CHAPTER 21

2 1 0
                                    

chapter 21: loving someone again can also be painful.

CLARA'S POINT OF VIEW

After ng dinner na iyon ay nagpaalam na si Cyrus at nagawa pang-magbiro na mauulit pa.

Pagtapos din non ay inayos ko lang at nilinis ang mga kalat at pinagkainan, same as usual ay hindi agad nakakauwi si Clyde ng maaga kasi gaya nga ng kwento ni Cyrus, magkasama sila ni Ava at baka sa mga oras na ito ay nag-eenjoy pa iyon kasama si Ava haha..

Pagtapos kong ayusin ang lahat ay papasok na sana ako ng kwarto ng makita ko si Clyde na kakauwi lang at tila ay pagod na pagod..

Nagkatinginan kami sa mata at pagtapos ay iniwas ko agad ang paningin ko at ideneretso ang paglalakad ko sa kwarto at inihiga agad ang sarili ko sa kama.

Paghiga ko ay narinig ko na pumasok ito sa pinto, pinikit ko lang ang mga mata ko at sinimula ang pagpikit ng mga mata ko hangang sa ay nakatulog.

FEW DAYS LATER
CLARA'S POINT OF VIEW

Pagtapos ng ilang araw ay kaarawan na din ng ama nito ni Clyde at nakahanda na kaming lahat at ganoon rin si Clyde.

Magkasama kami ngayon at papasok na sa loob pero wala akong ibang ginawa kundi iwasan siya, mas lumala ngayon at tinatanguan ko na lang siya kung oo at kung hindi naman ay iilingan.

Pagtapos kaming buksan ng pinto ng nagbabantay doon ay agad din nito na hinawakan ang kamay ko na agaran ko naman na inalis sa pagkakahawak.

Ramdam ko na nakatingin si Clyde sa akin pagtapos ko gawin iyon ngunit binalewala ko lang ito at tuluyang pumasok sa loob at ramdam ko din naman na sumunod din siya sa akin sa paglalakad ko.

Ngumiti ang mga ito sa amin at pinalakpakan kami sa paglalakad namin hangang makapunta kami sa tabi ng trono ng hari kung saan doon rin nakalagay ang upuan namin ni Clyde sa kanan na magkatbi at nakaharap sa maraming demons na nakatingin sa amin.

Andoon din si Caina at Cyrus sa itaas sa tabi ng trono ng hari s kaliwa, napatingin ako kay Caina na nginitian ako nito dahil alam niya ang sekreto ko at si Cyrus naman ay walang ibang ginawa kundi ngiting ngiti din sa akin na inirapan ko lang.

Aakyat sana kami ng trono ng biglang tumayo si Ava sa kinauupuan niya at lumapit sa amin at niyakap si Clyde na agad ay tumingin sa akin at sinalubong ako ng irap sa mata nito.

Syempre ay hindi ko ito pinansin at aakyat na sana ako kung saan ay nakalagay ang trono ng tumayo si Cyrus sa kinauupuan nito at inoffer sa akin ang kamay niya ngunit ay nginitian ko lang ito at iniwasan.

Sa pagupo ko ay sunod na umupo si Clyde sa akin kung saan ay nasa kaliwa ko.

Ang dami ngang demonyo rito, pinapanood at tinitingnan kaming lahat, higpit na higpit rin ang security rito since andidito ang hari kaya ay bago ka papasukin sa malaking lugar na ito ay kakapkapan ka at titingnan sa mga parte na maaari ka na magtago ng mga matutulis na bagay.

Mayroong madaming mga security sa labas at ganoon din syempre dito sa loob, napaka dami.

May mga separate din na mga mesa ang mga higher ups, mayayaman rito at ang mga ayah na nandidito, bumunot nga lang ang mga ayah ng maliit na papel kung magtratrabaho ba sila o makikisama sa kasiyahan ngayon sa kaarawan ng hari nila.

Sa ilang minuto na nagsasalita si Caina ay natapos rin ito kaya ay si Cyrus naman ngayon na nagbibigay ng mga sasabihin nila tungkol sa kanilang ama.

Nagsasalita ito si Cyrus ngayon habang kami ni Clyde ay hindi naguusap o nagpapansinan simula kanina pero napapansin ko ito na tumitingin sa akin.

"ayos lang ba tayo?" Napatingin ang mga mata ko dito at ganoon din pala siya sa akin, titig na titig at seryosong seryoso.

Tumango lang ako sa kaniya at agad na iniwas ang tingin ko sa kaniya na nagdahilan na hinawakan nito ang kamay ko "Magsalita ka naman, ayos lang ba talaga tayo?"

CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon