Bakawan

5 0 0
                                    

Sa isang liblib na coastal baranggay ng Pulu Tres ay may natagpuang bangkay ng isang mangingisda sa bakawan. Na luray luray na ang katawan na nakasampay pa sa tabi ng bangka nito. Mariin naman ang pag iimbestiga ng kapulisan sa naturang bangkay sa tulong narin ng baranggay.

" Pang lima na ito ngayong buwan sir, kailangan na talaga natin isagawa ang pag-alis ng mga buwaya sa lugar namin, nalalagay sa panganib ang buhay ng aking mga nasasakupan " aniya ni Kapitan Berting

" Kap gusto rin naman namin ang inyong ideya na tanggalin ang mga buwaya at magtayo ng bakod dito sa mga bakawan upang maging ligtas naman kayo dito, ngunit mahigpit na ipinagbabawal ng DENR ang pag alis ng mga buhay ilang sa kanilang natural na tahanan" sagot naman ng pulis

Nadismaya naman sa narinig si Kap Berting pati narin ang mga mamamayan ng Pulu Tres. Sa hindi kalayuan nakatanaw ang isang dalaga at nagmamadali itong tumakbo papunta sa maliit nitong kubo.

Dumating ang dalaga sa kanilang kubo at dali dali nitong inaruga ang kaniyang ina na kasalukuyang nakaratay sa maliit na higaan.

" Victoria...nararamdaman ko na hindi na ako magtatagal sa mundong ito..gusto ko"

" Nay magpahinga kalang dyan at mabuti pa at kumain kana heto oh bigay ni Buhawi sinabawan ko yan dahil iyan ang paborito mo " kaagad na pinahigop ni Victoria ng mainit na sabaw ang kaniyang ina

Samantala nagpulong naman si Kapitan Berting sa kaniyang mga kababaryo. Upang gumawa ng hakbang sa pagpuksa sa mga buwaya na nakatira sa bakawan.

" Tama yang naisip mo kap wala na atang paki sa atin ang munisipyo "

" Kaya mga kasama kayo ay magsidala ng mga lambat at dinamita para maitaboy ang mga iyan dito sa atin, pagsapit din ng bukang liwayway ay isasagawa natin ang plano " aniya ni Kapitan Berting

Habang naglalakad pauwi ang tatlong tanod ng Pulu Tres malapit sa bakawan dahil sa nagpapatrolya ang mga ito upang makita kung merong buwaya ang aatake sa kanilang mga alagang hayop tuwing gabi.

Iniilawan nila ang bakawan upang makita kung magliliwanag ang mga mata nito ngunit kahit ilang ulit nilang gawin ito ni isang buwaya ay wala silang namamataan.

" Pare ilang gabi na tayong nagroronda ni hindi pako nakakakita ng buwaya ah "

" Oo nga pare dati araw o gabi man e nakikita ko yang mga yan sa dalampasigan at hindi naman sila ganon ka agresibo di tulad ngayon na hindi mona sila nakikita pero ang dami na nilang nalapa "

" Shhh tumahimik kayo naririnig niyo yon? "

Sa hindi kalayuan ay nakita ng tatlo si Victoria na tumatakbo sa kanilang direksyon at humahangos pa. Nagka tinginan naman ang tatlo dahil dito.

" Haaa..haaa... parang awa niyo na puwede niyo ba akong tulungan kuhanin yung mga dala ko nahulog kasi doon hindi ko kayang iakyat kasi ang bigat " pag mamakaawa nito

May angking ganda naman ang dalaga kaya mabilis naman itong tinulungan ng tatlo. Habang sinusundan nila si Victoria patungo sa bahay nito ay bigla na lamang may nabuong plano itong tatlo.

" Psst hoy diba dalawa nalang sila nung nanay niya? "

" Oo balita ko nga e parang mamamatay nadaw iyon dahil sa katandaan"

" Alam niyo parang pwede natin tong ma good time si Victoria e kalain niyo oh "

Napasulyap muli ang tatlo sa dalaga at napalunok ang mga ito matapos na sumulyap ito sa kanila at napangiti pa. Kaagad naman nag tanguan ang tatlo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon