Chapter 38

20 7 0
                                    

Jasmine's POV

"Hey!" Nabalik ako sa diwa ko ng kumaway sa harapan ko si Lorraine.

"Jasmine, ayos ka lang?" Tanong ni Shea.

"Oo." Sagot ko.

"Kamusta na si tito? Isang linggo na siya sa kulungan." Sabi ni Crenton.

"He is fine pero ayaw niya magsalita. I am trying my best to regain the company, sadyang may mga umalis lang na iba. " Sabi ko.

"Kahit anong mangyari huwag magpapadala kay Mr. Laurier. He is also under investigation dahil sa nag-leak na video." Sabi ni Shea.

"I am going crazy." Sabi ko at ipinikit ang aking mga mata. Wala na akong matinong tulog at kain. Napabayaan na rin love story namin ni Mr. Hawty Kiglen, kidding.

"Matagal ka ng baliw Verlice." Sabi ni Shea sa akin. Naramdaman kong uma-alis sila kaya pag-angat ko ng tingin ay si Adrian at ako nalang ang naiwan.

"Speak." He said and sit infront of me.

"About?" I asked him.

"Hindi ako tanga Jasmine para hindi ko mapansin at malaman." Seryosong sabi niya. Bumuntong hininga ako saka ko sinabi lahat.

"What are your plans?" He asked.

"I need proofs against Mr. Laurier." I said.

"How about your mission?" He asked.

"I don't know." Sagot ko.

"Jasmine. Tandaan mo, kapag nalaman ni Riza na kinakalaban mo ang pamilya nila- Alam ko kaya nga nalilito ako." Putol ko kay Adrian.

"Jasmine, not now na malapit na." He said and hold my hand.

"I am trying Adrian pero nadadamay sila dad. Am I not that close enough to the Laurier? Gaano kalapit pa ba Adrian? Because the more I get close to them the more problems are approaching us. Everything is becoming indanger." Sabi ko kay Adrian at hindi mapigilan na maging emosyonal.

"Malapit na Jasmine. After that, makukuha mo rin ang hustisya para sa mama mo. Trust the process Jasmine, mananalo ka. The more you get closer the more you discover." He said and tap my shoulder.

Pagkatapos namin na mag-usap ay iniwan ako mag-isa. Sakto naman na tumawag si Natasha.

"Good news." Sabi niya.

"Ano iyon?" I asked.

"The three police. We are getting their side." Sabi niya.

"That's a good news to know." I said. "Hindi mo siguro tinakot masyado noh?"

"Slight lang naman. Subukan nila na maging traydor, alam nila kung saan sila lulugar." She said and laugh.

"Verlice malapit na kaunti nalang." Sabi niya.

"Let's push it." Sabi ko sa kaniya bago ibaba ang tawag. I sighed before leaving the headquarter.

I need to attend my class. Pagkapasok ko sa room ay ramdam ko ang mga bulungan. Hindi talaga maiiwasan ang mga chismoso at chismosang mapanghusga.

"Jasmine." Sambit ni Riza sa pangalan ko at umupo sa tabi ko.

"Are you alright?" She asked and I nodded with a smile.

"Everything will be alright." Sabi niya at niyakap ako saka hinagod ang likod ko.

"Nagsama ang dalawang kriminal ang mga magulang." Napatingin ako sa nagsalita at masama itong tiningnan.

"What?" Taas kilay na sabi nito.

"Manahimik ka kung wala kang alam pwede? Hindi namin kailangan ng walang kwenta mong opinyon. Wala na ngang alam sa totoong nangyayari kuda pa ng kuda." Inis na sabi ko.

"Totoo naman sinasabi ko eh. Hindi naman makukulong ang papa mo kung wala siyang ginagawang mas- ARAY!" Naputol ang sasabihin niya dahil binato ko siya ng ballpen.

"Huwag kang pabida pwede? Kung naghahanap ka ng atensiyon huwag mo kaming idamay." Inis na sabi ko dito.

"Serves you right. Kung wala kasing alam, manahimik na lang." Sabi ni Shekina.

Pagkatapos ng klase ko ay diretso na akong umuwi sa bahay. I didn't even bother to talk much to Kiglen ng makasalubong ko siya. Babawi ako pagkatapos ng mga ito. I don't want him to get involve.

"Tatlong pulis ang ngayon ay tumetestigo laban kay Mr. Laurier matapos utusan umano ito na.." Rinig ko sa balita.

"Simulan na natin ang pagbagsak mo Mr. Laurier." Sabi ko at ngumisi. Naramdaman kong tumunog ang selpon ko at ng tingnan ko ay si Natasha.

"How was that?" She asked at alam kong nasisiyahan na sila sa nangyayari.

"Perfect." Tanging sambit ko.

"In just a minute nasa kulungan na iyang si Mr. Laurier. All clean just like our deal." Sabi ni Natasha.

"My dad is still in jail." Sabi ko.

"Makakalabas siya." Sabi ni Natasha.

"I'll hang up." Sabi ko at ibinaba ang tawag. I need to go to the company. Kailangan kong ayusin ang gusot na kinasangkutan ni dad na wala namang patunay.

"Bakit hindi ka nalang magpatulong sa mga Laurier. I know they will help." Sabi ni Cohen.

"Cohen, alam mo ba iyang mga sinasabi mo?Bakit ba gustong-gusto mo na mapalapit kay Mr. Laurier? Tell me Cohen, may kinalaman ka ba sa nangyari?" I asked him kaya natahimik siya.

"Wala akong kinalaman and why would I do that?" He defended.

"Malaman ko lang na may kinalaman ka sa nangyayari dito sa company, ako mismo kakaladkad sa iyo papasok sa kulungan." Banta ko sa kaniya.

Itinuloy ko na ang pagbabasa sa mga papeles ni dad.

"You can leave." Sabi ko kay Cohen at pinaikot ang swivel chair paharap sa bintana para tingnan ang mailaw na syudad. I'm stressed.

"Let me help you." He offered.

"I don't need your help." Sagot ko. Biglang natahimik ang kwarto at alam kong umalis na siya.

"Sorry Verlice." Sabi niya at paglingon ko ay biglang may kung anong na-spray siya sa mukha ko kaya nahilo ako at ramdam kong mawawalan ako ng malay. Iba na patutunguhan nito, bwisit na mga traydor.

Zsofia's POV

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa bahay. Anong oras na at wala pa rin si Jasmine, hindi rin siya nagrereply sa texts ko.

"Nasaan na ba ang batang iyon? Ang lakas na ng ulan sa labas." Nag-aalalang sabi ni manang.

*Dingdong!

"Baka siya na iyon." Sabi ko at sinamahan ako ni manang na buksan ang gate.

"Adrian." Gulat kong sambit sa pangalan niya.

"Pasok. Pasok." Sabi ko at pumasok na kami sa loob.

"Hindi ko siya mahanap." Sabi niya.

"Paanong hindi mahanap?" Tanong ko.

"I tried calling her pero walang sumasagot. I went to their company pero wala siya doon." Sabi niya sa akin.

"Tinawagan ko na rin iyung mga kakilala niya pero wala." Sabi niya.

Where is she, sabi niya saglit lang siyang lalabas pero nawawala naman na siya.

"I'll inform tito about this happenings. I'll ask help na rin para tumulong sa paghahanap sa kaniya." Sabi ni Adrian kaya tumango ako.

I hope she's safe wherever she is.

Operation Series 1: In The Professor's Shadow  Where stories live. Discover now