*CHAPTER 3*

222 15 0
                                    

~A Night Of Trouble
(DAWN ANTOINETTE'S POV)

Ewan ko ba pero di ko namalayan na nakatulog pala ako sa kotse ni Superman. Pagkagising ko wala na siya sa kotse. Di ko pa pala natatanong yung pangalan niya. Kase naman wala kaming ginawa kundi mag-away. Ang angas niya kasi. As in SUPER YABANG!!

*kruuuuug*

Hala. Gutom na ako. Pagtingin ko sa cellphone ko 8pm na pala, anong oras ba kami nanggaling sa bahay?

"Wui. Gising na pala si Antonyeta."

Sino pa ba? Edi si Superman. May dala siyang isang box ng pizza and coffee i guess..

"Oh. Kain na tayo."

"Tayo? Sasabay ka sakin?"

"Oo. Bakit aarte ka pa?"

"Saan mo binili 'tong coffee?

"Di yan coffee, choco flavor yan."

"Saan nga?"

"Diyan sa vendo machine."

"Yung tiglilimang piso?"

"Nadali mo Madam!"

"Di ko iinumin yan."

"Alam mo Maldits, wag ka ng maarte ha. Malinis yan. Sige na, kung madumi yan edi sana madami ng pilipinong namamatay dahil sa pag-inom sa vendo machine."

"Alam mo, umiinom ako ng kape sa vendo machine, ang di ko iniinom yung galing kung kani-kanino. Baka mamaya may lason pa yan."

"Wag ka mag-alala di inutos ni Parker yun. Sige na inumin mo na."

Tama. Di naman siguro ako lalasunin ng sira-ulong ito. Humigop ako ng konti sa choco na sinasabi nya, masarap naman, sakto lang yung tamis.

"Bakit nga pala tayo huminto dito?"

"Nasiraan tayo."

"What the hell. Saan tayo matutulog neto?"

"Tayo? Madam ha. Wag mong sabihing.."

"Abnormal ka ba? Andumi ng utak mo."

"Di joke lang. Maghotel na lang muna tayo, magkaibang kwarto syempre."

"Alangan naman magkasama tayo sa isang hotel room. Baka rapin mo pa ako."

"Wow ha. Di kita type no. Masyado kang patpatin."

See? Ang yabang niya diba? Akala mo kung sinong gwapo. Okayy. Oo nga gwapo sya pero why so yabang?

"Ang tawag sa ganito, slim. Tatagalugin ko, balingkinitan. Don't give me that stupid street terms idiot."

"Wareber! Ikaw ha! Sumosobra ka na, kanina pa nagdudugo yung ilong ko sa kakaenglish mo! Nasa Pilipinas tayo kaya magtagalog ka utang na loob! Presidente pa naman ang tatay mo ng Pilipinas lang naman! Mahalin mo ang sariling atin!"

"Pwede ba. Wag mo akong sinisigaw- uhh.. Omph.." Bigla nya ba namang shinoot sa bibig ko yung isang slice ng pizza.

"Alam mo, gutom lang yan, ikain mo na ha. Andaldal mo eh, nakakabingi."

Ayan na naman kami. Nakakainis sya. Baka nakakalilimutan nya na ako ang First Daughter sa lupang tinatapakan nya.

"I HATE YOU!!! Bakit ambastos mo?!"

"Ang bastos yung naghuhubad, saka tignan mo kung sinong bastos satin. Ang ikli na nga ng suot mo, bukas pa zipper mo. WAHAHAHAHAHAHA-"

*SLAP!*

"ARAY! Bakit ka nananampal?!"

"Bastos ka talaga!"

Di ko na napigil yung sarili ko at bumaba ako sa kotse niya. Nakakairita sya!! Argh!! He pissed me off. Sumandal ako sa likod ng kotse, ayokong lumayo baka mamaya mangyari na naman yung nangyari noong isang gabi.

Breaking His Dark SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon