PART VI: FIRST DAY

244 12 0
                                    

Itinulak na ako ni lola sa banyo, kumilos na daw ako bago pa ako malate.

"Aaaaaahhhhhh!" Napa sigaw ako sa harap ng salamin ng makita ang itsura ko.

Agad namang napatakbo ang lola sa loob ng banyo.

"Bakit apo? Anong nangyari?" Pag aalalalang tanong nito.

"Lola totoo nga po! Totoo nga!" Paulit ulit kong sabi.

Ibig sabihin totoo nga, nag balik nga ako sa nakaraan. Nakita ko kasi na mas bumata ang aking itsura.

Ganitong ganito ang itsura ko nung highschool ako.

"Anong totoo apo?" Pagtatakang tanong ng lola nito.

"Nag balik po ako sa diary na ibinigay mo la."

Napakamot naman ng ulo ang lola, para bang naguguluhan sa mga sinasabi ko.

"Apo, kaka abot ko palang sayo ng diary kagabi, kung ano anong sinasabi mo. Ay gusko! Kumilos na, sumasakit talaga ang ulo ko sayo." Sabi nito bago tuluyang lumabas ng banyo.

Hindi padin mawala ang ngiti ko sa aking muka, ibig bang sabihin mababalikan ko na ulit ang nakaraan? Makakasama ko na ulit ang mga kaibigan kong sa kasalukuyan ay wala ng oras para makipag kita sakin.

May chance din akong masulit pa ang oras na kasama si lola.

At makikita ko na ulit ang dating Pablo..

Ang Pablong minahal ko..

Naligo nadin ako at nag almusal kasama si lola, ginayak ko na din ang sarili ko para maka pasok na.

Ito kasi ang first day of school.

Ang naalala ko na naka sulat sa diary ko, may kapareho din akong transferee, which is si Pablo iyon.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti, naalala ko kasing kabaligtaran ko ito. Ako hyper na nagpakilala sa harap, samantalang siya sobrang tahimik lang.

"Ack!" Sabi ko ng nabangga ako.

"Tignan mo kasi dinadaanan mo." Sabi ng lalaking kaharap ko.

Palihim naman akong napangiti, naalala kong naisulat ko ito dati sa diary. At takot na takot ako sa lalaking nakabangga sakin.

─── ⋆⋅✧⋅⋆ ───
[Diary: June 08, 2011]

𝙼𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚜𝚊𝚕𝚞𝚋𝚘𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚕𝚊𝚔𝚒 𝚜𝚊 𝚑𝚊𝚕𝚕𝚠𝚊𝚢, 𝚗𝚊𝚋𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊 𝚙𝚊 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚒𝚝𝚘. 𝚂𝚘𝚋𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚔𝚊, 𝚏𝚎𝚎𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚔𝚘 𝚊𝚗𝚢𝚝𝚒𝚖𝚎 𝚖𝚊𝚜𝚞𝚜𝚞𝚗𝚝𝚘𝚔 𝚊𝚔𝚘. 𝙳𝚊𝚙𝚊𝚝 𝚒𝚠𝚊𝚜𝚊𝚗 𝚔𝚘 𝚝𝚘𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚕𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚘.

─── ⋆⋅✧⋅⋆ ───

"Sorry." Naka ngiti kong sabi.

Tinignan lang ako nito ng masama.

Tinignan lang ako nito ng masama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Rewriting destiny  [SB19 - STELLJUN AU] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon