Chapter XXXI

6.9K 912 106
                                    

Chapter XXXI: Easily Acquired

Natigilan si Astra habang napakunot-noo si Faino matapos nilang marinig ang mga salitang ibinulalas ni Finn. Pinagmasdang mabuti ni Faino ang gulat na gulat na reaksyon nito. Agad na nalibang ang kaniyang ekspresyon habang pinagmamasdan niya ito, at hindi niya mapigilang mahiwagaan sa ibig sabihin nito na ang butil ng pulang kristal na lumulutang sa ibabaw ng kaniyang palad ay retaso ng kapangyarihan ng Elemental God.

‘Alam niya kung ano ang bagay na ito? Para maging ganiyan ang kaniyang reaksyon, siguradong ang bagay na ito ay hindi pangkaraniwan. Hm. Interesante,’ sa isip ni Faino habang nalilibang niyang pinagmamasdan ang reaksyon ni Finn.

“Katulad ng bagay na iyan ang retaso ng kapangyarihan ng Elemental God?” Usal ni Astra matapos niyang makabawi. “Elemental God? Ano'ng ibig mong sabihin, Finn? Maaari mo bang ipaliwanag sa amin kung ano ang ibig mong sabihin? Alam mo ba kung ano ang bagay na hawak-hawak ni Faino?”

Sunod-sunod ang naging tanong ni Astra. Halata sa kaniyang reaksyon ang kuryusidad lalo na't ang binanggit na salita ni Finn ay “Elemental God”—titulo ng isang diyos.

Sino nga ba ang hindi magkakainteres sa impormasyon patungkol sa isang diyos? Alam ng lahat—mapa-guardian spirit man o adventurer na ang diyos ang kinikilalang pinakamataas na nilalang sa buong sanlibutan. Sila ang pinakamakapangyarihang umiiral sa puntong sa munting pagsusumikap lamang, kayang-kaya nilang wasakin ang maraming mundo o wakasan ang buhay ng napakaraming nilalang.

Matapos ang sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Astra, doon lang napagtanto ni Finn na walang kaalam-alam ang dalawa sa nangyayari. Napansin niya sa mga tanong ni Astra at reaksyon ni Faino na wala pang ideya ang mga ito patungkol sa Elemental God at sa butil ng pulang kristal.

Hindi niya na rin ito ipinagtaka dahil kung hindi dahil sa Creation Palace, hindi niya malalaman ang tungkol sa mga bagay na alam niya ngayon.

“Ang bagay na 'yan... 'yang nasa kamay ni Faino ay kapareho ng bagay na ibinigay sa akin ng Creation Palace. Hindi ako maaaring magkamali, ang butil ng pulang kristal na kasalukuyang lumulutang sa iyong palad ay retaso ng kapangyarihan ng Elemental God!” Seryosong sabi ni Finn. Huminga siya ng malalim. Pinagmasdan niya ang dalawa at nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Upang maliwanagan kayo, ipaliliwanag ko muna sa inyo kung ano ang mga naging karanasan ko gano'n din ang mga nalaman ko sa Creation Palace...”

Sinimulan ni Finn ang pagsasalaysay patungkol sa lahat ng kaniyang naging karanasan sa Land of Origins. Ipinaliwanag niya kina Astra at Faino ang mga nangyari matapos nilang maghiwalay ng landas. Wala siyang ikinubli sa dalawa dahil naisip niyang walang saysay kung magtatago pa siya ng mga impormasyon sa mga ito.

Sina Faino at Astra ay kaniyang katuwang. Napakalaki ng naitulong ng dalawa sa kaniya at sa buong New Order. Si Astra ang dahilan kaya dumami ang kanilang mga natural na kayamanan. Dahil dito kaya ang pambihirang kayamanan na kailangan sa pagpapanday ng Unique Armament at paggawa ng potion ay dumami. Tungkol kay Faino, nakatulong niya ito sa pagliligtas sa Dark Crow. Walang pag-aalinlangan din itong lumabas para siya ay tulungan na paatrasin ang hukbo ng Demonic Ice Empress.

Pinagkakautangan niya ng loob ang dalawa, at alam niya sa sarili niya na hindi siya pagtatrayduran ng dalawa. Una pa lang, alam na ng dalawa ang karamihan sa kaniyang sikreto. Hindi niya kailangang pagtaguan ang dalawa dahil naniniwala siya na mapagkakatiwalaan ang mga ito.

--

“Hindi na ako makapaghintay na makitang muli si Lady Dayang. Hanggang kamatayan, nangangako akong paglilingkuran ko siya. Handa akong magbuwis ng buhay para sa kaniya dahil sa buhay kong ito, ang katapatan ko ay sa kaniya lamang,” sambit ni Jetro.

Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon