Malakas ang pagbuhos ng ulan, mabigat at tila walang plano tumigil, katulad na lamang ng luha ko na tuloy ang pagpatak at pakiramdam na tila dala ko sa aking palad ang mga pasanin ng mundo.
Ilang buwan pa lamang ng pumanaw ang aking ina at kamakailan ay sumunod ang aking ama. Hindi ko alam kung paano at saan mag-uumpisa, ngayon na wala na akong rason para ituloy ang buhay.
Naudlot ang aking pagmumuni-muni nang tumunog ang door bell, senyales na may tao sa labas ng aming bahay.
Nagtungo ako sa pinto upang pagbuksan ang taong nasa labas.
Bumungad sa akin ang dalawang babae, isang tila'y nasa edad singkwenta at isang tila'y nasa edad ko lang.
"Kamusta ka na Llouise? Dalaga ka na samantalang nang iwan ka namin noon ay napakaliit mo pa lamang." Bungad ng matandang babae.
"Magandang araw po, ngunit sino po sila?" Nakangiting tugon ko.
Maaliwalas ang mukha ng matandang babae na para bang nagagalak siyang makita ako.
" Hindi mo na ako naaalala aba'y napakabata mo pa nang umalis ako dito sa Pilipinas. Ako nga pala ang nakakatandang kapatid ng mama mo si auntie Teresita pero tawagin mo na lang akong tita Tessa. Napagpasyahan kong umuwi na lamang dito sa Pilipinas upang samahan ka dahil nabalitaan ko ang pagpanaw ng iyong ama." Tugon nito sabay pakita ng litrato niya at ni mama na magkasama.
"Ah ganun po ba? Pasensya na po at hindi ko na po kayo matandaan. Tuloy po kayo."
Pumasok ang dalawa at itinungo ko sila sa living area upang maupo.
"Sandali lang po at kukuha ako ng makakain."
"Ay! Hindi na Llouise, kakakain lang din kasi namin bago po pumunta dito, salamat na lang."
Tugon ng babaeng mukhang kaedaran ko lang.Mukhang napansin nya ata ang pagkalito sa mukha ko nang magtama ang mata namin.
"Ah! Ako nga pala si Celestia, Celestia Moncleir but you can call me Celes."
Tugtong nito."Ito nga pala ang iyong pinsan, isa lang ang binigay sa akin na biyaya sapagkat napakastrikto namin ng mama mo noon, ipinangako namin na isa lang ang magiging anak namin pareho." Tugon ni tita.
"Pasensya na kung hindi kami nakauwi noong burol ng mama mo kasi paalis na dapat kami kaso naaksidente kasi itong pinsan mo nung araw bago ang flight namin papunta dito sa Pilipinas."
Dugtong ni tita."Okay lang po iyon, naiintindihan naman po namin and for sure si mama rin po naiintindihan niya."
"Hayaan mo, ngayon nandito na kami ng pinsan mo at hindi ka namin pababayaan."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
YOU ARE READING
Call Me Elle
Mystery / Thriller"It was my plan, and you were part of it." The betrayal cut deep, exposing the painful truth that sometimes, in the dance of trust and deceit, even the most genuine smiles could hide the darkest intentions.