangiting pakilala saken nung babae at inabot ko naman ang kamay niya.

"Hala! Paano nyo ako nakilala? First year palang ako dito?" takang tanong ko.

"Ganito kase yun... Palagi ka kasing sinusubayba-"

"Bye for now. See you again Shem" putol nung Eevan na sinasabi nitong mga kasama ko at tuluyan na silang lumayo dito sa pwesto namin.

Pagkatapos umalis nung dalawa ay nabalot ng katahimikan itong mga kasama ko bukod kay Maica na halos mabali na ang leeg sa pagsunod tingin kay Eevan.

"Oh Kemuel bakit natahimik ka dyan?" ngising tanong ni Kosh sa katabi ko na patuloy lang sa pagpapaikot ng tinidor sa carbonara.

"Selos ka don no!" dugtong naman ni Maica.

"Ha? De no! Di makakapuntos saken mamaya iyon!" nanginginig na boses ni Kemuel.

Lihim akong napangiti dahil sa inaasal ni Kemuel. Nakakatuwa lang syang makitang ganon ang reaksyon nung may lumapit saken.

"To naman. Diko nga kilala iyon e" sabi ko sa kanya pagsakay ko sa biro ni Maica.

Hindi sumagot si Kemuel bagkus sinubo na nya ang kanina pa niyang pinapaikot na pasta sa carbonara.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Suot mo muna to Shem. Warm up lang muna kami" utos saken ni Kemuel habang isinusuot nya saken ang jersey niya.

"Warm up palang parang panalo na agad ang team natin ah" sabi ni Rj na kaibigan ni Kemuel. Nginitian ko lang sya. Matapos iyon ay mabilis na nagpunta sa loob si Kemuel kasama ang mga kateam nya para sa warm up. Maya't maya nga siya natingin dito sa pwesto namin eh.

"Ayy! Diba siya yung gwapo kanina na lumapit sayo Shem?" tukoy ni Maica sa lalakeng naglalakad papalapit sa kinauupuan namin. Tinuon ko ang tingin ko sa tinuturo ni Maica.

Siya nga...

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik ko kay Kemuel. Si Kemuel naman ay nakatingin sa lalakeng papalapit sa pwesto namin.

"Hi Shem! For you" sabi niya sabay abot ng isang rose na kulay red.

"Ayyy! Shaks! Tanginaaaaaaaaa! Kinikilig akoooo" matining na boses ni Maica.

"Saken? Sure ka kuya?" takang tanong ko. Tumango lang siya at malawak ang pagkakangiti niya. Saktong kinuha ko ang inabot niya nung may narinig akong bahagyang pag-ubo.

"Shem magstart na ang laro.. Yung jersey..." kakaibang tono sa pananalita ni Kemuel.



Author: Sensya po. Napakatagal bago makapag-update. Bukas po update ulit ako. Thankyouuuuu 😊😍 Salamat po sa paghihintay 😇

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon